Housing & Homesite Regulations Office - San Jose City

Housing & Homesite Regulations Office - San Jose City

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Housing & Homesite Regulations Office - San Jose City, Government Website, 2nd Floor City Hall Building, San Jose.

The office that oversees the establishment, classification, administration and/or operation of government-owned/operated resettlement and housing projects of the Local Government Unit of San Jose City.

Photos from Housing & Homesite Regulations Office - San Jose City's post 07/01/2026

Unang field work ng taon!
šŸ“ ASB Village

Mapping
Profiling
Site checking

Happy New Year, mga ka-Housing! šŸŽŠ

Photos from Housing & Homesite Regulations Office - San Jose City's post 24/12/2025

ā€œAng lupa pong ito ay handog para sa inyo, at para na rin sa inyong mga anak at sa susunod pang henerasyon.ā€

Ito ang mensaheng iniwan ng Punong Lungsod, Josel ā€œJamesā€ Violago, sa 86 residente ng ASB Village na tumanggap ng donasyong lupa mula sa lokal na pamahalaan matapos lagdaan ang Conditional Deed of Donation nitong Lunes, Disyembre 22, sa Eli’s Park, Sto. Nino 3rd.

Ito na ang pang-apat na grupong nakatanggap ng donasyong lupa sa pamamagitan ng Handog Titulo Program sa ilalim ng administrasyon ni Mayor James.

Matatandaang tatlong grupo na may kabuuang 144 benepisyaryo na ang unang nakatanggap ng titulo ng lupang kinatitirikan ng kanilang bahay nang simulan ang mabilis na pamamahagi nito sa mga residente ng ASB Village ayon sa direktiba ng punong lungsod.

Pinasalamatan naman ni Mayor James ang mga kawani ng Housing & Homesite Regulations Office (HHRO), City Legal Office, at Office of the City Mayor na nagtutulong-tulong sa programang ito.

Nanawagan din siya sa mga residente ng naturang lugar na hindi pa nakapagsumite ng mga kinakailangang dokumento para sa Deed of Donation na makipagtulungan sa HHRO upang tuluyan nang maipamahagi ang kaukulang lupa para sa kanila.

Bago ipamahagi ang mga titulo, pinaalalahanan ng City Legal Officer, Atty. Avegaile Escudero-Garcia, ang mga benepisyaryo tungkol sa mga kondisyong nakapaloob sa donasyon, tulad ng pagbabawal sa pagsasangla o pagbebenta ng lupa.

Photos from Housing & Homesite Regulations Office - San Jose City's post 29/11/2025

Lahat na!

Ito ang direktiba ng Punong Lungsod, Josel ā€œJamesā€ Violago, na tumutukoy sa pamamahagi ng libreng titulo ng lupa sa mga natitirang residente ng ASB Village, Brgy. Sto. NiƱo 3rd na hindi pa nakasama sa mga nakaraang paglagda ng Deed of Donation.

Kaya naman nitong Biyernes, Nobyembre 28 sa City Social Circle, maagang pamasko ang dumating sa 101 benepisyaryong nasasakupan ng Blocks 14-35 nang tanggapin nila ang titulo ng lupang kinatitirikan ng kanilang bahay, bilang bahagi ng Handog Titulo Program ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Mayor James, ito lamang ang pagkakataong lumagda siya sa mahigit limang daang pahina ng dokumento sa loob lamang ng ilang oras bilang kinatawan ng lokal na pamahalaan sa Deed of Donation, na kailangang pirmado ng isang notaryo publiko na personal na nakitang lumagda ang nagbigay at tumanggap ng donasyon. Kaya naman hiningi rin niya ang paumanhin ng mga benepisyaryong saglit na naghintay.

Dagdag pa niya, sulit naman ito dahil pagkatapos ng ilang taon nilang paghihintay, sa wakas ay hawak na nila ang mga dokumentong nagpapatunay na sila na ang legal na may-ari ng lupa.

Binigyang diin din ni Mayor James na ang lupang ito ay mapakikinabangan hindi lamang ng mga benepisyaryo, kundi pati rin ng kanilang mga anak at susunod pang henerasyon.

Pinasalamatan din niya ang mga opisinang nagtulong-tulong sa malaking aktibidad na ito, kabilang ang Housing & Homesite Regulations Office (HHRO), City Legal Office (CLO), at Office of the City Mayor (OCM).

Samantala, magtutuloy-tuloy pa rin ang gawain ng HHRO para maipamahagi ang mga titulo sa mga residente ng ASB Village na hindi pa nakapagbigay ng kaukulang dokumentong kailangan sa Deed of Donation.

Photos from Housing & Homesite Regulations Office - San Jose City's post 21/11/2025

ALL UP!

Pinulong ng mga kawani ng Housing & Homesite Regulations Office (HHRO) ang mga residente ng Blocks 19 - 35 sa ASB Village, Sto. NiƱo 3rd, nitong umaga, Nob. 21.

Sa mga makaka-kompleto ng mga kinakailangang dokumento para sa Deed of Donation, maibibigay na ang titulo ng kanilang lupa sa Nob. 28.

Matatandaang nitong mga nakaraang linggo, natanggap na ng mga residente ng Blocks 8-13 ang titulo ng lupang ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan.

Alinsunod sa tagubilin ng Punong Lungsod, Josel ā€œJamesā€ Violago, pagsisikapan ng HHRO na maibigay na sa lahat ng residente ng mga natitirang blocks, kabilang ang mga taga Blocks 14-18 na pinulong nitong Lunes, Nob. 17, ang mga titulo bago matapos ang buwan ng Nobyembre.

Kaya natin ā€˜to!

Photos from San Jose City, Nueva Ecija's post 20/11/2025
20/11/2025

TODO NA ā€˜TO!
Sa mga residente ng ASB Village Blk 19-35, Sto. NiƱo 3rd, may meeting po tayo sa Nov 21, 10 AM sa Habitat Gym.

Photos from Housing & Homesite Regulations Office - San Jose City's post 17/11/2025

November 17: Another day, another housing meeting!

Sinimulan na ng mga kawani ng Housing & Homesite Regulations Office (HHRO) ang proseso para sa mga lupang ipamamahagi ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Deed of Donation sa mga residente ng Blocks 14 - 18 ng ASB Village, Brgy. Sto. NiƱo 3rd.

Sundan lamang ang FB page na ito para sa mga anunsyong may kinalaman sa mga proyektong pabahay ng gobyerno.

Photos from Housing & Homesite Regulations Office - San Jose City's post 07/11/2025

ā€œMay unos mang paparating, ang agos ng pag-asa ay patuloy pa rin.ā€

Dalawampu’t siyam (29) na benepisyaryong residente ng Block 11, 12, at 13 sa ASB Village, Brgy. Sto. NiƱo 3rd ang pormal na nakatanggap ng titulo ng lupang kinatitirikan ng kanilang bahay matapos ang paglagda sa Deed of Conditional Donation nitong hapon, Nobyembre 7 sa munisipyo.

Ito na ang ikalawang batch na nabigyan ng libreng titulo sa pamamagitan ng Deed of Conditional Donation sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Josel ā€œJamesā€ Violago.

Bago nila tanggapin ang mga titulo, pinaalalahanan ni City Legal Officer Atty. Avegaile Escudero-Garcia ang mga benepisyaryo tungkol sa mga alituntunin sa donasyon, kabilang na rito ang pagbabawal sa pagsasangla o pagbebenta ng lupa.

Ayon kay Mayor James, maagang Pamasko ito para sa mga benepisyaryo dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng kapanatagan ng loob na ang kanilang tinitirhan ay buo na nilang pag-aari, at ito ay maipamamana nila sa kanilang mga anak at susunod pang henerasyon.

Inaasahan namang ngayong buwan din ng Nobyembre ay matatanggap na ng 29 benepisyaryong lumagda sa Deed of Sale noong buwan ng Agosto matapos makompleto ang pagbabayad ng mababang halaga ang Transfer Certificate of Title (TCT) ng lupa na nakapangalan na sa kanila. Sa ilalim ng Handog Titulo Program, ang gastos sa pagpapalipat ng titulo sa pangalan ng benepisyaryo ay sinagot ng lokal na pamahalaan.

Samantala, sa pamamagitan ng Deed of Conditional Donation, hindi na babayaran ng benepisyaryo ang lupa. Gayunpaman, sila na ang may responsibilidad sa pagpapalipat ng titulo nito sa kanilang pangalan mula sa pangalan ng lokal na pamahalaan.

Photos from Housing & Homesite Regulations Office - San Jose City's post 27/10/2025

Dumayo ang Housing & Homesite Regulations Office (HHRO) ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod San Jose sa ASB Village, Sto. NiƱo 3rd nitong araw, ika-27 ng Oktubre 2025 para sa oryentasyon ng mga benepisyaryong residente ng Blocks 11, 12, at 13 ng nasabing pabahay.

Sa susunod na buwan, matatanggap na ng mga residenteng ito ang titulo ng lupang kinatitirikan ng kanilang bahay sa pamamagitan ng Deed of Donation na lalagdaan ng Punong Lungsod Josel ā€œJamesā€ Violago.

Photos from Housing & Homesite Regulations Office - San Jose City's post 22/10/2025

HOUSING BENEFICIARIES, TUMANGGAP NG TITULO NG LUPA

Hindi maikakaila ang kasiyahang naramdaman ng 15 benepisyaryo ng pabahay ng lokal na pamahalaan sa ASB Village, Brgy. Sto. NiƱo 3rd nang matanggap nila ang titulo ng lupang kinatitirikan ng kanilang bahay matapos ang paglagda sa Deed of Donation na ginanap sa munisipyo nitong Martes, ika-21 ng Oktubre.

Kabilang ang mga benepisyaryong ito sa unang batch ng mga residente ng Block 8 at Block 9 sa nasabing pabahay na nakapagsumite ng mga kinakailangang dokumento para sa Deed of Donation.

Bago ang kanilang paglagda, binigyang diin ni City Legal Officer Atty. Avegaile Escudero-Garcia ang mga kondisyong nakapaloob sa donasyon, tulad ng pagbabawal sa pagsasangla o pagbebenta ng lupa.

Binanggit din ni Atty. Escudero-Garcia na kapag naibigay na sa benepisyaryo ang lupa, maaari na nilang gawin ang anumang pag-iingat o pagpapaganda rito, maliban na lamang sa mga gawaing ilegal o hindi naaayon sa batas.

Matapos lagdaan ni City Mayor Josel ā€œJamesā€ Violago ang Deed of Donation, sinabi niya na ang lupang handog ng lokal na pamahalaan ay hindi lamang para sa mga benepisyaryong nakatanggap, kundi para na rin sa kinabukasan ng kanilang mga anak at susunod pang henerasyon.

Sa kaniyang mensahe, sineguro ni Mayor James na makakamit ng lahat ng residente sa mga pabahay ng lokal na pamahalaan ang pinapangarap nilang lupa. Pinasalamatan din niya ang mga bumubuo ng City Legal Office at Housing & Homesite Regulations Office (HHRO) dahil sa mabilis na pagkilos para sa programa.

Matatandaang nitong buwan ng Agosto, nilagdaan naman ng 29 benepisyaryong nakakompleto ng pagbabayad ng mababang halaga ng lupa ang Deed of Sale. Kapalit nito, ang lokal na pamahalaan naman ang mag-aasikaso at sasagot sa gastos ng pagpapasalin ng titulo mula sa pangalan ng gobyerno papunta sa pangalan ng benepisyaryo.

Sa kaniyang pag-upo bilang Punong Lungsod, binigyan ng direktiba ni Mayor James ang HHRO na siguraduhing maibibigay sa lahat ng benepisyaryo ng ASB Village, Habitat Village, at Violago Village ang lupang para sa kanila.

Photos from NHA Tarlac/Nueva Ecija/Aurora District Office - Technical Unit's post 18/10/2025
Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


2nd Floor City Hall Building
San Jose
3121

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm