17/03/2026
PAANYAYA SA MGA RESIDENTE NG ASB VILLAGE NA NAKAPAGBAYAD NG KANILANG LUPA
Inaanyayahan din ang mga residente ng ASB Village na kabilang sa listahang ito na dumalo sa isang pagpupulong kaugnay ng paglagda sa Deed of Sale para sa lupang kanilang binayaran.
📅 Marso 18, 2026
🕘 9:30 ng umaga
📍 Habitat Gym, ASB Village
Mahalaga ang inyong pagdalo upang maipaliwanag nang maayos ang mga detalye at proseso ng pagpapalipat ng titulo ng lupa sa inyong pangalan. Mangyaring magdala ng isang valid ID at kopya ng inyong TIN ID.
Maraming salamat po!
16/03/2026
PAANYAYA SA MGA RESIDENTE NG ASB VILLAGE
Inaanyayahan ang mga residente ng ASB Village na kabilang sa listahang ito na dumalo sa isang pagpupulong kaugnay ng pagsasaayos ng lupang ido-donate ng lokal na pamahalaan.
📅 Marso 18, 2026
🕘 9:30 ng umaga
📍 Habitat Gym, ASB Village
Mahalaga ang inyong pagdalo upang maipaliwanag nang maayos ang mga detalye at proseso ng donasyon ng lupa. Mangyaring magdala ng isang valid ID.
Maraming salamat po!
20/02/2026
sa ASB Village
Nananawagan ang Housing & Homesite Regulations Office (HHRO) sa mga benepisyaryong hindi pa nakatatanggap ng titulo ng lupa sa pamamagitan ng Deed of Donation na magtungo sa opisina ng Housing (2nd Floor, City Hall) at magbigay ng kanilang valid ID o iba pang kailangang dokumento para maisakatuparan ang donasyon.
13/02/2026
Malugod na inaanyayahan ang mga sumusunod na dumalo sa isang pagpupulong/oriyentasyon kaugnay ng Deed of Donation.
📅 Pebrero 16, 2026
🕘 9:30 ng umaga
📍 Habitat Gym, ASB Village, Brgy. Sto. Niño 3rd
Mahalaga ang inyong pagdalo.