25/03/2026
PAHAYAG
March 25, 2026
Mga kababayan,
Ang suliranin ng bayan ngayon ay ang nanganganib na pagsasara ng mga negosyo, ang pagkawala ng trabaho, at ang hirap ng bawat pamilyang Pilipino dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produkto.
Ang imbitasyon na dumalo sa pagdinig ng Committee on Justice ay tila ginagamit upang makabuo ng isang media narrative na magkakaroon ng “mini-trial,” batay sa umano'y hindi ko pagsagot at hindi pagdalo.
Sa ganitong paraan, ginagamit ang mga pagdinig upang makapagsagawa na naman ang House of Representatives ng ikatlong fishing expedition laban sa akin.
Muli, inuuna ang politika kaysa sa kapakanan ng milyon-milyong Pilipino na hirap na hirap dahil sa mahal na bilihin.
Malinaw na walang patakaran na nagsasabing kailangang personal na dumalo ang respondent sa impeachment complaint sa mga pagdinig ng Committee on Justice.
Naisumite ko na ang aking Answer ad Cautelam. Sa ngayon, wala nang dapat pang gawin ang Komite kundi ibasura ang mga reklamo dahil sa malinaw na kakulangan ng ebidensya.
Samantala, mas pipiliin kong ilaan ang aking oras sa pagtulong sa mga Pilipino—lalo na sa pagbibigay ng paalala, diretso sa mga komunidad, upang maibsan ang hirap sa gastusin ng mga pamilyang higit na nangangailangan.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines
13/03/2026
PANAWAGAN SA TAUMBAYAN
ISANG TAON NA! SC, MAGDESISYON NA.
Isang taon na ang lumipas, pero wala pa ring malinaw na pasya sa usaping yumanig sa batas, soberanya, at tiwala ng bayan.
Kung legal, sabihin.
Kung ilegal, panagutin.
Pero tama na ang paghihintay.
Ngayong March 11, alas-2 ng hapon, magtipon tayo sa Korte Suprema. Ipakita natin na ang taumbayan ay hindi tulog, hindi tahimik, at hindi basta papayag na manatiling nakabinbin ang katarungan.
Isang taon na!
SC, magdesisyon na!
30/11/2025
WALANG KATAHIMIKAN HANGGA'T WALANG NAKUKULONG
Nagpahayag ng pangamba si Senator B**g Go hinggil sa lumalalang isyu ng korapsyon kaugnay ng umano’y anomalya sa mga proyekto sa flood control na kasalukuyang iniimbestigahan. Ayon sa senador, hindi magkakaroon ng tunay na kapayapaan at kaayusan hangga’t hindi napapanagot ang mga nasa likod ng katiwalian.
Aniya, “Hangga’t hindi managot o hindi makulong ang mga may kasalanan, wala pong katahimikan ito.” Binigyang-diin niyang ang tunay na layunin ng imbestigasyon ay hindi pulitika kundi ang pagbabalik ng normal na pamumuhay ng mga Pilipino, lalo na ng mga mahihirap na direktang naaapektuhan ng maling paggamit ng pondo para sa mga proyektong pangkaligtasan tulad ng flood control.
Hinimok din niya ang mga awtoridad na ituloy ang malalimang pagsusuri upang matiyak na ang bawat pisong inilalaan para sa imprastraktura ay napupunta sa tamang proyekto at hindi sa bulsa ng iilan. Sa gitna ng isyu, nanawagan si Go ng mabilis at patas na proseso upang maibalik ang tiwala ng publiko sa pamahalaan.
30/11/2025
"I would like to commend [former] Executive Secretary Bingbong Medialdea for the love, service, and loyalty to PRRD."
- Atty. Martin Delgra III
28 November 2025