Mangyan Affairs Unit- San Jose Occidental Mindoro

Directions

Mangyan Affairs Unit- San Jose Occidental Mindoro Mangyan Affairs Unit - San Jose
Bayang Angat sa Pamahalaang Tapat

𝑶𝑷𝑰𝑺𝒀𝑨𝑳 𝑵𝑨 𝑷𝑨𝑮𝑷𝑼𝑷𝑼𝑳𝑶𝑵𝑮 𝑩𝑰𝑳𝑨𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑮𝑯𝑨𝑯𝑨𝑵𝑫𝑨 𝑺𝑨 𝑷𝑨𝑮𝑫𝑰𝑹𝑰𝑾𝑨𝑵𝑮 𝑵𝑮 𝑩𝑼𝑾𝑨𝑵 𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑻𝑼𝑻𝑼𝑩𝑶 𝟐𝟎𝟐𝟔Isang mahalagang hakbang tungo sa matag...
07/10/2026

𝑶𝑷𝑰𝑺𝒀𝑨𝑳 𝑵𝑨 𝑷𝑨𝑮𝑷𝑼𝑷𝑼𝑳𝑶𝑵𝑮 𝑩𝑰𝑳𝑨𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑮𝑯𝑨𝑯𝑨𝑵𝑫𝑨 𝑺𝑨 𝑷𝑨𝑮𝑫𝑰𝑹𝑰𝑾𝑨𝑵𝑮 𝑵𝑮 𝑩𝑼𝑾𝑨𝑵 𝑵𝑮 𝑲𝑨𝑻𝑼𝑻𝑼𝑩𝑶 𝟐𝟎𝟐𝟔

Isang mahalagang hakbang tungo sa matagumpay, makabuluhan, at makulay na pagdiriwang ng Buwan ng Katutubong Pilipino 2026 ang isinagawang opisyal na pagpupulong ngayong araw oktubre 7, 2026 ganap na ika 11:00 ng tanghali, bilang paghahanda sa mga nakatakdang programa at gawain para sa natatanging okasyong ito.

Sa pagpupulong, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng maayos na koordinasyon, pagkakaisa, at pagtutulungan upang matiyak na magiging organisado at makabuluhan ang bawat aktibidad. Tinalakay at pinag-ugnay ang mahahalagang detalye, iskedyul, mga gawain, at iba pang kinakailangang paghahanda upang maging matagumpay ang pagdiriwang.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rey C. Ladaga, katuwang ang Mangyan Affairs Unit na pinangangasiwaan ni Jayson G. Vergino, at iba pang mga katuwang na tanggapan.

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔!Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo, ating kilalanin at pahalagahan...
02/10/2026

𝐌𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟔!

Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo, ating kilalanin at pahalagahan ang natatanging kultura, tradisyon, kaalaman, at kontribusyon ng mga Katutubong Pilipino sa ating bansa.

Sa temang “𝑷𝒂𝒈𝒑𝒂𝒑𝒂𝒍𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒔𝒂 𝒎𝒈𝒂 𝑲𝒂𝒕𝒖𝒕𝒖𝒃𝒐: 𝑷𝒂𝒈𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈𝒖𝒚𝒐𝒅 𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒓𝒂𝒑𝒂𝒕𝒂𝒏, 𝑲𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒂 𝒂𝒕 𝑳𝒖𝒑𝒂𝒊𝒏𝒈 𝑵𝒊𝒏𝒖𝒏𝒐,” nawa’y magsilbi itong paalala sa ating lahat na mahalagang igalang ang kanilang mga karapatan, protektahan ang kanilang kultura, at pangalagaan ang kanilang mga lupaing ninuno.

Sama-sama nating itaguyod ang pagkakaisa, paggalang, at pagpapahalaga sa ating mga Katutubo.

𝐈𝐍𝐈𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐑𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐓𝐔𝐓𝐔𝐁𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟔Isinagawa ngayong Setyembre 10, 2026, g...
10/09/2026

𝐈𝐍𝐈𝐒𝐘𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐇𝐀𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐑𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐆 𝐁𝐔𝐖𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐓𝐔𝐓𝐔𝐁𝐎 𝟐𝟎𝟐𝟔

Isinagawa ngayong Setyembre 10, 2026, ganap na ika-2:00 ng hapon, ang paunang pagpupulong bilang paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Buwan ng Katutubo 2026, na ginanap sa Mayor’s Conference Room.

Tinalakay at pinagtibay sa nasabing pagpupulong ang mga plano, programa, at mga nakalatag na aktibidad na naglalayong itaguyod at bigyang-halaga ang mga karapatan, kultura, tradisyon, at kapakanan ng mga katutubong Pamayanan.

Isasagawa ang mga nakatakdang aktibidad sa Oktubre 12–16, 2026, sa Sitio Alitaytay, Barangay Murtha, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pagkilala, paggalang, at pangangalaga sa kultura at karapatan ng mga Katutubong Pamayanan.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Rey C. Ladaga, katuwang ang Mangyan Affairs Unit na pinangangasiwaan ni Jayson G. Vergino, at iba pang mga katuwang na tanggapan na patuloy na isinusulong ang mga programang nagbibigay-halaga sa kultura, pagkakakilanlan, at kapakanan ng mga Katutubong Pamayanan.

𝐊𝐀𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐔𝐓𝐔𝐑𝐎: 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐋𝐎𝐎𝐁 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐀𝐋𝐒 𝐈𝐌𝐏𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒Sa pangunguna ni Mayor Rey C. Ladaga, pormal na ipinag...
02/09/2026

𝐊𝐀𝐆𝐀𝐌𝐈𝐓𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐔𝐓𝐔𝐑𝐎: 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐊𝐀𝐋𝐎𝐎𝐁 𝐒𝐀 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐀𝐋𝐒 𝐈𝐌𝐏𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒

Sa pangunguna ni Mayor Rey C. Ladaga, pormal na ipinagkaloob ang mga kagamitang pananggalang sa panahon ng tag-ulan tulad ng bota, kapote, payong, at storage boxes para sa iba pang kagamitang ginagamit sa pagtuturo ng Community ALS Implementers. Gayundin, ipinagkaloob ang Tatlumpung libong piso (30,000.00) para sa pagpapagawa ng mga blackboard sa bawat Sitio.

Ang mga kagamitang ito ay ilalaan sa mga Community ALS Implementers (CAIs) na nagsisilbi sa mga pamayanang katutubo sa mga Sitio ng Barangay Naibuan, Monte Claro, Murtha, at Bayotbot.

Bahagi ito ng patuloy na pagsuporta at pagpapalakas sa programang Alternative Learning System (ALS) upang patuloy na maihatid ang edukasyon sa mga mag-aaral, anuman ang hamon ng panahon at kalagayan.

Ang inisyatibong ito ay pinangasiwaan ng Community - Driven Development Initiatives and Mangyan Affairs Unit sa ilalim ng pamumuno ni Jayson G. Vergino.

𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐀𝐋𝐒 𝐈𝐌𝐏𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒, 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐆𝐃𝐀 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐓𝐑𝐀𝐓𝐀Sa pangunguna ni Mayor Rey C. Ladaga, muling pinagtibay s...
22/06/2026

𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐀𝐋𝐒 𝐈𝐌𝐏𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒, 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐌𝐀𝐆𝐃𝐀 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐎𝐍𝐓𝐑𝐀𝐓𝐀

Sa pangunguna ni Mayor Rey C. Ladaga, muling pinagtibay sa pamamagitan ng paglagda ng kontrata ang mga Community ALS Implementers na magsisilbi sa mga IP Sitio sa Barangay Naibuan, Monte Claro, Murtha, at Bayotbot.

Ang inisyatibang ito ay pinangasiwaan ng Community-Driven Development Initiatives and Mangyan Affairs Unit sa ilalim ng pamumuno ni Jayson G. Vergino, na layuning mapalakas ang programang Alternative Learning System at matiyak ang mas malawak na akses sa edukasyon ng mga katutubong Mangyan.

𝐂𝐨𝐚𝐬𝐭𝐚𝐥 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧-𝐔𝐩 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐭𝐢𝐨 𝐓𝐚𝐛𝐚𝐲, 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐍𝐚𝐭𝐚𝐧𝐝𝐨𝐥: 𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐧𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐛𝐚𝐲𝐢𝐧Isinagawa ang Co...
10/05/2026

𝐂𝐨𝐚𝐬𝐭𝐚𝐥 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧-𝐔𝐩 𝐃𝐫𝐢𝐯𝐞 𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐭𝐢𝐨 𝐓𝐚𝐛𝐚𝐲, 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐍𝐚𝐭𝐚𝐧𝐝𝐨𝐥: 𝐒𝐚𝐦𝐚-𝐬𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐧𝐚 𝐁𝐚𝐲𝐛𝐚𝐲𝐢𝐧

Isinagawa ang Coastal Clean-Up Drive Activity sa Sitio Tabay, Barangay Natandol bilang isang inisyatibo upang tugunan ang patuloy na pagdami ng basura sa baybaying bahagi ng komunidad. Ang aktibidad na ito ay naglalayong mapanatili ang kalinisan ng dalampasigan at mapangalagaan ang mga yamang-dagat na mahalaga sa kabuhayan ng mga residente.

Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, hinikayat ang pakikiisa at kooperasyon ng mga residente upang mapalakas ang kamalayan sa wastong pagtatapon ng basura at kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran.

Sa kabuuan, ang Coastal Clean-Up Drive ay hindi lamang isang simpleng paglilinis, kundi isang mahalagang hakbang tungo sa pangmatagalang pangangalaga ng kalikasan at pagpapaunlad ng responsableng komunidad.

https://www.facebook.com/share/p/1BA8XCiYqu/
06/05/2026

https://www.facebook.com/share/p/1BA8XCiYqu/

𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐋𝐄𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐍𝐓𝐄𝐑𝐒, 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐓𝐀𝐊𝐃𝐀 𝐍𝐆 𝐈𝐓𝐀𝐘𝐎 𝐒𝐀 𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐏 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐒𝐈𝐓𝐈𝐎𝐒 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍 𝐉𝐎𝐒𝐄

Sa ngalan ni Mayor Rey C. Ladaga ay iginawad na ngayong umaga ang pondo para sa mga ipapatayong Community Learning Centers sa ilang sitio ng Indigenous People Community sa bayan ng San Jose, ito ang;

Sitio Tiase at Kalinisan, Barangay Murtha;
Sitio Dalalo, Dayaga at Ibanag, Barangay Naibuan;
Sitio Balingso at Dulis, Barangay Monte Claro,

Ang pondo para sa mga nasabing proyektong ito ay mula sa Food-for-Work Program. Ito ay personal na ipinagkaloob nina Mangyan Affairs Focal Person, Jayson Vergino kasama sina Executive Assistant, Maria Sofia L. Cuisia at HR Head, Don Vincent Busto.

Layunin ng programa na maturuan ang mga miyembro ng komunidad ng mahahalagang kasanayan tulad ng pagbasa, pagsusulat, at kabuhayan. At gawing mas handa sila sa pakikipag-ugnayan sa mas malawak na lipunan.


Address

Barangay 7, San Jose Occidental Mindoro
San Jose
5100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mangyan Affairs Unit- San Jose Occidental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share