Barangay Calaocan, Lungsod ng San Jose, N.E.
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Calaocan, Lungsod ng San Jose, N.E., Government Organization, Bonifacio, San Jose.
19/12/2025
Mahal kong mga kabarangay,
Nais naming ipahayag ang aming taos-pusong pasasalamat sa inyong lahat na lumahok at nagdala ng kasiyahan sa ating Paskong pagdiriwang! Ang inyong presensya ang tunay na "regalo" na ginawa nating lahat ng kaganapan na napakasaya — mula sa tawa at sigaw sa mga palaro, hanggang sa masarap na hapag-kainan na ibinahagi natin, at sa kagalakan ng pa-raffle na nagpasaya sa marami.
Ang araw na ito ay patunay na kapag tayo ay magkasama, lahat ay mas masaya at may kulay.
Nawa'y patuloy na maghari ang kagalakan at biyaya sa inyong mga tahanan ngayong Pasko at sa darating na Bagong Taon. Maraming salamat muli sa inyong paglahok — hindi magiging matagumpay ang pagdiriwang ng Hindi dahil sa inyo!
Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa lahat ng taga-Barangay Calaocan!
20/11/2025
Maraming Salamat sa inyong pagsisikap at sakripisyo mga mahal naming TUPAD beneficiaries. Sa pangunguna ni Kapitan Jimmy C. Gabay kasama ang ilang Kagawad ang mainit na palugaw ay alay namin para sa inyong lakas at dedikasyon sa paglilinis at pagpapaganda ng ating komunidad. Patuloy po tayong magtulungan at magmalasakit, ang inyong sipag ay inspirasyon sa ating lahat.
12/11/2025
Oryentasyon ng TUPAD DOLE matagumpay na naisagawa ngayong araw,November 12, 2025 sa Pag-asa gym Melcar, Barangay Hall ng Calaocan. Sama-sama tayong magtrabaho para sa mas maganda at malinis na komunidad.
At matagumpay naman na naipamahagi ang mga bigas at bangus na pang-ulam para sa ating mga Kabarangay sa pangunguna ni. Kapitan Jimmy Gabay kasama ang ilang konsehal at iba pang empleyado ng Barangay.
09/11/2025
Mahal naming mga kabarangay. Malugod namin Kayong inaanyayahan sa mga evacuation center ito ay ang mga sumusunod Day Care Center (Melcar), Senior Citizen (Melcar), at Calaocan Elementary School.
Naway maging ligtas at komportable kayo dito. Ang ating Barangay ay narito upang magbigay ng suporta at tulong sa inyong pangangailangan. Para sa inyong katanungan at pangangailangan huwag mag atubiling lumapit sa mga itinalagang Opisyales ng Barangay.
Manatili po tayong kalmado at magka-isa sa panahong ito. At kung kailangan po nating mag evacuate mag evacuate n po tayo immediately.
08/11/2025
Mga minamahal kong kabarangay sama-sama tayong maghanda at maging ligtas saBagyong Uwan. Makinig sa mga abiso at maging alerto! Tumawag lamang po sa ating mga emergency hotline.
27/10/2025
Isang araw ng kasiyahan, pagtawa at nakakatakot na mga costume ng mga bata ng Barangay Calaocan Day Care Center Halloween Party na ginanap ngayong araw October 27, 2025, sa pamumuno ng ating DCW Sir Veberly Bartolome, Ma'am Cleng Bautista, Ma'am Aylene Ramos, kasama si Kagawad Rey Fulgencio at ang ating mahal na Kapitan Jimmy Gabay sa programang nasabi at nagpamigay ng mga cash prizes sa mga bata.
Maraming Salamat din po sa ating mga supportive parents.
Ang mga bata ay nag enjoy ng sobra!!!
25/10/2025
Isang makabuluhang pagtitipon kung saan nagbahagi ng mga ideya at pagkakaisa para sa ikabubuti ng ating Barangay. At matagumpay na idinaos ang ating Barangay Assembly!
Sama-sama tayong magplano para sa mas maunlad na kinabukasan ng ating komunidad!
BARANGAY ASSEMBLY DAY, 2ND SEMESTER -CY 2025
"Araw ng pakikibahagi: Solusyon at Aksyon ating talakayin ngayong Barangay Assembly!"
22/10/2025
𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐀𝐒𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐘 𝐃𝐀𝐘
October 25, 2025 (Saturday) | 9:30 AM
Isang mapagpalang araw mga ka-barangay, inaanyayahan po ang lahat na dumalo sa ating Barangay Assembly Day na gaganapin sa October 25, Sabado, sa ganap na ika-9:30 ng umaga, sa ating Pag Asa gym, Barangay Hall.
Umaasa po ang buong Sanggunian sa pangunguna ni Punong Barangay Jimmy Gabay na tayo ay makiisa upang maibahagi natin ang ating mga hinaing, tanong at suhestiyon upang mapaganda ang ating barangay.
07/10/2025
Ginanap ang KAPISTAHAN NI MARIA, REYNA NG KASANTO-SANTUHANG ROSARYO, ngayong araw Ika-7 ng Oktubre 2025. Nagkaroon ng prusisyon ganap na 7:00 ng umaga, at sinundan naman ng Misa ganap na 9:00 ng umaga na ginanap sa CALAOCAN HOLY ROSARY CHAPEL.
Nagkaroon din ng Gift Giving para sa ating mga Kabarangay sa pangunguna ni Kap. Jimmy Gabay, kasama ng kanyang mga Kagawad, Sk Chairwoman Kristel Uy, at iba pang empleyado ng Barangay.
"Sama-sama tayong magpasalamat sa ating Patron sa mga biyayang ating natatanggap"
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Bonifacio
San Jose
3121
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 5pm |
| Sunday | 8am - 5pm |
