Mangyan Affairs Office- LGU San Jose

Mangyan Affairs Office- LGU San Jose

Share

Mangyan Affairs Office - San Jose
Bayang Angat sa Pamahalaang Tapat

Photos from Mangyan Affairs Office- LGU San Jose's post 20/03/2026

MARSO 16-20, 2026

"πŒπ€π‹πˆππˆπ’ 𝐍𝐀 π“π”ππˆπ† π“π”ππ†πŽ 𝐒𝐀 πŒπ€π”ππ‹π€πƒ 𝐍𝐀 ππ€πŒπ€π˜π€ππ€π: πˆππˆπ’π˜π€π“πˆππ€ 𝐒𝐀 π’πˆπ“πˆπŽ πƒπ€π˜π€π†π€ 𝐀𝐓 π’πˆπ“πˆπŽ 𝐔𝐏𝐏𝐄𝐑 πŠπŽπ˜π–π€π, ππ€π‘π€ππ†π€π˜ ππ€πˆππ”π€π"

Ang tubig ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng bawat pamayanan. Ang Sitio Upper Koywan at Sitio Dayaga, Barangay Naibuan ay kabilang sa mga IP Sitios na nakararanas ng kakulangan sa maayos na suplay ng tubig, na nakakaapekto sa kanilang pang araw-araw na gawain at kalinisan ng pamayanan.

Bilang tugon sa suliraning ito, at bilang bahagi ng layunin ng DSWD - Pantawid Pamilyang Pilipino Program, katuwang ang pamahalaan ng Lokal na Bayan ng San Jose sa pamumuno ng ating butihing Mayor Rey C. Ladaga, sa inisiyatiba ng Mangyan Affairs Unit sa pamumuno ni Jayson G. Vergino at pakikiisa ng mga miyembro ng komunidad, naging matagumpay ang implementasyon ng proyektong water system.

Kasabay nito, isinagawa rin ang inspeksyon sa kalagayan ng water system sa Sitio Yabat at Sitio Ilya II, Barangay Naibuan.

Photos from Mangyan Affairs Office- LGU San Jose's post 12/03/2026

MARSO 10-11, 2026

β€œππ€π†π‡π€π“πˆπƒ 𝐍𝐆 πŒπ†π€ πŒπ€π“π„π‘π˜π€π‹π„π’ 𝐒𝐀 ππ€π†π’π€π’π€π€π˜πŽπ’ 𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 π’π˜π’π“π„πŒ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 π’πˆπ“πˆπŽ 𝐍𝐆 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŒπŽππ“π„ π‚π‹π€π‘πŽβ€

Muli na naman tayong nakapaghatid ng mga bagong materyales para sa pagpapagawa at rehabilitasyon ng water system sa Sitio Mantay, Masay, Ilya, at Sangay, Barangay Monte Claro. Ito ay upang mabigyan ng ligtas at malinis na suplay ng tubig na magagamit ang mga katutubong pamayanan sa mga nasabing Sitio.

Ang programang ito ay naisakatuparan sa tulong ng Lokal na Pamahalaang San Jose sa pamumuno ni Mayor Rey C. Ladaga at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Pantawid Pamilyang Pilipino Program 4Ps, gayundin sa inisyatibo ng Mangyan Affairs Unit na pinangangasiwaan ni Jayson G. Vergino.

Photos from Mangyan Affairs Office- LGU San Jose's post 24/02/2026

PEBRERO 18-21, 2026

"ππ‘πŽπ˜π„πŠπ“πŽππ† 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 π’π˜π’π“π„πŒ 𝐒𝐀 π’πˆπ“πˆπŽ π’π€π‹πˆπƒπ€ππ†, ππ€π‘π€ππ†π€π˜ ππ€πˆππ”π€π: ππ€πˆπ’π€πŠπ€π“π”ππ€π‘π€π"

Sa loob ng apat na araw na pag tutulungan ng mga empleyado ng Mangyan Affairs Unit at ng ilang mga boluntaryo mula sa komunidad ay matagumpay na naisagawa ang paghuhukay para sa mga tubo at linya ng tubig, pag-install ng water tank at paglagay ng water source. Layunin ng proyektong ito ang makapagbigay ng malinis at maayos na suplay ng tubig sa mga katutubong naninirahan dito.

Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa tulong ng DSWD - Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Bayan ng San Jose sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Rey C. Ladaga at sa pamamagitan ni Jayson G. Vergino, Mangyan Affairs Unit Head.

Photos from Mangyan Affairs Office- LGU San Jose's post 23/02/2026

PEBRERO 16-17, 2026

"ππ€π†π’π€π’π€π€π˜πŽπ’ 𝐍𝐆 𝐖𝐀𝐓𝐄𝐑 π’π˜π’π“π„πŒ 𝐒𝐀 π’πˆπ“πˆπŽ πƒπ€π‹π€π‹πŽ, ππ€π‘π€ππ†π€π˜ ππ€πˆππ”π€π"

Kasabay ng magandang panahon matagumpay na naisagawa ang pagsasaayos ng water system sa Sitio Dalalo, Barangay Naibuan upang magbigay ng malinis at maayos na suplay ng tubig para sa mga naninirahan sa Sitio. Ang proyektong ito ay sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development – Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), katuwang ang Pamahalaan ng Lokal na Bayan ng San Jose sa pamumuno ng ating butihing Mayor Rey C. Ladaga.

Hindi alintana ang pagod sa sama-samang pag tutulungan ng Mangyan Affairs Unit at ng mga miyembro ng komunidad ng IPs, sa pangunguna ni Unit Head Jayson G. Vergino, upang mag hatid ng malinis, ligtas, at maaasahang suplay ng tubig na layunin ng proyekto.

Kasabay nito ay ang pag inspeksiyon ng mga lagay ng water system sa Sitio Upper Koywan at Sitio Dayaga, Barangay Naibuan.

Photos from Mangyan Affairs Office- LGU San Jose's post 02/11/2025

𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 πŠπ€π“π”π“π”ππŽ 2025

Sa huling araw ng pagdiriwang ng Buwan ng Katutubo ay pinasinayaan ang isang (1) unit classroom at isang (1) CDC Building, kasabay ng BAYANihan Serbisyo Caravan na naghatid ng iba’t ibang serbisyo sa mga mamamayan ng Barangay Monte Claro, Naibuan, Bayotbot at Murtha.

Lubos naming ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa matagumpay na Pagdiriwang ng Buwan ng Katutubo 2025! Isang malaking saludo sa ating mga kababayan mula sa apat na barangay β€” Monte Claro, Naibuan, Murtha, at Bayotbot β€” sa inyong aktibong partisipasyon at pakikiisa. Gayundin sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at institusyon na naging katuwang sa tagumpay ng programang ito:
DSWD PAMANA
DSWD Pantawid Pamilya Pilipino Program
NCIP-Occidental Mindoro
68th Infantry "Kaagapay" Battalion, Philippine Army
PNP San Jose MPS
Danlog Elementary School

Maraming Salamat din sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lokal: Municipal Cooperatives Development Office sa pangunguna ni EnP. Don Vincent B. Busto kasama ng kanyang mga staff, kay Bb. Iny Lourdes S. Peroy ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Bb. Jenilyn Figueroa-Lomocso, MD ng Municipal Health Office, Engr. Ronald V. Reyes ng Municipal Civil Registrar at Rommel Calingasan ng Municipal Agriculture’s Office.

At higit sa lahat, lubos ang ating pasasalamat sa ating Punong Bayan Rey C. Ladaga sa kanyang walang sawang suporta at pagmamahal upang maisakatuparan ang makabuluhang pagdiriwang na ito.

Ang inyong dedikasyon at suporta ay tunay na inspirasyon sa patuloy na pagsusulong ng pagkakaisa, paggalang, at pag-unlad para sa ating mga katutubong kapatid.

Photos from Mangyan Affairs Office- LGU San Jose's post 02/11/2025

𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 πŠπ€π“π”π“π”ππŽ 2025

Sinimulan ang ikatlong araw sa pagtatanim ng mga puno sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) bilang simbolo ng malasakit sa kalikasan. Sinundan ito ng masayang Palaro ng Lahi, tampok ang mga tradisyunal na laro tulad ng Hilahang Lubid, Kadang-kadang, Sack Race, at marami pang iba. Pagdating ng gabi, muling nagsama-sama ang mga Barangay ng Monte Claro, Naibuan, Bayotbot, at Murtha sa isang pagsasapanlipunan na puno ng talento at kultura β€” kabilang ang Paligsahan sa Pag-awit, Ambahan, at presentasyon ng bawat Barangay.

Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Barangay 7, San Jose Occidental Mindoro
San Jose
5100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm