10/09/2026
Sa ngalan ng buong Sangguniang Barangay at ng mga mamamayan ng Barangay A. Pascual, sa pangunguna ni Punong Barangay Julius Seblag Ercilla, nais naming ipaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa kagalang-galang na Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa ilalim ng programang "BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG" mula sa Socio-Civic Projects Fund, kami ay napagkalooban ng isang daang piraso ng monoblock chairs at dalawang pirasong tent na may kabuuang halagang isang daang libong piso (₱100,000.00). Malaking tulong po ito sa ating mga programa at aktibidad sa barangay.
Muli, maraming salamat po PBBM! Mabuhay po kayo!