Ano kaya next project natin? 🤔
❤️
Sangguniang Kabataan ng Brgy. Balite - Batch 2018
Serbisyo Tungo sa Kaunlaran
05/08/2023
Maraming salamat po sa lahat ng naki-isa at tumulong sa ating proyekto.
Nawa po ay nakatulong kami sa mga magaaral ng ating barangay.
Mag-aral mabuti mga bata, Nandito lang palagi ang Sangguniang Kabataan laging aagapay at tutulong lalong lalo na sa larangan ng edukasyon.
Maraming salamat po ulit. ❤️
BAGYO KA LANG LINGKOD BARANGAY KAME ❤️
KEEP SAFE AND DRY MGA KA-BARANGAY! 🫰🏻
22/07/2023
Maraming salamat po sa lahat nang nakilahok at pumunta.
Kitakits po ulit tayo sa Linggo para naman sa distribution ng mga school supplies.
Paalala lang po lahat lamang po ng nakalista ang mabibigyan, salamat po.
Maraming salamat din sa Team Jhasper sa pagtulong at sa paghahandog ng lunch para ating registration na ginanap.
Salamat po.
🫰🏻
18/07/2023
Isang mapagpalang araw po!
Dahil nalalapit nanaman po ang araw ng pasok ng mga estudyante, ito po ang taon-taon na nating ginagawa at sana po ay nakakatulong sa bawat pamilya.
Handog po ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. BALITE, sa pangunguna po ng ating SK CHAIRMAN Brylle John Zapata, at mga SK OFFICIALS, sa patnubay at gabay ng buong Sangguniang Barangay ng Balite ay munting tulong po para sa ating mga mag-aaral.
QUALIFICATIONS:
1. Lehitimong taga-BALITE, kahit po sa ibang lugar nag-aaral, especially sa mga daycare-elementary students.
2. Kailangan po, kayo ay nakasama sa listahan. Lahat lang po nang nakalista sa final list ang pwedeng makakuha. Ang palistahan po ay gaganapin sa ika-22 hanggang 23 sa ganap na 10 ng umaga hanggan 5 ng hapon sa ating covered court.
3. Magdala lamang po ng katunayan na kayo or ang anak nyo ay enrolled.
Kung may iba pa pong katanungan ay maaari po kayong magmessage sa page, sa ating mga SK Officials or sa ating SK Chairman.
Hangad po namin matulungan kayo at sabay sabay tayong umunlad.
Salamat po.
17/06/2023
Isang mapagpalang araw po!
Kung kayo ay may hika or highblood/lowblood Ang Sangguniang Kabataan po kaisa ang Sangguniang Brgy. ng Balite ay nagprovide ng Nebulizer, pang-BP, pulse Oximeter, meron po tayong ilang units available na pwede hiramin.
Sa mga may kailangan po, makipagugnayan lamang po sa ating SK Chairman at iba pang SK officials.
Ito po ay libreng magagamit at kung maaari lamang po ay isoli para po magamit din ng ibang nangangailangan.
Salamat po. ❤️
04/06/2023
Good game, Well played!
Lubos na pasasalamat ng buong Sangguniang Kabataan ng Brgy. Balite sa lahat ng mga teams sumali, tumulong at nanood sa ating first mlbb tournament.
Maraming salamat Boss Mark Andrew Palomo sa pagpapahiram ng chairs and tables para sa ating munting kasiyahan.
Special thanks din sa mga kabataan at sa mga kaibigan kong gansa sa pagtulong sa pagaayos at pagliligpit.
CONGRATULATIONS :
TEAM Yoma Genggeng - CHAMPION
TEAM Petmalu - 2ND PLACE
MVP - MARWIN LLOYD GALICIA
SEASON 2 AGAD? Ano G?
❤️
04/06/2023
Game na aba! Late ba mga relo nyo? Hahaha
03/06/2023
OH BAKA NAKALIMUTAN NYO NA E? Hahaha kitakits bukas mga ka-mlbb.
01/06/2023
Isang mapagpalang araw po.
Narito po ang official na listahan ng mga teams na kasali sa ating 1st MLBB TOURNAMENT.
Ang laro po ay gaganapin sa LINGGO - JUNE 4 alas 8 ng umaga sa ating covered court. Sikapin po natin makarating sa tamang oras upang makapagsimula tayo ayon sa oras.
Magkakaroon po ng bunutan sa araw mismo ng laro at andito po sa baba ang tournament format natin. Magkakaroon po ng upper bracket(winners) at lower bracket(loosers) para po masulit ang laro.
Ang bawat laro po sa elimination at knock-out game lamang.
Magdala po ng kanya kanyang charger o powerbank.
Maaari din pong magdala ng extenstion.
Kanya-kanyang data po ang gagamitin bagamat may wifi naman po sa ating opisina para po hindi magkaroon ng connection issues at tuloy tuloy po ang flow ng tournament.
Kung may mga katanungan po ay mag-message lang sa ating page or sa ating SK CHAIRMAN Brylle John Zapata
Siguraduhin po na ang mga kasali ay naka-like and share sa ating page para updated po sa mga announcements.
Salamat po.
Love ko kayo. ❤️
BAKA MAY MGA GUSTO PA PONG HUMABOL NA TEAM HANGGAT WALA PA PONG GAME FORMAT. PM NYO LANG PO SA SK Brylle John Zapata
SALAMAT PO.
Ps: Siguraduhin lamang pong naka-like and follow sa ating page para po sa mga announcements salamat po.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
Balite
San Miguel
3011
