10/09/2026
Setyembre 9, 2026 I ☀️ ISANG MAKASAYSAYANG ARAW PARA SA LAMBAKIN ELEMENTARY SCHOOL! 🏫💚
Isang makabuluhang programa ang isinagawa sa Lambakin Elementary School para sa Pagbabasbas ng Solar Panels at Pagtatalaga ng mga Namumuno sa Paaralan—isang mahalagang hakbang tungo sa mas maayos, mas episyente, at mas maliwanag na kinabukasan ng ating paaralan at mga mag-aaral. 🌞🔋
Kasabay nito ang Panunumpa at Pagtatalaga sa Katungkulan ng mga bagong halal na PTA Officers, Homeroom Officers, SELG Officers, at YES-O Officers, na magsisilbing katuwang ng paaralan sa pagpapaigting ng pakikilahok, pamumuno, disiplina, at pagkakaisa ng buong school community. 🤝✨
Taos-pusong pasasalamat kay G. Max A. Dela Cruz, ating Panauhing Tagapagsalita, sa kanyang makabuluhang mensahe at inspirasyon sa ating mga g**o, magulang, at mag-aaral. 🎤👏
Lubos din ang aming pasasalamat kay Kapt. Francis Albert D. de Rueda at sa Sangguniang Barangay sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan para sa ikauunlad ng Lambakin ES.
Maraming-maraming salamat din sa ating mga Major Sponsors:
🌟 G. Tommasso Givacchini
🌟 RJK Farm
🌟 Engr. Castro
At sa lahat ng ating Piling Sponsors, mga Magulang, Pangulo ng PTA Maricel Buaya at sa kanyang mga kasamang officers, Sangguniang Barangay, stakeholders, mga g**o at mga taong walang sawang nagbibigay ng oras, suporta, at tulong—maraming salamat po! ❤️🙏
Ang inyong kabutihang-loob ay nagsisilbing liwanag, hindi lamang sa ating paaralan kundi higit sa lahat sa kinabukasan ng ating mga mag-aaral.
☀️ Together, we empower leaders, strengthen partnerships, and illuminate the future of every learner.
Mabuhay ang Lambakin Elementary School!
Mabuhay ang ating mga bagong pinuno at katuwang sa paaralan! 🎉👏
Marites G. Orteza- Punong G**o II
Dr. Leonora V. Bergado- Tagamasid Pampurok
💚🏫☀️