06/06/2021
Naniniwala si Teacher Jam na mapagtatagumpayan nating labanan ang COVID-19 sa tulong ng pagbabakuna tulad ng sa ibang mga bansa. Ang pagbabakuna din ang magiging proteksyon ng mga g**o upang lalo pang magampanan ang kanilang mga responsibilidad para sa kanilang mga estudyante.
Tara na't makiisa sa gaganaping symbolic vaccination ngayong Hunyo 7, kasama si Teacher Jam at iba pang mga piling g**o at manggagawa, bilang paghahanda sa nalalapit na pagbabakuna ng A4 priority group!
Maging bahagi ng BIDA Bakunation!
31/05/2021
Mabuhay kabataang Pilipino!
You are invited to the nationwide training for Grade 12 (Senior High School) students and teachers titled Building an Impactful Resume and Online Professional Brand on 01 June 2021, 2:00 – 5:00 p.m. via Facebook live at the DepEd Philippines, DepEd Tayo, and DepEd Tayo Youth Formation pages.
This event is in partnership with Microsoft Philippines and the Employers Confederation of the Philippines through the Office of the Undersecretary for Administration (OUA), Bureau of Learner Support Services – Youth Formation Division (BLSS-YFD), Information Technology Service (ICTS), EdTech Unit, and DepEd Online.
As of today, we already have a total of 53,233 registrants!
To register, you may visit our website https://blssyfd.weebly.com/registration.html
31/05/2021
Sa ginanap na Town Hall Meeting na isinagawa ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) at ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) para sa mga frontliners ng edukasyon sa nalalapit na paglunsad ng bakuna para sa A4 Priority Group, nakapagbahagi ang mga dalubhasa sa medisina ng kanilang mga paliwanag ukol sa national vaccination deployment plan, vaccine development, selection, at approval process.
Binigyang-diin ni Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Health Education Committee Chair na si Dr. Marion Priscilla Kwek na ang mga bakuna ay nagsisilbing dagdag-proteksyon lamang at hindi dapat maging kampante ang bawat isa sa mga public health standards kahit na tapos nang magpabakuna. Dagdag niya na ang pagbabakuna at pagsunod sa public healh standards ay parehong kinakailangan upang labanan ang COVID-19.
31/05/2021
Alamin kung saan maaaring mapanood ang mga programa ng DepEd TV mula Lunes hanggang Sabado. Tuloy-tuloy ang pagkatuto sa DepEd TV!
Para makita ang detalyadong schedule ng episodes sa DepEd TV mula ngayong araw, Mayo 31, hanggang Hunyo 5, bisitahin ang: https://drive.google.com/file/d/11sr2l_zf9PpO62G2qKJ0XTwZzPa4PHPw/view?usp=sharing
29/05/2021
Full scholarship para sa mga atleta, ipapamahagi
Inanunsyo ng DepEd na ang National Academy of Sports (NAS) ay magbabahagi ng full scholarship sa mga student-athletes sa high school.
Ito ay alinsunod sa layunin ng DepEd at NAS na suportahan ang mga magagaling na mag-aaral sa larangan ng palakasan (sports).
Kasama sa scholarship ang allowance, mga uniporme, at tirahan habang nasa training.