18/09/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
QUEZON โ Sa patuloy na pagsusulong ng malasakit at serbisyong pangkomunidad, nagsagawa ang Team Jesus, sa pangunguna ni Dra. Sheila Aranas at mga Servant Team Leaders, ng serye ng medical outreach activities sa Pagbilao at Pitogo, Quezon, noong 16 at 17 September 2026, katuwang ang mga local government units, barangay officials, private organizations, at security personnel mula sa 85th Infantry โSANDIWAโ Battalion, 22nd Cavalry Company, at Philippine National Police.
Noong 16 September 2026, isinagawa ang Medical Outreach Program sa Brgy. Ilayang Pulo, Pagbilao, sa pakikipagtulungan ng Watsons, sa pangunguna ni Lexie Coloma, Senior Manager for Sustainability, Watsons Philippines, kasama ang SM Foundation, Sangguniang Bayan of Pagbilao, at barangay officials. Kabilang sa mga serbisyong ipinagkaloob ang medical consultation, dental extraction, minor surgery, ECG, at laboratory services.
Sinundan ito noong 17 September 2026 ng Medical and Dental Mission sa Brgy. Rizalino, Pitogo, kung saan muling nanguna ang Team Jesus sa paghahatid ng libreng serbisyong pangkalusugan. Sa pakikipag-ugnayan sa barangay officials at suporta ng 85IB at 22nd Cavalry Company, naihatid sa mga residente mula sa Brgys. Sisirin, B**a, at Rizalino ang libreng medical consultation, dental extraction, medicines, at reading glasses.
Bilang bahagi ng community engagement, namahagi rin ng information leaflets hinggil sa West Philippine Sea (WPS) at Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) upang mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga benepisyaryo hinggil sa mahahalagang usapin at programa ng pamahalaan.
Ang dalawang araw na medical outreach ay nagpapakita ng kahalagahan ng whole-of-community approach, kung saan nagsanib-puwersa ang mga pribadong organisasyon, civic groups, local government units, barangay officials, at security forces upang mailapit ang kinakailangang serbisyo sa mga komunidad.
Sa pamamagitan ng Team Jesus at mga katuwang nitong organisasyon, patuloy na naihahatid ang serbisyong pangkalusugan mas malapit sa mamamayanโmay malasakit, pagkakaisa, at tunay na serbisyo sa bayan.
#๐๐๐ฃ๐๐ผ๐๐ฐ๐ฎ๐ป๐ง๐ฅ๐จ๐ฆ๐ง