LTO- San Jose District Office

LTO- San Jose District Office

Share

Public Information

06/05/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT πŸ“’

Ang mga sumusunod na pangalan ay maaari nang mag-claim ng kanilang printed driver’s license card sa LTO San Jose District Office.

πŸ“ Claiming Hours:
8:00 AM to 5:00 PM (Monday to Friday)

πŸ“Œ PAALALA:
Pakidala po ang mga sumusunod:
βœ… Official Receipt
βœ… Temporary License
βœ… Authorization Letter (kung hindi ang may-ari ang kukuha, kasama ang valid ID ng may-ari at representative na may tatlong pirma)

πŸ“‹ LIST OF AVAILABLE LICENSE CARDS:

* AMORADO, MARRY GRACE G.
* ANDRADE, GIL B.
* ARMILER, LADY GEM R.
* ARROZA, BIEN JUDE M.
* BALANON, MARVIN BELBES
* BANARIA, MICK JHIMWELL E.
* BELARMINO, JOEY P.
* BENOZA, ARIES P.
* BUSTRIA, CRIZALDY D.
* CARLOS, JOHN PAUL S.
* CORTES, JOHN ALFRED M.
* CUAMBOT, DIANE MARENELLE B.
* DECAIN, REESAY MAY C.
* DIOSO, REDEMER M
* DIZON, MARK JAY LLOYD L.
* DUMALAOG, JEROME F.
* GIMENO, MARC EDWARD A.
* GONZALES, BRENDA C.
* HERNANDEZ, KRISTIAN CARLO B.
* LAQUIHON, NENITZ T.
* LIBERATO, DANICA JANE T.
* LITERAL, REDENSON F.
* LOMUGDANG, JENORY C.
* LONTOC, PETER JOHN D.
* LOPEZ, CRIZIA HARVEY M
* MADRIAGA, LIZIEL U.
* MAGADA, JERAMIE C.
* MARCIANO, DENNIS C.
* MASANGCAY, JAKE LOYD
* MAZO, MATTHEW I.
* MEDALLA, ALEXANDER C.
* MINGAO, JENNY GRACE G.
* MINGAO, PRINCESS JELIAN L.
* NELVIS KIM TIMOTHY F.
* ORDENIZA, GENESIS JR. LARANJO
* ORONOS, KENN DAVON P.
* PACAUL, RENCY B.
* PAGALA, CHRISTIAN LORENZ
* PAGUIA, ANGELO DE SAN JOSE
* PERALTA, ZION PRAISE M.
* POLISPORO, WAYNE ZYBER L.
* PUGAL, LHYNNX MHYRR Q.
* QUIJANO, VEE AIZENIA H.
* QUILIT, JOHN KENETH I.
* RAMOS, GINA B.
* REYES, JIMMY JR. E
* ROGOS, RIZALDY A.
* ROMERO, JERIC MORGADO
* SEBASTIAN, MARY GRACE I.
* SUDARA, RAYBY A.
* SUERTE, MAR LAUREN M.
* TRAMBULO, MELODY V.
* YUSORES, MARY JOY V
* ZACARIAS, JOSELLE MAE C.

⚠️ MAHALAGANG PAALALA:
Patuloy po kaming nakikipag-ugnayan at gumagawa ng paraan upang matugunan at ma-release ang lahat ng PVC cards para sa lahat. Humihingi po kami ng inyong malawak na pag-unawa at pasensya habang inaayos ang proseso para sa iba pang wala pa sa listahan. Maraming salamat po!

Photos from LTO MIMAROPA Region's post 28/04/2026

π‹πˆππ‘π„ππ† 𝐓𝐃𝐂, πˆππˆπ‹π€ππˆπ“ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ πŒπˆπŒπ€π‘πŽππ€ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ πŠπŽπŒπ”ππˆπƒπ€πƒ!

Isang hakbang para sa mas ligtas at disiplinadong kalsada ang inilunsad ng LTO MIMAROPA matapos nitong dalhin mismo sa mga barangay ang serbisyong pangkaligtasan at edukasyon.

Sa loob ng dalawang araw, sabay-sabay na umarangkada ang Road Safety Advocacy Program sa iba’t ibang panig ng MIMAROPA, mula sa Brgy. Evangelista, Naujan, Calapan City, at Brgy. Matungao, Socorro sa Oriental Mindoro; hanggang sa Sta. Cruz at San Jose sa Occidental Mindoro; gayundin sa Odiongan, Romblon at mga lugar sa Palawan gaya ng Puerto Princesa, Brooke’s Point, at Coron.

Hindi lang basta seminar ang hatid ng LTO MIMAROPA, libreng 15-hour Theoretical Driving Course (TDC) ang direktang ibinigay sa mga residente, kasama ang on-site processing ng Student Permit applications. Layunin nitong gawing mas abot-kamay ang serbisyo ng gobyerno habang hinuhubog ang mga bagong motorista na maging responsable at may sapat na kaalaman sa batas-trapiko.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan para sa road safety, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing accessible, maaasahan, transparent, at ligtas ang mga serbisyong pampubliko.

Sinusuportahan din ito ng pamunuan ng Department of Transportation sa ilalim ni DOTr Acting Secretary Giovanni Z. Lopez, katuwang sina LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao at LTO Executive Director Atty. Martin P. Ontog, na patuloy na nagtutulak ng mga programang magpapalakas sa kamalayan at disiplina ng mga motorista sa buong bansa.

Pinangunahan naman ang aktibidad sa rehiyon nina Acting Regional Director Francisco P. Ranches Jr., CESO VI, at Assistant Regional Director Engr. Arturo R. Apolinar, kasama ang mga District at Extension Office Heads, patunay ng matibay na dedikasyon ng LTO MIMAROPA na maabot maging ang mga komunidad sa grassroots level.

Sa bawat session, masusing tinalakay ang mga batas-trapiko, kahulugan ng road signs, at ang responsibilidad ng isang lisensyadong driver. Sinamahan pa ito ng audio-visual presentations upang mas maging malinaw at epektibo ang pagkatuto ng mga participants.

Kasabay nito, pinadali rin ang proseso ng pagkuha ng Student Permit sa pamamagitan ng on-site applications, isang hakbang na nagtanggal ng abala sa biyahe at mahabang pila para sa mga aplikante.

β€œπ΄π‘›π‘” π‘™π‘–π‘ π‘’π‘›π‘ π‘¦π‘Ž π‘ π‘Ž π‘π‘Žπ‘”π‘šπ‘Žπ‘šπ‘Žπ‘›π‘’β„Žπ‘œ π‘Žπ‘¦ β„Žπ‘–π‘›π‘‘π‘– π‘˜π‘Žπ‘Ÿπ‘Žπ‘π‘Žπ‘‘π‘Žπ‘›, π‘–π‘‘π‘œ π‘Žπ‘¦ π‘π‘Ÿπ‘–π‘π‘–π‘™π‘’β„Žπ‘–π‘¦π‘œπ‘›π‘” π‘šπ‘Žπ‘¦ π‘˜π‘Žπ‘ π‘Žπ‘šπ‘Žπ‘›π‘” π‘Ÿπ‘’π‘ π‘π‘œπ‘›π‘ π‘–π‘π‘–π‘™π‘–π‘‘π‘Žπ‘‘.”

Photos from LTO MIMAROPA Region's post 21/04/2026

πŒπ”π‹π€ 𝐍𝐀𝐑𝐑𝐀 𝐇𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐍𝐆 ππ”π„π‘π“πŽ ππ‘πˆππ‚π„π’π€: 𝐑𝐃 𝐑𝐀𝐍𝐂𝐇𝐄𝐒, πƒπ”πŒπˆπ‘π„π“π’πŽ 𝐒𝐀 π‹π“πŽ 𝐏𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍 π„π—π“π„ππ’πˆπŽπ πŽπ…π…πˆπ‚π„ 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 πŒπ€π’ ππˆππ€π“πˆππ€π˜ 𝐍𝐀 π’π„π‘ππˆπ’π˜πŽ

Hindi natatapos sa inspeksyon ang tunay na serbisyo publiko, ito’y pinatitibay sa pakikinig, paggabay, at paninindigan.

Matapos ang pagbisita sa LTO Narra Extension Office, agad na nagtungo si LTO MIMAROPA Acting Regional Director Francisco P. Ranches Jr., CESO VI sa LTO Palawan Extension Office sa lungsod ng Puerto Princesa upang ipagpatuloy ang layuning tiyakin ang maayos, mabilis, at tapat na serbisyo para sa publiko.

Sa naturang pagbisita, personal na kinamusta ni RD Ranches ang mga empleyado ng LTO Palawan Extension Office, hindi lamang bilang pinuno, kundi bilang katuwang sa paglilingkod. Pinakinggan niya ang kanilang mga salaysay hinggil sa araw-araw na operasyon, kabilang ang mga hamong kinahaharap tulad ng limitadong resources at ang patuloy na pangangailangang makasabay sa digital na pagbabago. Gayundin, binigyang-pansin ang mga inisyatibang ipinatutupad ng opisina upang mapabilis ang proseso at mapataas ang antas ng serbisyo.

Binigyang-diin din ni RD Ranches na ang bawat empleyado ng pamahalaan ay may mahalagang papel sa pagbibigay ng serbisyong may integridad at malasakit. Hinikayat niya ang lahat na pag-igihin pa ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng mas malinaw na koordinasyon, disiplina, at pagpapakita ng tunay na malasakit sa bawat kliyenteng kanilang pinaglilingkuran.

Patuloy ang LTO MIMAROPA sa pagpapaigting ng mga hakbang upang matiyak na ang bawat opisina ay nagsisilbing huwaran ng integridad at kahusayan sa serbisyo publiko.

21/04/2026

π‹π“πŽ ππˆπ‘π„π•πŽπŠπ„ 𝐀𝐍𝐆 π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ 𝐍𝐆 πˆπ’π€ππ† π•π‹πŽπ†π†π„π‘ πŒπ€π“π€ππŽπ’ 𝐀𝐍𝐆 π•πˆπ‘π€π‹ 𝐍𝐀 π‘π„π‚πŠπ‹π„π’π’ 𝐀𝐓 πƒπˆπ’π“π‘π€π‚π“π„πƒ πƒπ‘πˆπ•πˆππ† 𝐀𝐓 ππ€π“π”π‹πŽπ˜ 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐀𝐁𝐀𝐆 𝐒𝐀 πŠπ€π”π“π”π’π€π πŠπ€π‡πˆπ“ 𝐍𝐀 πˆπ“πŽ'𝐘 π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ; π’π€π’π€πŠπ˜π€π πˆππˆπŒππŽπ”ππƒ

Binawi ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng vlogger na si Ishi Lee at pinatawan ng patong-patong na parusa matapos kumalat sa social media ang isang viral video ng kanyang reckless at distracted driving.

Ang insidente ay nag-ugat sa isang viral video sa social media kung saan makikita ang isang babaeng driver na kalaunan ay natukoy bilang si Ishi Lee na nagmamaneho habang may hawak na recording device at kinukuhanan ang sarili habang umaandar ang sasakyan.

Dahil dito, nauna nang naglabas ang LTO ng Show Cause Order (SCO) laban sa rehistradong may-ari ng sasakyan at sa driver. Gayunman, kapwa nabigong dumalo sa itinakdang pagdinig o magsumite ng anumang paliwanag, kaya’t itinuloy ng ahensya ang pagresolba sa kaso.

Sa kabila ng naunang desisyon na nagbabawal sa vlogger na magmaneho, lumabas sa mga ulat na patuloy pa rin siyang nagmamaneho ng sasakyan, na nagdulot ng paglabag sa naturang kautusan ng LTO at karagdagang kaso ng driving without a valid driver’s license.

Dahil dito, isang Supplemental Order na may petsang 20 Abril 2026 ang nilabas ng LTO laban sa vlogger patungkol sa iba’t ibang paglabag kabilang ang reckless driving, driving without a valid driver’s license, anti-distracted driving sa ilalim ng Republic Act No. 10913, at pagiging improper person to operate a motor vehicle sa ilalim ng Republic Act No. 4136.

Dahil dito, pinatawan ng LTO ang vlogger ng kaukulang multa at binawi rin ang kanyang driver’s license. Pinatawan rin siya ng dalawang (2) taong diskwalipikasyon sa muling pag-aaplay ng lisensya. Samantala, ang motorsiklo ay inimpound at mananatiling naka-impound hanggang sa makumpleto ang kinakailangang rehistro at mabayaran ang kaukulang multa at parusa.

Naglabas ng mahigpit na babala si LTO Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao laban sa mga nagbabalewala sa mga batas-trapiko at kautusan ng LTO:

β€œAng mga patakaran at kautusan ng LTO ay hindi opsyonal. Kapag ito ay binalewala, may kaakibat itong agarang pananagutan at kaparusahan sa ilalim ng batas,” ani Asec. Lacanilao.

β€œHindi namin kukunsintihin ang paulit-ulit o lantaran na paglabag sa mga regulasyon sa kalsada. Ang sinumang patuloy na hindi sumusunod ay agad na papatawan ng kaukulang aksyon upang maprotektahan ang kaligtasan ng publiko,” dagdag niya.

Ipinag-utos din ng LTO sa lahat ng law enforcement agencies na arestuhin ang driver sakaling siya ay mahuling nagmamaneho sa pampublikong kalsada, at isama ang kaukulang mga paglabag kung mahuhuli sa iba pang kaso, kasama ang pag-impound ng anumang sasakyang kanyang minamaneho.

20/04/2026

π•π‹πŽπ†π†π„π‘ 𝐍𝐀 ππˆππ€π‡π€ππŽπ‹ 𝐀𝐓 ππˆππ€π†π‹π€π‘π”π€π 𝐀𝐍𝐆 πŠπ€ππ˜π€ππ† π„πŒππ‹π„π˜π€πƒπŽ, πˆππˆπ’π˜π”π‡π€π 𝐍𝐆 π’π‡πŽπ– 𝐂𝐀𝐔𝐒𝐄 πŽπ‘πƒπ„π‘ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ; π‹πˆπ’π„ππ’π˜π€ π’π”π’ππ„ππƒπˆπƒπŽ, π’π€π’π€πŠπ˜π€π π€π‹π€π‘πŒπ€πƒπŽ

Naglabas ang Land Transportation Office (LTO) ng Show Cause Order (SCO) laban sa vlogger, driver, at rehistradong may-ari ng isang sasakyan na sangkot sa viral video sa social media kung saan makikitang hinahabol ng isang gasoline station attendant ang umaandar na sasakyan matapos umano itong umalis nang hindi nagbabayad.

Ang SCO ay inilabas kasunod ng isinagawang imbestigasyon ng LTO Intelligence and Investigation Division (IID) hinggil sa naturang viral video, kung saan makikita ang isang Toyota Land Cruiser na bumabaybay sa Maharlika Highway sa Allacapan, Cagayan habang hinahabol ito ng isang gasoline station attendant.

Ang indibidwal na nag-record ng video ay sakay ng sasakyan sa oras ng insidente at umano’y nag-utos o hinayaan ang driver na ipagpatuloy ang pagmamaneho habang hinahabol ng attendant ang sasakyan sa ilalim ng matinding init at sikat ng araw.

Inatasan ang vlogger, rehistradong may-ari, at ang driver na humarap sa LTO at magsumite ng sinumpaang salaysay upang ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat managot sa mga administratibong paglabag, kabilang ang reckless driving, at kung bakit hindi sila dapat ideklarang improper person to operate a motor vehicle alinsunod sa umiiral na batas.

Samantala, inatasan na ang driver na isuko ang kanyang lisensya at kasalukuyan itong nasa ilalim ng 90 araw na preventive suspension. Ang naturang sasakyan ay isinailalim na rin sa alarm status.

Mariing kinondena ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang insidente at iginiit na walang puwang sa kalsada ang ganitong uri ng gawain maging ito man ay para sa content.

β€œHindi katanggap-tanggap na gawing biro o content ang isang sitwasyong malinaw na naglalagay sa kapwa sa panganib. Lalo na sa panahong nararanasan natin ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis, ang ganitong uri ng asal ay hindi lamang iresponsable, kundi nagpapakita rin ng kawalan ng malasakit,” ani Asec. Lacanilao.

β€œHindi ito nakakatuwa, at lalong hindi ito dapat tularan. Ang paggamit ng sasakyan ay may kaakibat na pananagutan, at pananagutan ding gamitin ito nang may paggalang sa kapwa at sa batas,” dagdag pa niya.

Muling pinaalalahanan ng LTO ang publiko na ang mga sasakyan ay hindi dapat gamitin sa mga iresponsable, mapang-abuso, o mapagsamantalang gawain, anuman ang layunin maging ito man ay para sa entertainment o social media content.

17/04/2026

𝐈𝐍 π‘π„π’ππŽππ’π„ π“πŽ ππ‘π„π’πˆπƒπ„ππ“ πŒπ€π‘π‚πŽπ’ 𝐉𝐑. 𝐀𝐍𝐃 πƒπŽπ“π‘ π’π„π‚π‘π„π“π€π‘π˜ π‹πŽππ„π™β€™π¬ πƒπˆπ‘π„π‚π“πˆπ•π„π’: π‹π“πŽ 𝐄𝐗𝐓𝐄𝐍𝐃𝐒 π•π€π‹πˆπƒπˆπ“π˜ πŽπ… π‹πˆπ‚π„ππ’π„π’ 𝐀𝐍𝐃 π‘π„π†πˆπ’π“π‘π€π“πˆπŽπ, π–π€πˆπ•π„π’ ππ„ππ€π‹π“πˆπ„π’ π“πŽ 𝐄𝐀𝐒𝐄 ππ”ππ‹πˆπ‚ 𝐁𝐔𝐑𝐃𝐄𝐍

In line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. and memorandum of Department of Transportation Secretary Giovanni Z. Lopez, and pursuant to the declaration of a State of National Energy Emergency, the Land Transportation Office (LTO) announces the extension of validity for documents expiring beginning April 2026 for a period of three (3) months.

This measure aims to ease the burden of the public amid the rising costs of fuel and basic commodities, giving motorists sufficient time to comply without additional financial strain.

Covered by this directive are:
β€’ Driver’s and Conductor’s Licenses
β€’ Student-Driver’s Permits
β€’ Motor Vehicle Registration

During the extended period, no surcharges, penalties, or fines will be imposed for late renewal.

10/04/2026

ππ”ππ‹πˆπ‚ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜

The Land Transportation Office (LTO) adopts a 4-day on-site and 1-day work-from-home arrangement as part of government energy conservation measures amid rising global oil prices.

Under Memorandum Circular No. MVL-2026-4999, all frontline services will remain open from Monday to Friday, transactions such as driver's licensing, motor vehicle registration, adjudication, and other public facing services will continue without disruption.

For non-client-facing units, a 4-day onsite work arrangement (Monday to Thursday) and work-from-home every Friday will be implemented.

Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


JARIV TRANSPORT COMPOUND BUBOG SAN JOSE OCCIDENTAL MINDORO
San Jose
5100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm