04/06/2026
π£π¨ππππ ππππ₯ππ‘π π£ππ₯π π¦π ππ’π π£π₯ππππ‘π¦ππ©π πππ‘π π¨π¦π π£πππ‘ (πππ¨π£) ππππβππππ
Nakiisa po tayo sa Public Hearing para sa Comprehensive Land Use Plan (CLUP) 2025β2034 ng Bayan ng San Jose. Mahalaga ang konsultasyon ito upang mapakinggan ang bawat sektor at matiyak ang maayos na pag paplano para sa siguradong pag-unlad ng ating bayan. Mananatili po ang atingt susuporta sa mga programang naglalayong maghatid ng kaunlaran mas maayos na kinabukasan na ang makikinabang ay ang ating mga kababayang San JoseΓ±o.
04/06/2026
πππ¦π§π₯πππ¨π§ππ’π‘ π’π π£π₯π’π¦π§πππ¦ππ¦ π£ππ₯π π¦π π ππ π£πͺπβπ
Nakiisa tayo sa isinagawang Distribution of Prosthesis para sa ating mga Persons with Disabilities (PWDs) sa pangunguna ni Cong. Leody βOdieβ Tarriela. Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng karagdagang suporta at pag-asa sa ating mga kababayang nangangailangan ng prosthetic devices upang mapabuti ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
04/06/2026
πππ£π£π¬ π£π₯πππ π π’π‘π§π
Ngayong Pride Month, ating ipinagdiriwang ang pagkakapantay-pantay, paggalang, at pagmamahal sa bawat isa. Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na bukas, makatarungan, at may respeto sa lahat.
Maligayang Pride Month!
β Hon. Danilo Ilo Centeno
04/06/2026
π‘ππ§ππ’π‘ππ ππππ πππ¬ ππππ
Sa pagdiriwang ng National Flag Day, tayo ay nagkakaisang nagbibigay-pugay sa ating pambansang watawatβsimbolo ng kalayaan, katapangan, at pagmamahal sa bayan.
Nawaβy patuloy nating pahalagahan at ipagmalaki ang ating pagiging Pilipino sa pamamagitan ng pagkakaisa at tapat na paglilingkod sa kapwa at sa ating bayan.
Maligayang National Flag Day sa ating lahat!
β Konsehal Centeno
03/06/2026
πππ¬ππ‘ππππ‘ π¦ππ₯πππ¦π¬π’ πππ₯ππ©ππ‘ π¦π ππ₯ππ¬. π ππππ‘π
Nakiisa tayo sa isinagawang Bayanihan Serbisyo Caravan sa Brgy. Mabini bilang bahagi ng patuloy na paghahatid ng mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa ating mga kababayan.
Sa pamamagitan ng programang ito, mas napalapit ang iba't ibang serbisyong kinakailangan ng mamamayan, lalo na sa mga komunidad na nangangailangan ng agarang tulong at suporta. Ang Bayanihan Serbisyo Caravan ay patunay ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan upang matiyak na walang maiiwan sa pag-unlad.
02/06/2026
π£ππππππππ π¦π ππππ¨π¦ππ¬ππ‘ ππ§ πππππππ¦π¬π’π‘ π¦π π¦ππ₯πππ¦π¬π’ π£π¨πππππ’ π‘π ππ’π‘. πππ¦π₯πππ πππππ¬π’π₯ππ‘
Kasabay ng isinagawang Ika-22 Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan ngayong araw, atin ding binigyang-pugay at pagkilala si Hon. Jesriel Cacayorin bilang isa sa mga Awardees ng 10th Saludo Excellence Awards.
Ang pagkilalang ito ay patunay ng kanyang dedikasyon, mahusay na pamumuno, at taos-pusong paglilingkod sa ating mga kababayan. Nawaβy magsilbi itong inspirasyon sa patuloy na pagsusumikap para sa mas maayos at mas progresibong San Jose.
02/06/2026
πππ‘π π₯πππ¨πππ₯ π‘π π¦ππ¦π¬π’π‘ π‘π π¦ππ‘πππ¨π‘πππ‘π πππ¬ππ‘
Ngayong araw ay muli tayong dumalo at nakiisa sa Ika-22nd Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan ng San Jose, Occidental Mindoro.
Sa sesyong ito, ating tinalakay ang iba't ibang ordinansa, resolusyon, at mga usaping may kinalaman sa badyet ng ating bayan upang matiyak na ang mga programa at serbisyong inilaan para sa ating mga kababayan ay maayos na maipatutupad.
01/06/2026
π¨ππ‘ππ¬ππ‘ ππ§ πππ¬πππ’ππ’
Nakiisa tayo sa isinagawang dayalogo sa Office of the Governor kaugnay ng batching plant sa Brgy. Central upang maiparating at mapakinggan ang mga saloobin ng ating mga kababayan. Patuloy po tayong makikipagtulungan para sa ating mga kabababayan sa Central.
31/05/2026
π ππππππ¬ππ‘π ππππ₯ππͺππ‘, π π₯. ππ’π‘π ππ‘ππ‘π’
Isang taos-pusong pagbati sa ama ni Kagawad Niko Enano ng Brgy. Ansiray sa kanyang espesyal na araw. Nawaβy pagkalooban pa kayo ng mabuting kalusugan at mahabang buhay.
Maligayang kaarawan po at nawaβy maging masaya at makahulugan ang inyong pagdiriwang.
31/05/2026
ππ’π‘ππ₯ππ§π¨πππ§ππ’π‘, π₯ππ¬π‘ππ‘ ππ§ ππππ¬ππ‘π‘π
Taos-pusong pagbati sa inyong pag-iisang dibdib sa aking mga bagong inaanak. Nawaβy maging matatag, masaya, at puno ng pagmamahalan ang inyong buhay mag-asawa. Gabayan nawa kayo ng Diyos sa bawat hakbang ng inyong bagong yugto bilang magkabiyak.
Best wishes and God bless your marriage!