San Miguel Municipal Police Station,CATPPO

San Miguel Municipal Police Station,CATPPO

Share

Information Dissemination on Program, Activities and other Anti criminality campaign and announcement

31/10/2024




Photos from San Miguel Municipal Police Station,CATPPO's post 30/10/2024

TINGNAN I Seguridad sa UNDAS 2024: Tiniyak ng San Miguel PNP

Oktubre 30, 2024, dakong alas-otso (8:00) ng umaga, ang San Miguel PNP sa pangunguna ni PEMS Joven E. Basilio, Officer in-Charge, ay nagsagawa ng police presence sa Public Cemetery sa Barangay District 1, San Miguel, Catanduanes. Ito ay bilang bahagi ng paghahanda sa paggunita ng “All Saints’ at All Souls’ Day” o UNDAS 2024, kung saan inaasahang dadalaw ang maraming tao upang magbigay-pugay sa kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay.

Para sa karagdagang seguridad, naglagay ang San Miguel PNP ng mga tarpaulin na may mga paalala para sa “Ligtas UNDAS 2024” upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng publiko sa panahon ng paggunita. Nilalaman ng mga tarpaulin ang mga mahahalagang gabay para sa mga lalabas ng bahay at habang nasa loob ng sementeryo.

Pinaalalahanan din ng San Miguel PNP ang publiko na kung sakaling mayroong mga kahina-hinalang aktibidad o mga ilegal na gawain na maaaring magdulot ng kaguluhan, huwag mag-atubiling mag-text o tumawag sa hotline number na 09994440885 o magpadala ng mensahe sa kanilang opisyal na page na “Sanmiguel Mps Catanduanes Ppo.” Ang partisipasyon ng publiko ay mahalaga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa paggunita ng UNDAS.

Bukod dito, ang San Miguel PNP ay nagtalaga rin ng mga force multipliers at volunteer groups na magtutulungan upang masiguro ang mabilisang aksyon sa anumang posibleng insidente. Ang mga ito ay may kasanayan at inatasang tumulong sa pagkontrol ng trapiko, pag-assist sa mga matatanda at bata, at pagpapanatili ng kalinisan sa paligid.





29/10/2024

"RPSB ng San Miguel MPS, Nagbigay Suporta sa Barangay J.M. Alberto Bread Maker’s Association"

Tingnan-Sa ganap na 9:13 AM noong Oktubre 19, 2024, nagsagawa ang mga tauhan ng San Miguel MPS, sa pangunguna ni PLT Asuncion C. San Juan, Deputy Chief of Police, ng isang outreach program sa ilalim ng Revitalized Pulis sa Barangay (RPSB). Sa programang ito, naipamahagi nila ang halagang apat na libo at tatlong piso (P4,300.00) mula sa pamilyang Clerigo at Cuya, kasama ang limang piraso ng yero mula sa mga anonymous na donor, kay Gng. Queenie Lizabeth Bolima Tapia, Pangulo ng Barangay J.M. Alberto Bread Maker’s Association. Ang naturang halaga ay nakalaan upang ipambili ng karagdagang yero para sa bubong ng panaderya ng asosasyon bilang bahagi ng inisyatiba ng RPSB sa Barangay JMA.

Layunin ng programang ito na suportahan ang mga kabuhayan sa komunidad at palakasin ang relasyon sa pagitan ng kapulisan at mga residente. Sa pagbibigay ng tulong pinansyal at materyales sa Barangay J.M. Alberto Bread Maker’s Association, itinataguyod ang pagiging sapat at pagsulong ng kabuhayan ng mga residente, na mahalaga sa lokal na ekonomiya. Ang ganitong hakbangin ay hindi lamang nakakatulong sa pagpapalakas ng mga proyekto sa kabuhayan, kundi nagpapalalim din ng pagtitiwala at kooperasyon sa pagitan ng kapulisan at ng komunidad na kanilang pinaglilingkuran.




Photos from San Miguel Municipal Police Station,CATPPO's post 26/10/2024

TINGNAN I San Miguel MPS, Patuloy sa Pamamahagi ng Polyetos o Babasahin para sa Kapayapaan at Kaligtasan ng Komunidad"

Ngayong alas-nuwebe ng umaga (9:00 AM), Oktubre 26, 2024, namahagi ng mga polyetos ang San Miguel PNP sa pangunguna ni PMAJ LESTER V QUILILAN, COP, para sa mga residente ng Barangay Kilikilihan, San Miguel, Catanduanes. Binigyan-diin ng kapulisan sa pakikipag-diyalogo ang Executive Order 70/NTF-ELCAC, "Bawal Bastos Law" o R.A. 11313, R.A. 7610 o "Anti-Child Abuse Law," at ang mapaminsalang epekto ng ilegal na droga. Pagkatapos, ipinamahagi ang mga polyetos ukol sa mga nabanggit na batas at programa.

Layunin nito na palawakin ang kaalaman ng mga mamamayan sa kanilang mga karapatan at maprotektahan sila mula sa mga banta ng terorismo, ilegal na droga, at kriminalidad. Dagdag pa rito, nagnanais ang kapulisan na magbigay ng wastong impormasyon at paalala upang matiyak ang kaligtasan at proteksyon ng bawat isa laban sa anumang masamang intensyon.

Ayon pa sa San Miguel PNP, hinihikayat ang mga residente na makipagtulungan at aktibong makiisa sa mga programa ng PNP upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang komunidad.

Want your business to be the top-listed Government Service in San Miguel?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Emilda Boulevard
San Miguel
4802