09/10/2026
๐ขPUBLIC ADVISORY | MAHALAGANG PAALALA SA LAHAT
Ipinapaalam po sa ating mga kabarangay at sa publiko na ang Facebook Account ng ating Punong Brgy. Perla Acbang ay kasalukuyang na-hack.
Dahil dito, hinihiling po namin sa lahat na maging mapagmatyag at huwag munang maniniwala sa anumang mensahe, post, o transaksiyong manggagaling sa nasabing account hanggaโt wala pang opisyal na kumpirmasyon.
โผ๏ธPAALALA:
- Huwag magpadala ng pera o anumang tulong pinansyal batay sa mga mensaheng mula sa account na ito.
- Huwag mag-click ng kahina-hinalang link o magbigay ng personal na impormasyon, password o OTP.
- I-report ang account kung may mapansing kahina-hinalang aktibidad.
Makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal na kinatawan ng Barangay para sa beripikasyon ng anumang mahalagang impormasyon.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at pagiging mapagmatyag. Nawaโy maibahagi rin ninyo ang babalang ito upang maabot ang mas marami nating kabarangay.
Maging mapanuri. Maging mapagmatyag. Iwasan ang panloloko online.
-Sangguniang Barangay ng Calumpang