PNP San Miguel Municipal Police Station

PNP San Miguel Municipal Police Station

Share

Humble Public Servant

30/05/2026

Stop Terrorism ✋️.

29/05/2026

TOP 2 MOST WANTED PERSON NG SAN LUIS, AURORA, ARESTADO NG 1st PROVINCIAL MOBILE FORCE COMPANY!

Camp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Naaresto ng kapulisan ang Top 2 Most Wanted Person ng San Luis Municipal Police Station (MPS), Aurora PPO sa isinagawang warrant operation bandang alas-3:40 ng madaling araw sa Brgy. Ilang-Ilang, Guiguinto, Bulacan noong Mayo 29, 2026.

Ayon sa ulat ni PLTCOL NORHEDA G USMAN, Acting Force Commander ng Bulacan 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), kinilala ang naarestong akusado na si alias Lito, 46 taong gulang at residente ng Brgy. Bacong, San Luis, Aurora. Ang operasyon ay isinagawa ng Tracker Team ng 1st PMFC katuwang ang mga operatiba ng Guiguinto MPS, San Luis MPS-Aurora PPO, PIU APPO at 301st MC RMFB.

Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified R**e sa ilalim ng Article 266-B ng Revised Penal Code na may Criminal Case Number 2023-10-7853. Ang naturang warrant ay inilabas ng Presiding Judge ng Third Judicial Region, Family Court Branch 1, Baler, Aurora noong Oktubre 4, 2023, na may rekomendasyong “No Bail.”

Matapos maaresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang naaayon sa Saligang Batas sa wikang kanyang naiintindihan alinsunod sa RA 7438. Kasalukuyan siyang nasa kustodiya ng Bulacan 1st PMFC para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago iharap sa hukuman na naglabas ng warrant.

Mula sa pahayag ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, “Patuloy nating paiigtingin ang kampanya laban sa mga wanted na personalidad upang matiyak na mananagot ang mga lumalabag sa batas at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan ng Bulacan.”



29/05/2026

SUSPEK SA PAGTUTULAK NG DROGA, TIMBOG SA BOCAUE; 115K SHABU NAKUMPISKA!

Camp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan – Arestado ang isang babae matapos mahuling nagbebenta ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Bocaue Municipal Police Station (MPS) sa Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan noong Mayo 29, 2026.

Ayon sa ulat ni PLTCOL GILBERT C DIAZ, Chief of Police ng Bocaue MPS, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang mga operatiba ng Bocaue MPS, bandang 2:40 ng madaling araw na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek na si alias “Ejok,” at residente ng Brgy. Caingin, Bocaue, Bulacan.

Sa isinagawang operasyon, matagumpay na nakabili ang mga awtoridad ng hinihinalang shabu kapalit ng isang (1) pirasong marked money na nagkakahalaga ng Php1,000.00. Nakumpiska rin mula sa suspek ang walong (8 ) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu kabilang ang buy-bust item, na may kabuuang timbang na humigit-kumulang labing pitong (17) gramo at may standard drug price na Php115,600.00.

Narekober din sa operasyon ang isang (1) digital weighing scale, isang (1) black coin purse, at ang ginamit na marked money bilang bahagi ng mga ebidensya. Ang pagmamarka, inventory, at pagkuha ng litrato sa mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa sa lugar ng operasyon sa presensya ng mga kinatawan mula sa DOJ, media, at barangay alinsunod sa Section 21 ng RA 9165.

Matapos ang operasyon ay agad na inaresto ang suspek at ipinaalam sa kanya ang kanyang mga karapatang naaayon sa batas. Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Bocaue MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Officer-in-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, ang matagumpay na operasyon ng Bocaue MPS laban sa ilegal na droga. Binigyang-diin niya na patuloy ang pinaigting na kampanya ng Bulacan PNP laban sa ilegal na droga at iba pang kriminalidad upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa buong lalawigan.



29/05/2026

MAHIGIT 350K NA ILIGAL NA DROGA AT ARMAS KALABOSO SA OPERASYON NG SJDM PULIS

Camp General Alejo S Santos, Malolos City, Bulacan — Arestado ang isang (1) hinihinalang High Value Individual (HVI) matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng San Jose Del Monte City Police Station (CPS) bandang alas-9:27 ng gabi noong Mayo 28, 2026 sa Brgy. Bagong Buhay 3, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Batay sa ulat ni PLTCOL REYSON M BAGAIN, Chief of Police ng SJDM CPS, kinilala ang naarestong suspek na si alias “Luie,” at residente ng Brgy. Bagong Buhay 3, City of San Jose Del Monte, Bulacan.

Sa operasyon, matagumpay na nakabili ang undercover operative ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu gamit ang isang (1) pirasong marked money na nagkakahalaga ng Php500.00. Matapos nito ay agad na inaresto ang suspek at sa isinagawang protective search ay nakumpiska ang apat (4) pang piraso ng transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang limampu’t dalawang (52) gramo at may Standard Drug Price na Php 353,600.00.

Narekober din mula sa suspek ang isang (1) improvised handgun na loaded ng isang (1) piraso ng live caliber .38 ammunition at ang ginamit na buy-bust money bilang bahagi ng mga ebidensya. Ang on-site marking at inventory ng mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa sa presensya ng mga mandatory witnesses alinsunod sa Section 21 ng RA 9165.

Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa SJDM CPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165 at paglabag sa RA 10591. Isasailalim din sa pagsusuri ng Bulacan Provincial Forensic Unit ang mga nakumpiskang ebidensya.

Binigyang-diin ni PCOL JAY B BAYBAYAN, Officer-In-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, na patuloy ang pinaigting na kampanya ng Bulacan PPO laban sa ilegal na droga at loose fi****ms upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong lalawigan. Aniya, mananatiling agresibo at walang humpay ang operasyon ng kapulisan laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.



29/05/2026
29/05/2026

MPSMU San Miguel MPS Accomplishment Report

Photos from PNP San Miguel Municipal Police Station's post 29/05/2026

On May 29, 2026 personnel of San Miguel MPS under the supervision of PLTCOL MOHAMMAD TAUFH S ABDUHALIM, ACOP conducted Beat Patrolling at Oriente Bus/Jeep Stop Brgy San Vicente, San Miguel, Bulacan.


,2026

Photos from PNP San Miguel Municipal Police Station's post 29/05/2026

On May 29, 2026 personnel of San Miguel MPS under the supervision of PLTCOL MOHAMMAD TAUFH S ABDUHALIM, ACOP conducted Beat Patrolling at San Miguel North Central Elementary School Brgy Camias, San Miguel, Bulacan.


,2026

Photos from PNP San Miguel Municipal Police Station's post 29/05/2026

BULACAN PPO
San Miguel MPS
On May 29, 2026 1:00 PM onwards personnel of San Miguel MPS with the supervision of PLTCOL MOHAMMAD TAUFH S ABDUHALIM, ACOP conducted anti-criminality checkpoint at Brgy Tibagan, San Miguel, Bulacan.


Photos from PNP San Miguel Municipal Police Station's post 29/05/2026

On May 29, 2026 personnel of San Miguel MPS under the supervision of PLTCOL MOHAMMAD TAUFH S ABDUHALIM, ACOP conducted Police Visibility and Beat Patrolling at Sevent-Day Adventist Church Brgy Camias, San Miguel, Bulacan.


,2026

Want your business to be the top-listed Government Service in San Miguel?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


San Miguel Municipal Hall, Brgy Poblacion
San Miguel
3011