19/03/2026
🌳 PABATID 🌳
WORLD WATER DAY 2026!
Sa darating na Sabado, ikaw-21 ng Marso, magkakaroon tayo ng malawakang clean-up drive sa bawat barangay sa ganap na ika-6 ng umaga.
Para sa mga gustong makibahagi ay makipag-ugnayan lamang sa kani-kanilang mga barangay para sa lugar na kanilang lilinisin.
Ang bawat isa ay may karapatan sa malinis na tubig, kaya't sama-sama tayong makiisa sa pagdiriwang na ito!
WORLD WATER DAY 2026!
Sa darating na Sabado, ikaw-21 ng Marso, magkakaroon tayo ng malawakang clean-up drive sa bawat barangay sa ganap na ika-6 ng umaga.
Para sa mga gustong makibahagi ay makipag-ugnayan lamang sa kani-kanilang mga barangay para sa lugar na kanilang lilinisin.
Ang bawat isa ay may karapatan sa malinis na tubig, kaya't sama-sama tayong makiisa sa pagdiriwang na ito!
24/12/2025
🌳 𝐀𝐍𝐔𝐍𝐒𝐘𝐎 🌳
𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐊𝐎𝐓 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐒𝐔𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐃𝐈𝐒𝐘𝐄𝐌𝐁𝐑𝐄 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟓 (𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬) 𝐚𝐭 𝐄𝐍𝐄𝐑𝐎 𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬) 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐬𝐤𝐨 𝐚𝐭 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐨𝐧.
Para sa lahat ng 𝐞𝐬𝐭𝐚𝐛𝐥𝐢𝐬𝐲𝐚𝐦𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐚𝐭 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐡𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐚𝐡𝐚𝐤𝐮𝐭𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐂𝐈𝐓𝐘, mangyari lamang pong 𝐡𝐮𝐰𝐚𝐠 𝐦𝐮𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐬𝐮𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐃𝐢𝐬𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟓 (𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬) 𝐚𝐭 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐨 𝟏 (𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬), at hintayin ang susunod na araw ng koleksyon. Mangyari pa, maging ang 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫 𝐒𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐒𝐭𝐨. 𝐓𝐨𝐦𝐚𝐬 𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐫𝐚𝐝𝐨 𝐫𝐢𝐧 sa mga nasabing araw.
Sa kabilang banda, mananatiling bukas ang Public Market Waste Facility (Garbage House), at mga pasilidad sa Bliss, Malasin.
23/12/2025
🌳 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 🌳
Ngayong kapistahan, isabay nawa natin sa kasiyahan ang pangangalaga sa ating kapaligiran at kalikasan. Hindi lang 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐬𝐤𝐨 at 𝐦𝐚𝐧𝐢𝐠𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐨𝐧 kundi, kundi 𝒎𝒂𝒍𝒊𝒏𝒊𝒔 𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒔𝒊𝒏𝒐𝒑 din.
Mula sa CENRO LGU San Jose City, ang aming tanggapan ay bumabati sa inyo ng 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐠𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 🎉.
15/12/2025
🌳 PAGPUPUNYAGI 🌳
𝐄𝐂𝐎-𝐈𝐌𝐏𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎𝐑 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘: 𝐑𝐄𝐄𝐋 𝐓𝐀𝐋𝐊: 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘
Ngayong ika-15 ng Disyembre 2025 ay iginawad ang mga karangalan sa mga nagwaging barangay sa ginanap na 𝐄𝐂𝐎-𝐈𝐌𝐏𝐋𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎𝐑 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘: 𝐑𝐄𝐄𝐋 𝐓𝐀𝐋𝐊.
Top 1 Eco-Implementor: Brgy. Malasin
Top 2 Eco-Implementor: Brgy. Villa Floresta
Top 3 Eco-Implementor: Brgy. R. Eugenio
Special Awards:
Green SKreen Award: Brgy. Kaliwanagan
Green Stewards:
Kag. Francisco P. Maramba, Jr. of Barangay Kaliwanagan
Kag. Santiago B. Vingua, Jr. of Barangay Malasin
Kag. of Manny A. Garcia of Barangay Tabulac
Eco Swappers Award: Brgy. Tabulac
Collection Master Award: Brgy. Kaliwanagan
Best MRF Award: Brgy. Parang Mangga
Green Guardians Award: Brgy. R. Eugenio
Eco-Warriors Award: Brgy. Porais
The Upcycle Innovator Award: Brgy. Villa Floresta
Nawa ay patuloy kayong maging ehemplo sa inyong mga kabarangay at maging sa ating bayan. Para sa mga hindi pinalad, ipagpatuloy at higitan pa natin ang mga sama-samang pagsisikap na maitaguyod ang malinis at malusog na San Jose.
Para sa kalikasan. Para sa bayan.
03/12/2025
𝐒𝐚𝐧 𝐉𝐨𝐬𝐞ñ𝐨𝐬! 𝐆𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐒𝐊𝐫𝐞𝐞𝐧 𝐑𝐞𝐞𝐥 𝐄𝐧𝐭𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐀𝐫𝐞 𝐇𝐞𝐫𝐞! 💚
Panoorin na ang 19 na official entries para sa ating kauna-unahang 𝐑.𝐄.𝐄.𝐋. 𝐓𝐚𝐥𝐤: 𝐄𝐜𝐨-𝐈𝐦𝐩𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭𝐨𝐫 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲
Ang mga video na ito ay gawa ng ating Sangguniang Kabataan (SK) na nagtatampok sa 𝐧𝐚𝐭𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠𝐢 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚 ng bawat barangay sa Lungsod ng San Jose.
Mahalaga ang inyong pakikiisa! Kaya upang suportahan ang mga inisyatibang ito ng inyong barangay, mangyari lamang na:
✅ I-Follow ang CENRO - San Jose City
❤️ I-Heart (React) ang video ng inyong paborito.
📲 I-Share ang video sa inyong timeline.
✍️ I-Comment gamit ang inyong mga thoughts, pagbati, at suporta.
𝐓𝐚𝐧𝐝𝐚𝐚𝐧: Ang lahat ng Heart (React), Share, at Comment mula 𝐃𝐞𝐜𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝟑-𝟏𝟎, lamang ang opisyal na bibilangin upang maging puntos ng inyong barangay para sa criteria ng patimpalak na ito.
Huwag kalimutang gamitin ang lahat ng ating official hashtags!
28/11/2025
Basura, basura, mo’y isinop,
Ilagay sa tamang lagayan,
Siyempre, ‘di dapat kung saan lang.
Matutong mag-segregate ng iyong basura.
And I, thank you!
28/11/2025
🌳 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 🌳
𝐒𝐚𝐧𝐝𝐚𝐦𝐚𝐤𝐦𝐚𝐤 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐬𝐮𝐫𝐚. Nasa ilog, sapa, dagat, at maging sa kinakain natin.
𝑰𝒌𝒂𝒘, 𝒂𝒏𝒐𝒏𝒈 𝒈𝒊𝒏𝒂𝒈𝒂𝒘𝒂 𝒎𝒐?
Sama-sama tayong bawasan ang polusyon ng plastic. Huwag gumamit ng mga single-use at disposable plastics; sa halip, 𝒈𝒖𝒎𝒂𝒎𝒊𝒕 𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒆𝒄𝒐𝒃𝒂𝒈, 𝒓𝒆𝒖𝒔𝒂𝒃𝒍𝒆 𝒖𝒕𝒆𝒏𝒔𝒊𝒍𝒔, 𝒃𝒂𝒖𝒏𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝒕𝒖𝒎𝒃𝒍𝒆𝒓. Nabawasan na ang basura mo, nakatulong ka pa sa kalikasan.
𝐌𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚. 𝐌𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚. Sa sama-samang pagkilos, polusyon sa plastic ay mababawasan.
27/11/2025
🌳 𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 🌳
Isang mahalagang paalala sa pagsisinop ng basura:
Panatilihin nating malinis ang ating lungsod sa pamamagitan ng pagtatapon ng ating mga basura 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐔𝐆𝐀𝐑, 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐋𝐀𝐆𝐘𝐀𝐍 🚮.
Mayroon tayong tatlong pangunahing basurahan: Biodegradable o Nabubulok, Recyclable, at Residual.
Basurahang 𝐁𝐈𝐎𝐃𝐄𝐆𝐑𝐀𝐃𝐀𝐁𝐋𝐄/𝐍𝐀𝐁𝐔𝐁𝐔𝐋𝐎𝐊 para sa mga:
𝒕𝒊𝒓𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒌𝒂𝒊𝒏,
𝒃𝒂𝒍𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒑𝒓𝒖𝒕𝒂𝒔,
𝒑𝒊𝒏𝒂𝒈𝒉𝒊𝒎𝒂𝒚𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒈𝒖𝒍𝒂𝒚,
𝒅𝒂𝒉𝒐𝒏,
𝒎𝒂𝒍𝒊𝒍𝒊𝒊𝒕 𝒏𝒂 𝒔𝒂𝒏𝒈𝒂, at
mga katulad nito.
Basurahang 𝐑𝐄𝐒𝐈𝐃𝐔𝐀𝐋 (𝐑𝐞𝐬𝐢𝐝𝐰𝐚𝐥) para sa mga basurang tulad ng mga:
𝒎𝒂𝒓𝒖𝒎𝒊𝒏𝒈 𝒔𝒖𝒑𝒐𝒕,
𝒏𝒂𝒈𝒂𝒎𝒊𝒕 𝒏𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒑𝒆𝒓 𝒑𝒍𝒂𝒕𝒆/𝒄𝒖𝒑/𝒃𝒐𝒙,
𝒂𝒍𝒖𝒎𝒊𝒏𝒖𝒎 𝒇𝒐𝒊𝒍,
𝒖𝒑𝒐𝒔 𝒏𝒈 𝒔𝒊𝒈𝒂𝒓𝒊𝒍𝒚𝒐, at
𝒅𝒊𝒂𝒑𝒆𝒓 𝒂𝒕 𝒏𝒂𝒑𝒌𝒊𝒏.
Basurahang 𝐑𝐄𝐂𝐘𝐂𝐋𝐀𝐁𝐋𝐄 para sa mga basurang pwede pang pakinabangan tulad ng mga:
𝒔𝒊𝒓𝒂 𝒐 𝒃𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒍𝒂𝒔𝒕𝒊𝒄 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒂𝒊𝒏𝒆𝒓,
𝒑𝒍𝒂𝒔𝒕𝒊𝒄 𝒄𝒖𝒑/𝒔𝒑𝒐𝒐𝒏/𝒇𝒐𝒓𝒌,
𝒃𝒐𝒕𝒆 at 𝒍𝒂𝒕𝒂,
𝒌𝒂𝒓𝒕𝒐𝒏 at 𝒑𝒂𝒑𝒆𝒍, at
mga katulad nito.
Siguraduhin lamang na mga ito ay tuyo upang hindi mabasa ang mga karton at papel.
Sama-sama nating panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa ating Lungsod 🤝💚.
25/11/2025
Maraming salamat po sa pagkilalang ito!