21/09/2025
Mga minamahal na kabarangay San Juan, ako po ay lubos na nasasabik na ibahagi sa inyo ang isang napakahalagang balita! Bilang bahagi ng aking serbisyo at pag tulong sa ating komunidad, ako po ay mamimigay ng mga kagamitan tulad ng Digital Blood Pressure Monitor at Nebulizer para sa mga nangangailangan. Layunin ko po na makapagbigay ng tulong at ginhawa sa ating kapwa at mga kabarangay, lalo na sa mga nangangailangan. Hangad ko po ay kayoโy matulungan ng buong puso at malasakit!
17/09/2025
Pasasalamat ng ating masisipag na nanay para kay Ate Gigi sa paghandog ng tulong sa Daycare Center!
17/09/2025
Tayo po ay muling nakapagbigay ng tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng nebulizer para sa mga nangangailangan. Kasiyahan ko po na kayo ay mapag lingkudan at matulungan.
17/09/2025
Muli, nakapagbigay ng tulong si Ate Gigi sa pag-aayos ng CR ng Daycare San Juan. Sa pamamagitan ng pagdonate ng kagamitan at tiles! Lubos akong natutuwa na tayo ay nakatulong sa mga batang mag-aaral, dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan, makakamit natin ang tunay na pag-unlad ng ating komunidad.
Taos-pusong pasasalamat sa ating mga masisipag na GUARDIANS na tumulong upang maayos ang protektong ito.
02/09/2025
โMga minamahal na kabarangay San Juan,
Nais ko pong i-anunsyo sa inyo ang isang napakahalagang balita! Tayo po ay magkakaloob ng Scholarship Award sa 280 batang mag-aaral ng ating barangay sa ilalim ng programang โIskolar ni Ate Gigiโ. Ito po ay patunay ng ating patuloy na pag sisikap na makapag bigay ng oportunidad sa ating mga kabataan upang sila ay makapag patuloy ng kanilang pag-aaral at makamit ang kanilang mga pangarap.
Sa kasamaang palad, nalate ang post at pag bibigay ng iskolar sa kadahilanan na umabot ng 280 scholars ang mabibigyan. Kami po ay humihingi ng pasensya sa mga estudyanteng nag aantay sa balitang ito.
Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa inyong pag intindi at kooperasyon. Ang mga napiling estudyante ay tatawagan nalang po namin para sa mga detalye. At amin na pong ibibigay ang scholarship award sa September 27,2025. 8:00am in the morning na gaganapin sa aming tanggapan.
Ang tunay na liderato ay hindi nasusukat sa kasarian, kundi sa kakayahan, integridad at dedikasyon sa paglilingkod sa bayan.
10/08/2025
Isang taos pusong pagbati po sa aking minamahal na mga kabarangay San Juan! Muli po kaming nag-ikot sa mga kabahayan upang bumisita sa ating mga kabarangay at makapag-abot ng kaunting tulong at regalo. Ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong mainit na pagtanggap sa akin at sa aking mga kasama. Magingat po ang lahat. God bless us all!
Ang tunay na liderato ay hindi nasusukat sa kasarian, kundi sa kakayahan, integridad at dedikasyon sa paglilngkod sa bayan.
03/08/2025
Sa harap ng Pamunuan ng Fiesta San Jose Esposo De Maria Hermana Mayore's 2025, kami po ay nanunumpa na maglilingkod nang may integridad, dedikasyon, at pagmamahal sa ating simbahan at sa patron na San Jose.
Ang tunay na liderato ay hindi nasusukat sa kasarian, kundi sa kakayahan, integridad at dedikasyon sa paglilingkod sa bayan.
31/07/2025
Day 2 ng Foodpack distribution! Taos-pusong pasasalamat sa inyong mainit na pagtanggap at suporta. Kami po ay patuloy na magsusumikap upang lahat ng kabarangay ay makatanggap ng tulong. Magtutuloy-tuloy po ang aming serbisyo para sa inyo.
Ang tunay na liderato ay hindi nasusukat sa kasarian, kundi sa kakayahan, integridad at dedikasyon sa paglilingkod sa bayan.
30/07/2025
Kami po ay nagsimula na ng pamamahagi ng Foodpacks para sa ating mga kabarangay na naapektuhan ng patuloy na pag ulan at bagyo. Salamat po sa mainit na pagtanggap at suporta. Sa mga hindi po nakatatanggap, patuloy po kaming magsusumikap upang makitiyak na lahat ay mabibigyan ng tulong. Magtutuloy-tuloy po ang aming serbisyo para sa inyo!
Ang tunay na liderato ay hindi nasusukat sa kasarian, kundi sa kakayahan, integridad at dedikasyon sa paglilingkod sa bayan.