Mayor Dr. J Sagum

Directions

Mayor Dr. J Sagum Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mayor Dr. J Sagum, Public & Government Service, San Luis.

Happy Fiesta Sto. RosarioAng buong buwan ng Oktubre ay itinalaga sa Santo Rosario at ang Oktubre 7 ay inilaan para sa Ma...
06/10/2026

Happy Fiesta Sto. Rosario

Ang buong buwan ng Oktubre ay itinalaga sa Santo Rosario at ang Oktubre 7 ay inilaan para sa Mahal na Birhen ng Sto. Rosario.

Ang kapistahan ngayon ay hango sa isang mahalagang pangyayari sa kontinente ng Europe noong 16th century. Nagsama-sama ang mga puwersa ng ilang mga bansa doon, sa pangunguna ng Espanya, upang pigilin ang paglusob ng mga puwersa ng mga Turko o ng mga Ottoman. Ang mga kalaban na ito ay tagasunod at tagapagpalaganap ng pananampalatayang Islam.

Dahil malaki ang posibilidad ng pagkatalo ng mga puwersang Kristiyano, hiningi ng Santo Papa Pio V na magdasal ang lahat ng tao sa Europe ng Santo Rosario upang makamit ang tagumpay sa tulong ng Mahal na Birheng Maria. At bagamat napakalaki ng puwersang Turko, napabagal ang pag-atake nila patungo sa kontinente at napilitan silang bumalik. Isa itong malaking tagumpay na itinanghal bilang isang tunay na himala na dulot ng Mahal na Birhen dahil sa pagdarasal ng Santo Rosario.

Natatag ang kapistahan ng Our Lady of Victory(Mahal na Birhen ng Tagumpay) na taun-taong ipagdiriwang tuwing Oktubre 7 bilang paggunita sa pangyayaring ito. Dumaan ang ilang panahon at pinalitan ang kapistahan ng titulong Feast of the Holy Rosary (Kapistahan ng Santo Rosario). Napalitan ulit ang tawag sa pistang ito ng bagong pangalan Our Lady of the Rosary (Mahal na Birhen ng Rosario) na siyang ginagamit natin ngayon.

Nasa puso ng kapistahang ito ang kapangyarihan ng panalangin, lalo na ang panalangin ng Santo Rosario. Sino nga bang Katoliko ngayon ang hindi nakaaalam tungkol sa Santo Rosario, ang mga kuwintas na binubuo ng mga butil na siyang gabay sa pagninilay sa mga Misteryo ng Tuwa, Hapis, Luwalhati at Liwanag. Sa maraming lugar kung saan bihirang makadalaw ang mga pari, kalimitan na ang Santo Rosario lamang ang tagapagpanatili ng tatag ng pananampalataya ng mga tao.

Halos lahat ng mga dakilang relihiyon sa mundo ay may mga rosario na ginagamit tulad ng makikita natin sa mga Buddhist, Hindu, at Muslim. Kaya ang paggamit ng mga ito ay isa sa pinakamatandang paraan ng pagdarasal.

Isang popular na kuwento ang nagsasabi na ang Santo Rosario ay ibinigay ng Mahal na Birheng Maria kay Santo Domingo de Guzman, ang tagapagtatag ng mga Dominicans bilang mabisang kasangkapan sa pagpapalaganap ng katotohanan laban sa mga nagtuturo ng maling pananampalataya.

Ang buong buwang ng Oktubre ay tinatawag ding Month of the Rosary dahil inaanyayahan ang lahat na magdasal nito sa buong buwan. Sa Pilipinas, popular ang pagdarasal ng Santo Rosario sa mga simbahan at sa mga grupong pang-simbahan bilang isang debosyon. Ito rin ay ipinalalaganap sa tulong nga Block Rosary Movement kung saan dinadala sa bawat tahanan ang imahen ng Mahal na Birhen upang akayin at turuang magdasal at magdebosyon ang mga miyembro ng pamilya.

May panahon na halos lahat ng Katoliko sa Pilipinas ay matatagpuang may dalang Santo Rosario sa kanilang bulsa o sa kanilang bagsa paglabas ng bahay bilang tanda ng pagmamahal sa Mahal na Birhen at sa ispesyal na panalanging ito.

Sto. Rosario ipanalangin mu kami.

06/10/2026
MALIGAYANG ARAW NG MGA G**O!Ang BAYAN ng SAN LUIS ay taos-pusong nagbibigay PUGAY at PASASALAMAT sa lahat ng ating mga G...
05/10/2026

MALIGAYANG ARAW NG MGA G**O!

Ang BAYAN ng SAN LUIS ay taos-pusong nagbibigay PUGAY at PASASALAMAT sa lahat ng ating mga G**O na walang sawang naglilingkod, nagtuturo, gumagabay, at humuhubog sa kinabukasan ng ating mga anak.

Kinikilala natin ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at malasakit sa bawat mag-aaral. Bilang mga PANGALAWANG MAGULANG…hindi lamang kaalaman ang inyong ibinabahagi, kundi maging mga pagpapahalaga, pangarap, at aral sa buhay na magsisilbing gabay ng kabataan sa kanilang paglalakbay.

Sa lahat ng ating mga g**o, MARAMING SALAMAT sa inyong walang sawang SERBISYO at SAKRIPISYO.

Kayo ay tunay na mga BUHAY na BAYANI ng ating bayan.

Mabuhay ang mga G**O! Mabuhay ang EDUKASYON!
🫔🫔🫔

F3 : FIRST FRIDAY , FUR DAYSan Luis Municipal HallOctober 2,2026, 8:00am-11:00amNumber Vaccinated:41 Dogs + 44 Cats = 85
02/10/2026

F3 : FIRST FRIDAY , FUR DAY
San Luis Municipal Hall
October 2,2026, 8:00am-11:00am
Number Vaccinated:
41 Dogs + 44 Cats = 85

30/09/2026
PAMPANGA RIVERWater LevelTETE San LuisAs of 5:00 PM pu, atsu pu king 160cm ing lebel ning danum king ilug. Kinati ya pun...
27/09/2026

PAMPANGA RIVER
Water Level
TETE San Luis

As of 5:00 PM pu, atsu pu king 160cm ing lebel ning danum king ilug. Kinati ya pung 8cm ngening patingapun.

Patuluy tamu pu mangadi na milawut pu kekatamu ing epektu ning habagat ampo ding bagyu.

Address

San Luis
2014

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Dr. J Sagum posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share