Guitnangbayan II Public Information Office

Directions Contact the organization

Guitnangbayan II Public Information Office Barangay GuitnangBayan II

Magandang araw! Narito ang buod at kumpletong detalye para sa nakatakdang payout distribution ng UPLIFT Program 2nd tran...
06/10/2026

Magandang araw! Narito ang buod at kumpletong detalye para sa nakatakdang payout distribution ng UPLIFT Program 2nd tranche:

Pangalan ng Programa: Unified Package for Livelihood, Industry, Food, and Transportation (UPLIFT) Program (Itinatag sa ilalim ng Executive Order No. 110, s. 2026)

Petsa ng Payout: Oktubre 8, 2026 (Huwebes)

Lugar: JFD Municipal Stadium

Bilang ng Benepisyaryo para sa Brgy. Guitnang Bayan II: Dalawampu't anim (26) na benepisyaryo

Halaga ng Tulong Pinansyal: ₱2,000.00 bawat benepisyaryo (Kabuuang ₱1,214,000.00 para sa buong munisipalidad na may 607 na target beneficiaries)

Mga Hakbang, Responsibilidad, at Dapat Dalhin:

Pag-verify ng Residency at Impormasyon: Tinitiyak ng mga Barangay Officers na ang nakalistang mga kabahayan ay kasalukuyang nakatira sa munisipalidad at kino-cross-check ang mga detalye ng CBMS (tulad ng pangalan at petsa ng kapanganakan) laban sa mga opisyal na valid ID.

Mga Valid ID na Kailangan:

Photocopy ng National ID ng claimant (harap at likod) na may tatlong (3) specimen signature, kasama ang pagdala ng orihinal na ID (Pinapayagan din ang National ID sa eGov app).

Kung wala pang National ID, maaaring gumamit ng iba pang valid government ID para sa unang payout: Passport, HDMF (Pag-IBIG Loyalty Plus), Driver's License, Philippine Postal ID, PRC ID, UMID, SSS ID, PhilHealth ID, Senior Citizens ID, Voter's ID, TIN ID, o PWD ID.

GCash Account: Pagbubukas ng GCash account online gamit ang isang aktibong mobile number para sa mga benepisyaryo.

Paalala sa Data Privacy: Lahat ng mga pormularyo at dokumento ay isusumite pabalik at kokolektahin ng mga Barangay Officers upang matiyak na hindi ito makokopya o magagamit sa mga hindi awtorisadong transaksyon alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.

📢👀 PAALALA SA ATING MGA KABARANGAYAng Municipal Health Office ng San Mateo, Rizal, katuwang ang Department of Health (DO...
04/10/2026

📢👀 PAALALA SA ATING MGA KABARANGAY

Ang Municipal Health Office ng San Mateo, Rizal, katuwang ang Department of Health (DOH) at Philippine Business for Social Progress (PBSP), ay magsasagawa ng FREE MOBILE CHEST X-RAY CARAVAN.

📅 Oktubre 13, 2026 (Martes)
⏰ 8:00 AM – 3:00 PM
📍 San Mateo Municipal Isolation & Testing Center

Layunin ng programa na mapalakas ang TB prevention and control sa pamamagitan ng maagang pagtuklas at agarang pamamahala ng mga kaso.
Priority participants: household contacts ng TB patients, tricycle drivers, market vendors, senior citizens, smokers, at diabetic patients.

Inaanyayahan ang mga kwalipikadong residente na makiisa at samantalahin ang libreng Chest X-ray service.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa Barangay Guitnang Bayan II Health Workers o sa Municipal Health Office.



🫰❤️

𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘? 𝐓𝐮𝐦𝐚𝐰𝐚𝐠 𝐬𝐚 𝟗𝟏𝟏Ang 𝟗𝟏𝟏 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐞𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲. 𝑰𝙬𝒂𝙨𝒂𝙣 𝙖𝒏𝙜 𝙥𝒓𝙖𝒏𝙠 𝙘𝒂𝙡𝒍𝙨 upang matiyak na ang mga nanganga...
01/10/2026

𝐄𝐌𝐄𝐑𝐆𝐄𝐍𝐂𝐘? 𝐓𝐮𝐦𝐚𝐰𝐚𝐠 𝐬𝐚 𝟗𝟏𝟏

Ang 𝟗𝟏𝟏 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐞𝐦𝐞𝐫𝐠𝐞𝐧𝐜𝐲. 𝑰𝙬𝒂𝙨𝒂𝙣 𝙖𝒏𝙜 𝙥𝒓𝙖𝒏𝙠 𝙘𝒂𝙡𝒍𝙨 upang matiyak na ang mga nangangailangan ng agarang tulong ay agad na matutugunan.

𝐌𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐫𝐞𝐬𝐩𝐨𝐧𝐬𝐚𝐛𝐥𝐞. 𝐓𝐮𝐦𝐚𝐰𝐚𝐠 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝟗𝟏𝟏 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧.




👑✨ TONIGHT IS THE NIGHT!✨👑SEPTEMBER 26, 2026— dumating na ang pinakahihintay na gabi! 🎉👑 CORONATION NIGHT – GINOO AT BIN...
26/09/2026

👑✨ TONIGHT IS THE NIGHT!✨👑

SEPTEMBER 26, 2026— dumating na ang pinakahihintay na gabi! 🎉

👑 CORONATION NIGHT – GINOO AT BINIBINI👑
📍 JFD Stadium
📅 September 26, 2026

Halina’t sama-sama nating suportahan ang ating mga pambato! ❤️👏 Ibigay natin ang pinakamalakas na sigaw, palakpak, at suporta habang ipinapakita nila ang kanilang galing, confidence, at karisma sa entablado! 🔥✨

Ngayong gabi, buong puso tayong makiisa

👑❤️ GOOD LUCK, GINOO AT BINIBINI!❤️👑

SEE YOU TONIGHT AT JFD STADIUM! 🎉🔥






🌱 13th YES Program AnniversaryNakiisa ang Barangay Guitnangbayan-II sa 13th YES Program Anniversary na may temang “Growi...
25/09/2026

🌱 13th YES Program Anniversary

Nakiisa ang Barangay Guitnangbayan-II sa 13th YES Program Anniversary na may temang “Growing a Legacy of a Greener and Cleaner Rizal.”

Kasama ang ating Punong Barangay, Kap. Leo Salvador Buenviaje , Kagawad Ogie Antonio, Kagawad Annabelle Del Rosario at mga empleyado ng barangay, katuwang ang Monterock Corporation sa pamumuno ni Ma'am Luisa Noche ay isinagawa ang paglilinis sa San Mateo Market ngayong September 25, 2026.

Ang gawaing ito ay patunay ng ating sama-sama at tuloy-tuloy na pagkilos para sa isang mas malinis na Barangay Guitnangbayan-II.

Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at tumulong!


🫰❤️

Isang malaking karangalan para sa Barangay Guitnangbayan Dos ang magkaroon ng limang Presidential Scholars na nagsikap a...
15/09/2026

Isang malaking karangalan para sa Barangay Guitnangbayan Dos ang magkaroon ng limang Presidential Scholars na nagsikap at nagtagumpay sa kanilang pagsusulit at proseso ng pagpili. Sila ay kabilang sa mga pinakamataas na pumasa, patunay ng kanilang sipag, talino, at determinasyon sa pag-aaral.

🎓 Congratulations to our Presidential Scholars:
✨ Rena G. Decain
✨ Alleanna D. Lastrella
✨ Mary Grace Catina
✨ Reanne Evz T. Hilado
✨ Dianne Reyes

Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang personal na tagumpay, kundi isang karangalan para sa buong Guitnangbayan Dos. Nawa'y magsilbi silang inspirasyon sa iba pang kabataan na patuloy na mangarap, magsikap, at gamitin ang edukasyon bilang daan tungo sa mas magandang kinabukasan.

🇵🇭 Kasabay ng pagdiriwang na ito, naging makabuluhan din ang ating Flag Ceremony na pinangunahan ng ating mga minamahal na Senior Citizens. Isang magandang paalala na ang pagmamahal sa bayan, disiplina, at pakikilahok sa komunidad ay walang pinipiling edad. Saludo po kami sa inyong patuloy na paglilingkod at pagiging halimbawa sa ating kabataan.

Kasabay nito, taos-puso rin kaming nagpapasalamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa patuloy na pagbibigay ng oportunidad at suporta para sa mga kabataang Pilipino.

Mula sa Guitnangbayan Dos—maraming salamat, PBBM! 💙🇵🇭





13/09/2026

MGA GANAP | Barangay Guitnangbayan-II sa 28th Kakanin Festival 2026

Tunghayan ang mga makabuluhan at kapana-panabik na ganap ng Barangay Guitnangbayan-II sa matagumpay na 28th Kakanin Festival 2026 ng San Mateo, Rizal, kung saan buong puso at pagmamalaki nating itinampok at kinatawan ang natatanging Maja Blanca sa Mais.

❤️

TINGNAN | 28th Kakanin Festival sa San Mateo, Rizal 🎉Sa kabila ng maulang panahon, buong siglang nakiisa ang Barangay Gu...
13/09/2026

TINGNAN | 28th Kakanin Festival sa San Mateo, Rizal 🎉

Sa kabila ng maulang panahon, buong siglang nakiisa ang Barangay Guitnangbayan-II sa pagdiriwang ng ika-28 Kakanin Festival, tampok ang Maja Blanca sa Mais bilang ating kinatawang kakanin.

Kasama sa ating delegasyon ang ating kandidata na si Bb. Ysabella Victor, kasama ang kanyang es**rt na si Benjamin Aragon. Nagbigay rin ng dagdag na saya at sigla sa ating paglahok ang Dulongbayan Elementary Drum and Lyre Corps. 🥁

🏆 BEST DELEGATION - GB-II! ❤️

Ang tagumpay na ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap, suporta, at pakikiisa ng bawat isa. Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng ating matagumpay na paglahok!

Mabuhay ang Brgy. Guitnangbayan-II!



🏆 ATING IPAGMALAKI ANG ATING KABARANGAY! 🏆Buong pagmamalaking binabati ng Pamahalaang Barangay ng Guitnang Bayan II si G...
01/09/2026

🏆 ATING IPAGMALAKI ANG ATING KABARANGAY! 🏆

Buong pagmamalaking binabati ng Pamahalaang Barangay ng Guitnang Bayan II si G. Rodney Mar S. Tagarro, residente ng ating barangay, na itinanghal bilang GRAND WINNER sa kauna-unahang Septemberfest 2026 Logo Making Contest.

Ang karangalang ito ay patunay ng kanyang natatanging talento at isang malaking karangalan para sa buong Barangay Guitnang Bayan II.

Taos-pusong pagbati at patuloy na pagsuporta sa husay at talento ng ating mga kabarangay!

PABATID AT PAALAALA PATUNGKOL SA PAGREREHISTRO SA 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program)Mga kabarangay sa Guitnang Ba...
29/08/2026

PABATID AT PAALAALA PATUNGKOL SA PAGREREHISTRO SA 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program)

Mga kabarangay sa Guitnang Bayan II, narito ang mahalagang patalastas mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ukol sa pagpaparehistro at validation para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps):

Mahalagang Impormasyon:

Sino ang mga kwalipikado? Ang mga napiling pamilya ay batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pamamagitan ng Community-Based Monitoring System (CBMS) na dumaan sa pagsusuri ng DEPDev at DSWD.

No PhilSys, No Program Continuity: Kinakailangang maging rehistrado sa National ID / PhilSys ang lahat ng miyembro ng pamilya hanggang Disyembre 31, 2026 upang magpatuloy o makatanggap ng benepisyo.

Mga Dadalhing Dokumento (Para sa bawat miyembro ng pamilya):

Birth Certificate

Marriage Contract (para sa mga kasal)

Death Certificate (kung may yumaong miyembro)

PhilSys ID / Patunay ng PhilSys Registration

School Attendance Certificate o Valid School ID / Form 138 (para sa mga estudyante)

Health Attendance Certificate (para sa mga buntis at batang 0-5 taong gulang)

Person with Disability (PWD) ID o Medical Certificate (para sa may kapansanan)

Iskedyul ng Community Assembly Validation:

Petsa: September 11, 2026

Oras: 8:00 AM – 5:00 PM

Lugar: Sta. Ana Covered Court

Para sa mga katanungan, reklamo, o clarification kaugnay ng ipinaskil na listahan ng mga kwalipikadong benepisyo, maaari po itong idulog sa gaganaping Community Assembly Validation.

Maraming salamat po!

Address

GuitnangBayan II
San Mateo
1850

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Guitnangbayan II Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Guitnangbayan II Public Information Office:

Shortcuts

Share