25/08/2026
𝐂𝐑𝐎𝐏 𝐈𝐍𝐒𝐔𝐑𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐂𝐋𝐀𝐈𝐌 | 𝐈-𝐑𝐄𝐏𝐎𝐑𝐓 𝐀𝐆𝐀𝐃 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐒𝐀𝐋𝐀 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐌𝐈𝐃𝐀𝐃
SAN NARCISO, ZAMBALES — Nagbigay ng assistance ang Municipal Agriculture Office of San Narciso sa mga magsasakang may insured na palay sa pag-report ng crop damage at pag-file ng kanilang crop insurance claims sa ilalim ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).
Pinapayuhan ang mga magsasaka na ihanda ang mga kinakailangang dokumento, kabilang ang malinaw at printed na mga larawan ng nasirang pananim bilang dokumentasyon para sa kanilang claim.
𝑴𝑨𝑯𝑨𝑳𝑨𝑮𝑨𝑵𝑮 𝑷𝑨𝑨𝑳𝑨𝑳𝑨:
1. Ang pinsalang dulot ng natural calamities, gaya ng bagyo, baha, at pagputok ng bulkan, ay kailangang mai-report sa loob ng dalawampung (20) araw mula nang mangyari ang kalamidad.
2. Para naman sa pinsalang dulot ng peste, sakit, at tagtuyot, kinakailangang mai-report ang pinsala nang hindi kukulangin sa sampung (10) araw bago ang pag-ani.
𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙖𝙨𝙖𝙠𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮 𝙞𝙣𝙨𝙪𝙧𝙚𝙙 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙡𝙖𝙮 𝙖𝙩 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙧𝙖𝙣𝙖𝙨 𝙣𝙜 𝙥𝙞𝙣𝙨𝙖𝙡𝙖, 𝙢𝙖𝙖𝙖𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙠𝙞𝙥𝙖𝙜-𝙪𝙜𝙣𝙖𝙮𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙈𝙪𝙣𝙞𝙘𝙞𝙥𝙖𝙡 𝘼𝙜𝙧𝙞𝙘𝙪𝙡𝙩𝙪𝙧𝙚 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙚 𝙤𝙛 𝙎𝙖𝙣 𝙉𝙖𝙧𝙘𝙞𝙨𝙤 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙪𝙠𝙪𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙨𝙨𝙞𝙨𝙩𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙖𝙩 𝙞𝙢𝙥𝙤𝙧𝙢𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙩𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙥𝙧𝙤𝙨𝙚𝙨𝙤 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜-𝙛𝙞𝙡𝙚 𝙣𝙜 𝙘𝙧𝙤𝙥 𝙞𝙣𝙨𝙪𝙧𝙖𝙣𝙘𝙚 𝙘𝙡𝙖𝙞𝙢.