19/08/2026
MAY PASOK
AUGUST 20, 2026 | THURSDAY
𝐂𝐋𝐀𝐒𝐒 𝐑𝐄𝐒𝐔𝐌𝐏𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟐𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐇𝐮𝐰𝐞𝐛𝐞𝐬)
Muling magbabalik ang sigla sa mga paaralan ng San Nicolas matapos ipahayag lokal na pamahalaan batay sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ng Department of Education (DepEd) San Nicolas Districts 1 & 2 na magbabalik na ang klase bukas, Agosto 20, 2026, sa lahat ng antas.
Ayon sa MDRRMO, ligtas na ang kalagayan ng bayan matapos ang mga nakaraang araw ng kanselasyon ng klase dahil sa masamang panahon. Pinagtibay rin ng DepEd San Nicolas Public Schools District Supervisors na sina Dr. Renato D. Umipig ng District 1 at Dr. Imelda S. Lazaro ng District 2 ang rekomendasyon, bilang tanda ng kanilang pangangalaga sa kapakanan ng mga mag-aaral at g**o.
Sa pagbabalik ng klase, inaasahan na ang mga paaralan ay muling magsasagawa ng regular na pagtuturo at mga aktibidad. Pinapayuhan ang mga magulang na ihanda ang kanilang mga anak at tiyakin ang kanilang kaligtasan sa pagpasok at pag-uwi sa pamamagitan ng pagpapabaon sa mga batang mag-aaral ng kapote o payong. Gayundin, hinihikayat ang mga g**o na ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon sa pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon.
Samantala, patuloy na bukás at regular ang operasyon ng mga tanggapan ng pamahalaan sa San Nicolas. Ang mga mamamayan ay maaaring magtungo sa mga tanggapan para sa kanilang mga transaksyon at iba pang kinakailangang serbisyo.
Ang Lokal na Pamahalaan ng San Nicolas sa pangunguna ni Mayor Alicia Primicias-Enriquez, katuwang ang MDRRMO at DepEd, ay nananatiling nakabantay upang masig**o na ang pagbabalik ng klase ay magiging maayos at ligtas para sa lahat.