Hayag ng Mapaya

Hayag ng Mapaya

Share

Opisyal na pahina ng Sangguniang Barangay ng Mapaya, San Jose, Occidental Mindoro
"Hayag na Serbisyo para sa Mamamayang Mapayeño"

Photos from Hayag ng Mapaya's post 23/06/2026

"Maayos na Daloy, Ligtas na Paaralan"

Kahapon, sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay Jenie Ysit, kasama si Hon. Billy Padilla bilang Chairperson ng Committee on Peace and Order at katuwang ang ating mga BPSO, isinagawa ang pag-aayos ng daloy ng trapiko sa harap ng Ong-Ong Elementary School. Kasabay nito ang pag-assist sa rescue team ng MDRRMO para sa mas mabilis at ligtas na pagtugon sa oras ng pangangailangan.

Ang ganitong programa ay patunay na ang kaayusan at kaligtasan ng bawat kabataang mag-aaral at residente ay prayoridad ng ating barangay. Sama-sama tayo sa pagtataguyod ng disiplinang naglalayo sa atin sa aksidente at nagpapabilis ng pagresponde sa emergency.

Ang disiplina sa kalsada at mabilis na pagresponde = iilang buhay na naililigtas. Yan ang tunay na serbisyo ng Barangay Mapaya!




Photos from Hayag ng Mapaya's post 23/06/2026

COUNTDOWN TO YEREVAN! 🇵🇭🌍👑 5 DAYS OF PRIDE!

Isang malaking karangalan ng Barangay Mapaya ang pag-courtesy call sa tanggapan ng ating masipag na Punong Barangay Jenie Ysit ni Mrs. Janice Aguilar Santos, Mrs. Philippines Planet 2026!

Ngayong October 22-26, 2026, dadalhin ni Ma'am Janice ang watawat ng Pilipinas sa Mrs. Planet International 2026 sa Yerevan, Armenia! 🇦🇲 Sa loob ng 5 araw, sya ang magre-representa sa atin sa world stage kasama ang kanyang adbokasiya para sa environment, women empowerment, at serbisyong may puso.

BARANGAY MAPAYA, IT'S OUR TIME TO SUPPORT!

Samahan natin si Queen Janice sa kanyang laban para sa korona! I-share, i-comment, at i-pray natin sya. Patunayan natin sa mundo ang galing, ganda, at puso ng Pinay mula sa Occidental Mindoro!

Ningning pa at good luck sa Mrs. Planet International, Queen Janice! Ang dasal, suporta, at buong Barangay Mapaya ay kasama mo mula dito hanggang Yerevan 🙏💪🇵🇭

Sa pangunguna ni Kap Jenie Ysit, 100% ang suporta ng Barangay Mapaya, San Jose, Occidental Mindoro para sa'yo!

Photos from Hayag ng Mapaya's post 23/06/2026

"AGOS NG PROGRAMA SA SITIO HIMAMARA! 💧

Sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay Jenie Ysit, matagumpay naisagawa ang *Rehabilitation of the Water Supply System, Sitio Himamara*!

Mas malakas na daloy ng tubig, mas malinis, para sa lahat ng pamilya sa Sitio Himamara.

Maraming salamat Kap Jenie at sa buong Sangguniang Barangay sa mabilis na aksyon para sa serbisyong nararamdaman! Tunay na pinaninindigan ang layuning mamamayan ang palaging panalo sa maayos na serbisyo.

"Hayag na Serbisyo para sa Mamamayang Mapayeño"

"

Photos from Hayag ng Mapaya's post 21/06/2026

🧹 BARANGAY MAPAYA WEEKLY KALINISAN DAY REPORT (BARKADA)🌿

June 21, 2026

📍 Clean-Up Sites: Within and around the Barangay Hall
👤 Total Number of Participants: 12
🏛️ Barangay Officials Participated: 1
🌟 SK Officials Participated: 0
☺️ Office Employee participated: 0
🧑‍⚕️ BHW participated: 0
💪 Barangay Tanod participated: 0
🍀 Sitio Leader Participated: 11
🤝 CSOs / Private Sectors / Community Members Participated: 0
🛍️Total No. of Sacks Collected: 2
📦 Total Volume: 4 kls.

Ang inyong tulong at malasakit ang susi sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating Barangay. Sama-sama tayo tuwing Kalinisan Day! 💪✨

Photos from Hayag ng Mapaya's post 18/06/2026

DROP, COVER, and HOLD ON, Barangay Mapaya! 💪

Ngayong araw, June 18, 2026, 9:00 AM, aktibong nakilahok ang Barangay Mapaya sa isinagawang 2nd Quarter National Simultaneous Earthquake Drill 2026 .

Bakit mahalaga ang Earthquake Drill?
1. Nagsasanay - Para alam ng bawat isa kung ano ang "Duck, Cover, and Hold" pag lumindol.
2. Naghahanda - Binibilang natin ang kahinaan ng barangay at nape-prepare ang evacuation plan.
3. Nakakaligtas ng buhay - Sa lindol, seconds lang ang pagitan ng buhay at kapahamakan. Ang drill ang nagtuturo sa atin kung paano kumilos ng mabilis at kalmado.

Matagumpay na nakilahok ang ating barangay! Reminder lang ka-Mapayanons: Ang lindol hindi natin napipigilan, pero ang paghahanda, nasa atin. 1 minute na drill = mas maraming buhay ang maililigtas pagdating ng "The Big One".

Alam mo ba ang 3 steps? 1. Duck 2. Cover 3. Hold On.

Kayo ba nakilahok din sa inyong bahay/trabaho? Comment nyo 👇

Patuloy po kaming nakikipag-ugnayan sa MDRRMO para masiguro ang kaligtasan ng bawat Mapayeño.

18/06/2026

PANAWAGAN SA LAHAT NG KA-BARANGAY

Magandang araw po!

Ipinaaabot po ng ating Barangay Council na hindi po makakahakot ng basura ang truck ng MENRO ngayong Huwebes, Hunyo 18, 2026, dahil sa biglaang pagkasira ng truck.

Paalala sa lahat:
1. Dahil Huwebes lang po ang regular na schedule ng paghahakot sa ating Barangay, pansamantala po muna nating itabi at sinopin ang mga basura sa loob ng bakuran.
2. Paki-secure po sa sako o drum na may takip upang hindi magkalat at kalaykayin ng mga a*o at pusa.
3. Iwasan muna ang paglalagay ng basura sa mga gilid ng kalsada.

Sa susunod na Huwebes na po ulit ang hakot, kapag naayos na ang truck ng MENRO. Magpapabatid po kami agad kung may pagbabago sa schedule.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa para mapanatili nating malinis at maayos ang ating barangay.

Barangay Council 🫶
Sa gabay at pahintulot ni Punong Barangay Jenie Ysit.

Photos from Hayag ng Mapaya's post 17/06/2026

📢 ROAD GRAVELLING/IMPROVEMENT UPDATE | June 16, 2026

Kahapon, sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay Jenie Ysit , isinabay ang gravelling at pa-grader sa dalawang sitio na nakasalang para mas maraming residente ang makinabang:

1. Sitio Boundary– partikular sa tapat ng Awit at Necessito residence
2. Sitio Barombong– Duhat Road Extension

Patunay ito ng pagkakaisa at malasakit ng ating buong Sangguniang Barangay Council. Kasama sa aktibidad si Kagawad Henry Orongan Jr., bilang Chairman ng Committee on Infrastructure, na personal na nag-supervise para masiguro ang kalidad ng trabaho kasama si Kagawad Franklin Bayaoa at buong suporta ng iba pang Kagawad, at dokumentado ni Barangay Secretary Sec Jhon Rey Reyes.

Ang proyektong ito ay para sa mas ligtas, accessible, at maayos na daan para sa lahat — lalo na ngayong tag-ulan.

Maraming salamat sa Barangay Council sa tuloy-tuloy na serbisyo para sa mamamayan ng Barangay Mapaya 💪💙

Photos from Hayag ng Mapaya's post 17/06/2026

📢 CDC IMPROVEMENT UPDATE | June 17, 2026

Ngayong araw, sa pangunguna ng ating masipag na Punong Barangay Jenie Ysit at suporta ng mga Sangguniang Barangay Kagawad, kasama ang San Jose Engineering Office, matagumpay na naisagawa ang site inspection para sa improvement ng ating Child Development Centers dito sa Barangay Mapaya.

Budget: ₱35,000 para sa unang phase ng improvement at repair.

Unang 6 CDC na nainspeksyon:
1. Ilocandia CDC
2. Catmon SNP
3. Boundary CDC
4. Cusol Main CDC
5. Cusol Annex CDC
6. San Miguel SNP

Para ito sa mas ligtas at masayang learning space ng mga bata natin 💙

Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Mapaya, Occidental Mindoro
San Jose