20/05/2026
Bilang bahagi ng aming patuloy na adhikain para sa mas ligtas at mas maayos na komunidad, ang Sangguniang Kabataan ng San Agustin ay naglagay ng Anti-Illegal Drugs Campaign Tarpaulin sa ating barangay bilang paalala at panawagan sa bawat mamamayan, lalo na sa kabataan, na makiisa sa laban kontra iligal na droga.
Sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na may disiplina, kamalayan, at malasakit. Maging bahagi ng pagbabago para sa isang mas ligtas at mas magandang kinabukasan.
15/05/2026
LIBRENG TULI | BINATA NA SI TOTOY
Matagumpay na naisagaw ang Libreng Tuli Program ng Sangguniang Kabataan ng San Agustin sa pangunguna ni SK Bryan Manalastas.
Taos pusong pasasalamat sa RHU 2, at sa aming Barangay Health Workers (BHWs) sa pag aabot ng tulong.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta upang maisakatuparan ang programang ito para sa ating kabataan. 🫶🏼🤍
15/05/2026
HAPPENING NOW: LIBRENG TULI
Kasalukuyang nagaganap ang Libreng Tuli na handog ng Sangguniang Kabataan ng San Agustin sa pangunguna ni SK Bryan Manalastas, SK Niño Miguel Pengson, SK Kenneth Ruiz at Konsehal Chak Abelardo at Konsehala Everlyn Ever Del Rosasrio katuwang ang RHU 2!
Binata na nga si Totoy! 🫶🏼🤍
14/05/2026
3rd SK San Agustin Cup 2026 | Individual Awards
14/05/2026
It’s a wrap! 3rd San Agustin SK CUP Inter-Purok Basketball League! Done! 🏀🎉
Isang mainit na pagbati sa lahat ng lumahok, sumuporta, at nagpakita ng tunay na sportsmanship mula simula hanggang dulo! Salamat sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa laro.
sama-sama nating itinaguyod ang pagkakaisa at kabataang may malasakit sa komunidad! 🫶🏼
12/05/2026
BINATA READY: LIBRENG TULI PARA SAYO!
Handa ka na ba? Tara na’t sumali sa ating Libreng Tuli Program ngayong taon!
30 slots available!
KAILAN: May 15, 2026 (Biyernes)
ORAS: 8:00 ng umaga
SAAN: San Agustin, Barangay Hall
Paghahanda :
• Kumain ng magaan na pagkain bago dumating.
• Maligo at magsuot ng maluwag at malinis na damit.
Sa mga gustong magpalista, maaari pong mag message sa mga SK Officials.
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa mga SK Officials!
12/05/2026
May 13, 2026 (Wednesday) | Game Schedule
12/05/2026
BEST PLAYER OF THE GAME | GAME RESULT!💪🏀
1st Game
Team Ka Toda vs. 6A Jacobs (6A Jacobs win)
2nd Game
DGS sr. vs. 3 All Star (3 All Star win)
12/05/2026
2nd 2 Day Volleyball League🏐 | Individual Awards
12/05/2026
Wrapped up a thrilling Two Days Volleyball League full of fierce competition, teamwork, and unforgettable moments! cheers to all the teams who brought their A-game!
CHAMPION | Team Quatro Defenders
1ST PLACE | Team Mix & Match
2ND PLACE | Team Bini
3RD PLACE | Team Cutiepie
Congratulations to all🏐🫡!