15/05/2026
MAYO 15, 2026 — PUBLIC HEARING
Isinagawa ang Public Hearing hinggil sa 2026 Proposed Revision of Municipal Revenue Code ng San Miguel na dinaluhan ng inyong lingkod, Vice Mayor Gerome “Jhong” Reyes kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Ama at Ina ng Barangay, business owners, mga organisasyon, at mamamayan ng San Miguel.
Layunin ng naturang pagdinig na mapakinggan ang mga opinyon, mungkahi, at pananaw ng iba’t ibang sektor upang masiguro na ang mga pagbabagong isasagawa sa Municipal Revenue Code ay magiging makatarungan, maayos, at makabubuti para sa buong sambayanan ng San Miguel. Patuloy ang pagkakaisa at pakikiisa tungo sa mas maunlad at mas progresibong bayan.
15/05/2026
Isang mainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan kay Kapitan Frederick Yambot ng Barangay Sta. Rita Matanda mula sa inyong lingkod, Vice Mayor Gerome “Jhong” Reyes.
Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa bawat San Migueleñong naghahangad ng mas maunlad at mas mapayapang pamayanan.
Muli, Maligayang Kaarawan!
15/05/2026
Isang mainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan kay Kapitan Isidro Santos ng Barangay San Vicente mula sa inyong lingkod, Vice Mayor Gerome “Jhong” Reyes.
Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon sa bawat San Migueleñong naghahangad ng mas maunlad at mas mapayapang pamayanan.
Muli, Maligayang Kaarawan!
14/05/2026
MAYO 11, 2026 — 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐮𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐁𝐋𝐆. 𝟏𝟖 𝐓𝐚𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐧𝐠 𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟐 𝐧𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧
12/05/2026
MAYO 11, 2026 — FSCAP SAN MIGUEL CHAPTER 26th FOUNDING ANNIVERSARY
Malugod na dumalo ang inyong lingkod, Vice Mayor Gerome “Jhong” DC. Reyes, sa pagdiriwang ng ika-26 na Taong Anibersaryo ng United Senior Citizens Associations FSCAP San Miguel Chapter.
Isang pagpupugay at taos-pusong pasasalamat po sa ating mga nakatatanda na nagsilbing haligi ng ating pamilya at komunidad. Ang inyong karunungan, sakripisyo, at pagmamahal ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bawat San Migueleño.
Mabuhay po ang United Senior Citizens Associations FSCAP San Miguel Chapter!
12/05/2026
MAYO 11, 2026 — FLAG CEREMONY AT MONDAY MORNING PROGRAM
Nakiisa ang inyong lingkod, Vice Mayor Gerome “Jhong” DC. Reyes, sa isinagawang Flag Ceremony at Monday Morning Program kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ang ating minamahal na Punong Bayan na si John “Bong” A. Alvarez.
Patuloy po nating pinagtitibay ang pagkakaisa, maayos na paglilingkod, at dedikasyon para sa mas progresibo at maunlad na Bayan ng San Miguel. Sa bawat pagsisimula ng linggo, dala natin ang panibagong lakas at inspirasyon upang higit pang mapaglingkuran ang bawat San Migueleño.
10/05/2026
Happy Mother’s Day sa lahat ng mga Inang San Migueleño!
Sa inyong walang sawang pagmamahal, sakripisyo, pag-aaruga, at gabay, kayo ang nagsisilbing ilaw at lakas ng bawat pamilyang San Migueleño. Maraming salamat sa inyong hindi matatawarang dedikasyon at pagmamahal na siyang pundasyon ng isang matatag at maunlad na pamayanan.
Muli, Happy Mother’s Day po!
08/05/2026
📢 PUBLIC HEARING ANNOUNCEMENT 📢
PAUNAWA SA LAHAT NG MGA NEGOSYANTE, ORGANISASYON, AT MAMAMAYAN NG BAYAN NG SAN MIGUEL
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at dumalo sa gaganaping Public Hearing hinggil sa 2026 Proposed Revised Municipal Revenue Code of San Miguel, Bulacan.
🗓 Mayo 15, 2026
⏰ 9:00 ng umaga
📍 Ricardo C. Silverio Sr. Multipurpose Building (Municipal Gymnasium)
Mahalaga ang inyong pakikilahok upang maipahayag ang inyong mga mungkahi, pananaw, at opinyon para sa ikabubuti ng ating bayan at ng sektor ng negosyo sa San Miguel.
📢 PUBLIC HEARING ANNOUNCEMENT 📢
PAUNAWA SA LAHAT NG MGA NEGOSYANTE, ORGANISASYON, AT MAMAMAYAN NG BAYAN NG SAN MIGUEL
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at dumalo sa gaganaping Public Hearing hinggil sa 2026 Proposed Revision of Municipal Revenue Code of San Miguel, Bulacan.
🗓 Mayo 15, 2026
⏰ 9:00 ng umaga
📍 Ricardo C. Silverio Sr. Multipurpose Building (Municipal Gymnasium)
Mahalaga ang inyong pakikilahok upang maipahayag ang inyong mga mungkahi, pananaw, at opinyon para sa ikabubuti ng ating bayan at ng sektor ng negosyo sa San Miguel.
08/05/2026
Maligayang Kaarawan kay Miguel “Migz” Dela Cruz!
Nawa’y patuloy kang pagpalain ng mabuting kalusugan, tagumpay, at kasiyahan sa buhay. Maraming salamat sa iyong dedikasyon, malasakit, at inspirasyong ibinibigay sa komunidad ng LGBTQ sa San Miguel.
Muli, Maligayang Kaarawan!
07/05/2026
Maligayang Pistang Bayan 2026 at masayang pagdiriwang ng ika-301 anibersaryo ni San Miguel Arcangel, ang ating Patrong Sakdal Giting, sa ating minamahal at Mayumong Bayan ng San Miguel!
Sa loob ng mahigit tatlong siglo, patuloy na naging simbolo si San Miguel Arcangel ng katatagan, pananampalataya, tapang, at pagkakaisa ng bawat San Migueleño. Nawa’y manatiling gabay ang kanyang kabutihan at proteksyon tungo sa mas maunlad, mapayapa, at masaganang kinabukasan para sa ating bayan.
Sa pagdiriwang na ito, sama-sama nating ipagmalaki ang ating mayamang kultura, tradisyon, at debosyong tunay na nagpapakilala sa puso at diwa ng pagiging San Migueleño.