26/03/2026
Mensahe ni Hon. Ramorelia P. Lodriguito-Caranay, Presiding Judge, sa Buwan ng Kababaihan
𝐏𝐚𝐦𝐮𝐦𝐮𝐧𝐨. 𝐊𝐚𝐭𝐚𝐫𝐮𝐧𝐠𝐚𝐧. 𝐏𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲-𝐩𝐚𝐧𝐭𝐚𝐲.
Ito ang mensaheng ibinahagi ni 𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐮𝐝𝐠𝐞 𝐑𝐚𝐦𝐨𝐫𝐞𝐥𝐢𝐚 𝐏. 𝐋𝐨𝐝𝐫𝐢𝐠𝐮𝐢𝐭𝐨-𝐂𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐲, 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐝𝐠𝐞 𝐧𝐠 𝟏𝟑𝐭𝐡 𝐌𝐂𝐓𝐂 𝐒𝐚𝐧 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐞𝐥-𝐀𝐮𝐫𝐨𝐫𝐚, 𝐈𝐬𝐚𝐛𝐞𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐕𝐢𝐜𝐞 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐧𝐠 𝐙𝐨𝐧𝐭𝐚 𝐂𝐥𝐮𝐛 𝐨𝐟 𝐈𝐬𝐚𝐛𝐞𝐥𝐚, bilang pakikiisa sa temang “Lead like the Babaylans, Filipinas!”
Aniya, ang pamumuno ng kababaihan ay malalim na nakaugat sa ating kasaysayan at kultura, kung saan ang mga Babaylan ay kinilala bilang mga pinuno, manggagamot, tagapayo, at tagapangalaga ng kapakanan ng komunidad, na namuno nang may karunungan, malasakit, at tapang.
Dagdag pa niya, mahalagang isulong ang katarungan, pagkakapantay-pantay, at paggalang sa dignidad ng bawat tao, at ipinaaalala ang prinsipyo na ang karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
Binigyang-diin din niya na ang tunay na katarungan ay makikita sa isang lipunang nagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahat—lalo na sa kababaihan at kabataan, at sa pagbibigay-kapangyarihan sa kanila, nababago ang kanilang buhay, pamilya, komunidad, at ang buong mundo.
Ang panawagang “Lead like the Babaylans, Filipinas!” aniya, ay hindi lamang pag-alala sa nakaraan kundi isang paanyaya sa bawat Pilipina na mamuno nang may integridad, malasakit, at tapang sa tahanan, paaralan, komunidad, at sa anumang larangan.
Sa huli, hinikayat niya ang lahat na patuloy na isulong ang adbokasiya at kilalanin na ang karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao, tungo sa isang mas makatarungan at mas maunlad na lipunan para sa lahat. 💜