15/10/2026
Mga minamahal na magulang at tagapag-alaga ng ating mga Grade 7 learners, narito ang mga mahahalagang impormasyong dapat ninyong tandaan tungkol sa School-Based Immunization Program.
📌 Abangan at basahing mabuti ang mga Information, Education and Communication (IEC) materials na ipo-post ng paaralan upang malaman ang mga dapat gawin, lugar at iskedyul ng pagbabakuna, at mga bakunang maaaring ibigay sa inyong mga anak.
Mahalaga ang inyong kaalaman, pahintulot, at pakikiisa upang matiyak ang ligtas at maayos na pagsasagawa ng programa.
Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga kabataan!
Bakuna Eskwela 2026: Protektadong Kabataan, Mas Malusog na Kinabukasan!