Barangay Magmarale Page

Directions

Barangay Magmarale Page Official page of Barangay Magmarale, San Miguel, Bulacan.

Stay connected with us for updates, announcements, and community news.


𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐒𝐈𝐍𝐀𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐃𝐑𝐀𝐈𝐍𝐀𝐆𝐄 𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐌𝐀𝐆𝐌𝐀𝐑𝐀𝐋𝐄, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀!Pinasinayaan ang bagong gawang Open Canal...
22/10/2026

𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐒𝐈𝐍𝐀𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐍𝐀𝐋 𝐃𝐑𝐀𝐈𝐍𝐀𝐆𝐄 𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐌𝐀𝐆𝐌𝐀𝐑𝐀𝐋𝐄, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀!

Pinasinayaan ang bagong gawang Open Canal Drainage System sa Barangay Magmarale, San Miguel, Bulacan, noong Oktubre 20, 2026.

Ang proyektong ito ay pinondohan sa ilalim ng 20% Municipal Development Fund (MDF) na naglalayong mapabuti ang daluyan ng tubig-ulan at makatulong sa pag-iwas sa pagbaha sa nasabing lugar.

Patuloy ang Pamahalaang Bayan ng San Miguel, sa pangunguna ni Mayor B**g Alvarez, sa pagsasakatuparan ng mga proyektong pang-imprastraktura na nagtataguyod ng kaligtasan, kaayusan, at kapakanan ng bawat San Migueleño.



📢 𝗔𝘁𝘁𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗼 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁, 𝗽𝗮𝗸𝗶 𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗟𝗜𝗡𝗞 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔.Narito ang po ang ilan sa mga kumpanyang ma...
22/10/2026

📢 𝗔𝘁𝘁𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗼 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁, 𝗽𝗮𝗸𝗶 𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗟𝗜𝗡𝗞 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔.

Narito ang po ang ilan sa mga kumpanyang makikiisa sa ating Job Fair sa October 26, 2026 (Lunes) mula 8:00am - 3:00 pm.

1. Precast Products Philippines Inc. (PPPI)
2. STC Packaging Solutions
3. D.A.B.S Security Agency
4. Amber Cash PH Micro Lending Corp.
5. SFI Bakers Corporation
6. Victory Line Inc.

📌At meron pa pong iba pa.

📢 𝗔𝘁𝘁𝗲𝗻𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗽𝗼 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁, 𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗮𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗟𝗜𝗡𝗞 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔.

https://bit.ly/Registration102626-scholars (for skills demo)
https://bit.ly/Registration102626-applicants (for job applicants)

Narito ang po ang ilan sa mga kumpanyang makikiisa sa ating Job Fair sa October 26, 2026 (Lunes) mula 8:00am - 3:00 pm.

1. Precast Products Philippines Inc. (PPPI)
2. STC Packaging Solutions
3. D.A.B.S Security Agency
4. Amber Cash PH Micro Lending Corp.
5. SFI Bakers Corporation
6. Victory Line Inc.
7. Fast Cash Finance Company Inc.

📌At meron pa pong iba pa.

KABUTIHANG-LOOB NA DAPAT TULARAN! 🙏Maraming salamat kay Ms. Jane Ignacio at sa kanyang asawa sa katapatan at kusang pags...
21/10/2026

KABUTIHANG-LOOB NA DAPAT TULARAN! 🙏

Maraming salamat kay Ms. Jane Ignacio at sa kanyang asawa sa katapatan at kusang pagsasauli ng mga personal na gamit sa tunay na may-ari.

Tunay na ang kabutihan at katapatan ay karapat-dapat kilalanin!

Maraming-maraming salamat po sa inyong kabutihang-loob! Nawa’y pagpalain pa kayo ng Poong Maykapal.🙏

UPDATE: Naibalik na po sa may-ari 🙏📢 LOST AND FOUND May napulot pong  wallet, tsinelas, laruan, at itlog.Sa may-ari po n...
21/10/2026

UPDATE: Naibalik na po sa may-ari 🙏

📢 LOST AND FOUND

May napulot pong wallet, tsinelas, laruan, at itlog.

Sa may-ari po ng mga nasabing gamit, maaari lamang pong mag-message sa ating Barangay Page upang makuha at ma-claim ang inyong mga gamit.

📣 Sa sinumang nakakakilala sa may-ari, mangyaring ipagbigay-alam po sa kanya ang post na ito.
Sa simpleng pagtutulungan, maibabalik natin ang mga gamit sa kanilang tunay na may-ari. Maraming salamat po! 🙏


PAGBATI|| DALAWANG PAGKILALA, ISANG TAGUMPAY NG PAGKAKAISA! 🏆Isang karangalan para sa Barangay Magmarale, San Miguel, Bu...
19/10/2026

PAGBATI|| DALAWANG PAGKILALA, ISANG TAGUMPAY NG PAGKAKAISA! 🏆

Isang karangalan para sa Barangay Magmarale, San Miguel, Bulacan ang pagkamit ng dalawang pagkilala mula sa DILG!

🏅 Certificate of Recognition – Bilang pagkilala sa outstanding efforts at maagang pagkumpleto ng Barangay Information Management System (BIMS).

🏅 Certificate of Commendation – Bilang pagkilala sa pagkamit ng 100% o higit pang Barangay Inhabitants Encoding batay sa 2024 Census of Population ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa ilalim ng Barangay Inhabitants Profiling System (BIPS).

Ang mga tagumpay na ito ay hindi po natin makakamit kung wala ang suporta, dedikasyon, at pakikipagtulungan ng ating mga Mother Leader, Barangay Health Workers (BHW), at mga miyembro ng Sangguniang Barangay, sa Pangunguna ng ating Kapitana Kap Vicky Cruz.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa bawat isa sa inyo sa inyong oras, pagod, at walang sawang paglilingkod.
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang para sa Barangay Magmarale, kundi para sa bawat isa na naging bahagi ng tagumpay na ito.
Maraming salamat po! Sama-sama nating ipagpatuloy ang tapat na serbisyo at pag-unlad ng ating barangay.

Credits-Brgy Secretary Reymond

📣 TINGNAN |  BARANGAY ASSEMBLY DAY – 2ND SEMESTER, CY 2026 🇵🇭Mga larawan sa ginanap na Brgy Assembly
18/10/2026

📣 TINGNAN | BARANGAY ASSEMBLY DAY – 2ND SEMESTER, CY 2026 🇵🇭

Mga larawan sa ginanap na Brgy Assembly

📣 TINGNAN | BARANGAY ASSEMBLY DAY – 2ND SEMESTER, CY 2026 Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Oktubre 18, 2026, ang Ba...
18/10/2026

📣 TINGNAN | BARANGAY ASSEMBLY DAY – 2ND SEMESTER, CY 2026

Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Oktubre 18, 2026, ang Barangay Assembly Day ng Barangay Magmarale na ginanap sa Barangay Magmarale Gymnasium.

Ang pagtitipong ito ay nagsilbing pagkakataon upang maipabatid sa ating mga kabarangay ang mahahalagang programa, proyekto, at mga serbisyong patuloy na isinusulong para sa ikauunlad ng ating komunidad, gayundin ang pagbibigay ng pagkakataon sa bawat mamamayan na maipahayag ang kanilang mga saloobin, mungkahi, at hinaing.

Maraming salamat sa lahat ng mga kabarangay na dumalo at nakiisa sa mahalagang pagtitipong ito. Sa pamamagitan ng bukas na talakayan, pagkakaisa, at aktibong pakikilahok, mas mapagtitibay natin ang ating layunin para sa isang maunlad at nagkakaisang Barangay Magmarale.

“Tayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.”


TINGNAN | 3RD WEEK OF WEEKLY CLEAN-UP DRIVEPatuloy ang pagkakaisa at bayanihan sa Barangay Magmarale! 💚Matagumpay na isi...
18/10/2026

TINGNAN | 3RD WEEK OF WEEKLY CLEAN-UP DRIVE

Patuloy ang pagkakaisa at bayanihan sa Barangay Magmarale! 💚

Matagumpay na isinagawa ang Ikatlong Linggo ng Weekly Clean-Up Drive sa pakikiisa ng Sangguniang Barangay sa pangunguna ng ating masipag na Kapitana Kap Vicky Cruz , Barangay Tanod, LLN/BNS, Mother Leaders, Barangay Health Workers (BHW), at mga miyembro ng 4Ps.

Sa sama-samang pagkilos, layunin nating mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran, maiwasan ang pagkalat ng sakit, at magkaroon ng mas ligtas, malinis, at maayos na pamayanan.

Maraming salamat sa lahat ng nakikiisa at naglalaan ng oras at lakas para sa ikagaganda ng ating barangay!

TINGNAN||BARANGAY VISITATION AND POLICE DIALOGUE Isinagawa ang Barangay Visitation and Police Dialogue kasama ang ating ...
18/10/2026

TINGNAN||BARANGAY VISITATION AND POLICE DIALOGUE

Isinagawa ang Barangay Visitation and Police Dialogue kasama ang ating panauhing pandangal na si PLTCOL MOHAMMAD TAUFH S. ABDUHALIM, Chief of Police ng PNP San Miguel Municipal Police Station.

Layunin ng gawaing ito na higit pang patatagin ang ugnayan at pagtutulungan ng ating barangay at kapulisan tungo sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat mamamayan ng Barangay Magmarale. 🇵🇭

Patuloy ang ating pagkakaisa para sa isang ligtas, maayos, at mapayapang komunidad! 💙
Serbisyong may malasakit, kaligtasan para sa lahat!

18/10/2026

Happening Now||Brgy Assembly 2026

Address

MAGMARALE, SAN MIGUEL, BULACAN
San Miguel
3011

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Magmarale Page posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category