San Marcelino Public Information Office

Directions Website Contact the organization

San Marcelino Public Information Office This is the official page of LGU-San Marcelino, Zambales.

KALUSUGAN AT NUTRISYON NG PAMILYA, UNAHIN NGAYONG PANAHON NG EL NIÑO!Sa kabila ng mga pagbabago at hamon na dala ng El N...
07/11/2026

KALUSUGAN AT NUTRISYON NG PAMILYA, UNAHIN NGAYONG PANAHON NG EL NIÑO!

Sa kabila ng mga pagbabago at hamon na dala ng El Niño, maipapadama natin ang pagmamahal sa ating pamilya sa pamamagitan ng pagpapanatili ng sapat at masustansyang pagkain sa hapag-kainan.

Sama-sama nating pangalagaan ang paglaki ng ating mga chikiting at siguraduhing ligtas ang buong pamilya laban sa anumang banta sa kalusugan.

Maging alerto at magtulungan tayo para sa isang malusog na pamayanan!

Department of Health (Philippines)

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

Kaya ngayong Pasko, ang blessings ko’y kayo 🎶Thank you, thank you, ang babait ninyo 🎶48 days na lang, Pasko na! "Edukasy...
07/11/2026

Kaya ngayong Pasko, ang blessings ko’y kayo 🎶
Thank you, thank you, ang babait ninyo 🎶

48 days na lang, Pasko na!

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

WEATHER UPDATENovember 07, 2026 Tatlong weather systems ang umiiral ngayong sa bansa na magdudulot ng maulap na panahon ...
06/11/2026

WEATHER UPDATE
November 07, 2026

Tatlong weather systems ang umiiral ngayong sa bansa na magdudulot ng maulap na panahon at may mga pag-ulan.

Ang Amihan ay patuloy na nakakaapekto sa Northern at Central Luzon.

Ang Shear Line o ang salubungan ng hangin ng malamig at mainit na hangin ang nakakaapekto sa Southern Luzon na nagdadala ng mga pag-ulan.

Ang Easterlies naman ang nakakaapekto sa ibang bahagi ng bansa.

Ngayon Sabado, maulap na papawirin ang asahan sa Zambales. Bahagyang malamig na panahon naman ang asahan sa gabi at madaling araw.

Ang araw ay sumikat 5:53 ng umaga at lulubog, 5:26 ng hapon.

Para sa anumang emergency, mangyaring tumawag sa MDRRMO San Marcelino 0908-888-3776.



"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

06/11/2026

Mamati tayo iti milagro babaen ti bileg ti kararag, ayat, ken asi. Awan ti impossible iti apo. madaydayaw ti nagan ti apo. Amen.

BAGONG BACKHOE AT 4X4 RESCUE VEHICLE NG BARANGAY STA. FE, ININSPEKSYON NI MAYOR SORIABukod sa pagmonitor sa mga proyekto...
06/11/2026

BAGONG BACKHOE AT 4X4 RESCUE VEHICLE NG BARANGAY STA. FE, ININSPEKSYON NI MAYOR SORIA

Bukod sa pagmonitor sa mga proyektong pang-imprastraktura, ininspeksyon din ng ating mahal na Mayor Elvis Ragadio Soria kasama si Punong Barangay Rico Diego Arquero ang backhoe at bagong 4x4 rescue vehicle ng Barangay Sta. Fe ngayong araw, Nobyembre 6.

Bahagi ito ng patuloy na pagpapalakas sa kakayahan ng barangay sa pagtugon sa mga kalamidad at paghahatid ng de-kalidad na serbisyong publiko.

Inaasahang makatutulong ang mga kagamitang ito sa pagsasagawa ng mga proyektong pang-imprastraktura at disaster response sa naturang barangay.

Ayon kay Mayor Soria, inaasahang mapabibilis ng backhoe at bagong sasakyan ang pagresponde sa mga insidente at pagsasagawa ng rescue operations, lalo na tuwing may kalamidad, dahil kabilang ang Barangay Sta. Fe sa mga lugar na madalas maapektuhan ng kalamidad.

Ang mga sasakyan ay binili gamit ang sariling pondo ng barangay, indikasyon sa tamang pamamahala at pagpaplano sa kaban ng barangay.

Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

MAYOR SORIA, NAGSAGAWA NG MONITORING SA MGA PROYEKTONG PANG-IMPRASTRAKTURA SA BARANGAY STA. FEPersonal na binisita at in...
06/11/2026

MAYOR SORIA, NAGSAGAWA NG MONITORING SA MGA PROYEKTONG PANG-IMPRASTRAKTURA SA BARANGAY STA. FE

Personal na binisita at ininspeksyon ng ating mahal na Mayor Elvis Ragadio Soria, kasama si Punong Barangay Rico Diego Arquero, ang mga proyektong pang-imprastraktura sa Barangay Sta. Fe nitong Biyernes ng hapon, Nobyembre 6, 2026.

Kabilang sa mga ininspeksyon ng alkalde ang Sta. Fe Public Cemetery, kung saan naipaayos na ang daanan sa sementeryo.

Ilan pa sa mga planong isasagawa sa lugar ay ang pagtatayo ng mga palikuran at paglalagay ng suplay ng kuryente.

Binisita rin nila ang mga proyekto sa Purok 1, Sitio Oit, kabilang ang pagsesemento ng mga bahagi ng kalsadang hindi pa napapaspalto.

Ininspeksyon din ni Mayor Soria ang itinayong covered court sa Sitio Oit, gayundin ang St. Joseph Chapel.

Kasama rin sa kanyang binisita ang ginagawang multi-purpose hall na magsisilbing pansamantalang barangay hall ng naturang barangay.

Sa kanyang pagbisita, nakipag-usap din ang alkalde sa mga residente upang pakinggan ang kanilang mga hinaing at mungkahing proyekto para sa kanilang barangay.

Samantala, dumalaw din si Mayor Soria sa burol ng kanyang malapit na kaibigan sa Barangay Sta. Fe.

Patuloy namang nakikinig at tumutugon ang Pamahalaang Lokal sa mga hinaing at mungkahi ng mamamayan upang matiyak na naihahatid ang tapat at makataong serbisyo sa bawat barangay ng bayan.

Patunay ito ng patuloy na pagbibigay-prayoridad ng administrasyon ni Mayor Soria sa kapakanan, kaligtasan, at kaginhawaan ng bawat Marcelinean.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

November is National Environmental Awareness Month Kaisa ang Pamahalaang Bayan ng San Marcelino sa pangunguna ng ating m...
06/11/2026

November is National Environmental Awareness Month

Kaisa ang Pamahalaang Bayan ng San Marcelino sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Elvis Ragadio Soria sa pagdiriwang ng buwang ito alinsunod sa RA 9512 (National Environmental Awareness and Education Act of 2008)! Kasabay rin nitong ipinagdiriwang ang Clean Air Month (RA 8749) upang protektahan ang ating natural resources at tiyakin ang malinis na hangin para sa ating kabataan at kinabukasan.

Sa gitna ng mga hamon ng climate crisis, layunin nating palakasin ang edukasyong pangkalikasan at hihikayatin ang bawat Marcelinean na maging bahagi ng solusyon para sa ating kapaligiran.

Ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lang ngayong Nobyembre, kundi pang araw-araw nating responsibilidad. Makipagtulungan tayo para sa mas malinis at luntiang San Marcelino.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

06/11/2026

: SAMIWENG TI AWAY | Pakinggan ang mga awiting ilocano dito sa SAN MARCELINO PIO FACEBOOK LIVE
November 6, 2026

DISCLAIMER: San Marcelino Public Information Office are not affiliated, associated or in any way officially connected with any of u songs used for this purpose. All copyright and trademarks of any character and/or song used belong to their respective owners.

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

SAN GUILLERMO ES, NAKIISA SA 4TH QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL 2026Sinubok ang kahandaan ng mga estud...
06/11/2026

SAN GUILLERMO ES, NAKIISA SA 4TH QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL 2026

Sinubok ang kahandaan ng mga estudyante, g**o, rescuer, at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa pagharap sa malakas na lindol sa isinagawang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) nitong Huwebes, Nobyembre 5, 2026.

Matagumpay na isinagawa sa San Guillermo Elementary School ang Full-Scale Earthquake Simulation Exercise, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya at katuwang sa disaster preparedness and response.

Nakiisa bilang evaluators at partner agencies ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sa pangunguna ni Chief Arsenio Edar Mauricio III, gayundin ang PNP San Marcelino, BFP San Marcelino, SPTA President, at mga School Utility Personnel.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, koordinasyon, at aktibong partisipasyon ng bawat isa, matagumpay na naisakatuparan ang simulation exercise at naipakita ang kahandaan ng paaralan sa pagtugon sa posibleng lindol at iba pang emergency situations.

Ang gawaing ito ay patunay na ang kahandaan sa sakuna ay hindi lamang responsibilidad ng iisang ahensya kundi isang sama-samang tungkulin tungo sa mas ligtas, handa, at matatag na komunidad.

Kaugnay nito, nagpasalamat ang ating mahal na Mayor Elvis Ragadio Soria sa San Guillermo Elementary School at sa mga katuwang na ahensya sa kanilang kooperasyon sa aktibidad. Aniya, malaking tulong ito upang higit pang mapalakas ng mga paaralan ang kanilang kakayahang maghanda at tumugon sa mga sakuna.

Binigyang-diin din ng alkalde na nakaranas na ng iba’t ibang kalamidad ang San Marcelino kaya mahalagang pagkakataon ang drill na ito upang higit pang masukat at mapalakas ang kahandaan ng mga responder.

đź“· Mdrrmo San Marcelino

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

RESCUE OPERATIONSAgad na rumesponde at nagsagawa ng rescue operations ang Municipal Disaster Risk Reduction and Manageme...
06/11/2026

RESCUE OPERATIONS

Agad na rumesponde at nagsagawa ng rescue operations ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) matapos bumangga sa arko ng San Marcelino Public Cemetery at dumagilid ang isang dump truck kahapon, Nobyembre 5.

Ligtas na na-rescue ang driver ng dump truck matapos itong maipit sa loob ng sasakyan at agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital upang mabigyan ng kaukulang medikal na atensyon.

Sa direktiba ng ating mahal na Mayor Elvis Ragadio Soria, pinangunahan ni MDRRMO Chief Arsenio Edar Mauricio III ang operasyon, katuwang ang Bureau of Fire Protection, sa pangunguna ni FINS Allan Lanuza; Philippine National Police San Marcelino, sa pangunguna ni PMAJ Exodus Rodriguez; at mga opisyal ng Barangay Linasin, sa pangunguna ni Punong Barangay Isagani Pimentel.

Ipinakita ng operasyong ito ang kahalagahan ng pagkakaisa at koordinasyon ng mga emergency responder, lokal na pamahalaan, at mamamayan, sa suporta ni Mayor Soria, upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

Patuloy na nakahanda ang MDRRMO San Marcelino na magbigay ng maagap at maaasahang serbisyong pangkaligtasan sa komunidad.

đź“· Mdrrmo San Marcelino

"Edukasyon...Respeto...Serbisyong tapat para sa inyo...MARCELINEANS!"

Address

San Marcelino
2207

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Marcelino Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to San Marcelino Public Information Office:

Shortcuts

Share