BIO STA. MARIA, SPC

Call Directions Website Contact the organization

BIO STA. MARIA, SPC This is the official page of the Sangguniang Barangay ng Sta. Maria, San Pablo City, Laguna.

Isang makabuluhang pagdiriwang ng Elderly Week ang isinagawa noong Oktubre 10, 2026, bilang pagkilala at pagbibigay-puga...
14/10/2026

Isang makabuluhang pagdiriwang ng Elderly Week ang isinagawa noong Oktubre 10, 2026, bilang pagkilala at pagbibigay-pugay sa ating mga minamahal na Senior Citizens na patuloy na nagsisilbing inspirasyon at gabay sa ating pamayanan. โค๏ธ

Ang kanilang mga karanasan, karunungan, at mga sakripisyo ay mahalagang bahagi ng ating komunidad. Nawaโ€™y patuloy natin silang bigyang-halaga, alagaan, at iparamdam ang pagmamahal at paggalang na kanilang nararapat matanggap.

Sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay Kap. Gabby Brion, kasama ang Sangguniang Barangay at iba pang mga katuwang, patuloy nating isinusulong ang mga programang nagbibigay-pansin at pagpapahalaga sa ating mga lolo at lola. ๐Ÿฅฐ

Mabuhay ang ating mga senior citizens! ๐Ÿ’œ

๐Ÿ“ข TAYO NA SA BARANGAY ASSEMBLY! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸคAng bawat boses ay mahalaga! ๐Ÿ—ฃ๏ธโค๏ธ Halinaโ€™t makiisa sa ating Barangay Assembly Day โ€“ 2...
06/10/2026

๐Ÿ“ข TAYO NA SA BARANGAY ASSEMBLY! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿค

Ang bawat boses ay mahalaga! ๐Ÿ—ฃ๏ธโค๏ธ Halinaโ€™t makiisa sa ating Barangay Assembly Day โ€“ 2nd Semester CY 2026 at maging bahagi ng isang makabuluhang talakayan para sa mas maunlad, nagkakaisa, at mas matatag na Barangay Sta. Maria. ๐Ÿ˜๏ธโœจ

๐Ÿ“… October 17, 2026
โฐ 9:00 AM
๐Ÿ“ Barangay New Basketball Court

โ€œTayo na sa Barangay Assembly! Nagkakaisang Tinig, Makabuluhang Usapan, at Sama-samang Pagkilos para sa Ating Komunidad.โ€

Ang Barangay Assembly ay mahalagang pagkakataon upang tayo ay magkaisa, makinig, makilahok, at magbahagi ng mga mungkahi para sa patuloy na pag-unlad ng ating barangay.

โค๏ธ Tara, Sta. Maria! Sama-sama nating isulong ang isang malinis, maayos, mapayapa at maunlad na barangay!

Huwag po nating palampasinโ€”Makiisa! Makilahok! Makialam! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿค

01/10/2026

Mapagpalang araw po mga Kabarangay!

MAHALAGANG ANUNSYOโ€ผ๏ธ

Sa darating na Linggo po, October 4, 2026 ay kapistahan po ng ating patron, San Francisco ng Assisi. Wala pong selebrasyon ng Banal na Misa sa ating chapel. (Sta. Maria Chapel) Gayunpaman, ang lahat po ay malugod na inaanyayahan na makiisa sa Banal na Misa na gaganapin sa ating parokya (St. Francis of Asisi Parish Church) sa araw na nabanggit.

Maraming salamat po.

BARANGAY OPLAN SITASEPTEMBER 30, 2026
01/10/2026

BARANGAY OPLAN SITA

SEPTEMBER 30, 2026

๐Ÿ“ข PAALALA SA MGA RESIDENTE NG STA. MARIA (STA MARIA VILLAGE) Magandang araw po, mga kabarangay! ๐Ÿ’กIpinapaalam po na magka...
29/09/2026

๐Ÿ“ข PAALALA SA MGA RESIDENTE NG STA. MARIA
(STA MARIA VILLAGE)
Magandang araw po, mga kabarangay! ๐Ÿ’ก

Ipinapaalam po na magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa STA. MARIA, SAN PABLO CITY, LAGUNA

๐Ÿ“… Setyembre 30, Miyerkules
โฐ 12:00 PM โ€“ 3:00 PM

Ayon sa abiso ng Meralco, ang power interruption ay isasagawa upang bigyang-daan ang pag-aayos ng electrical facilities para sa mas maayos at maaasahang serbisyo.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa. โค๏ธ

Si ๐๐„๐“๐„, Champion ulit! ๐Ÿคฉ๐Ÿ’ช๐ŸฅŠBuong puso ka naming binabati, ๐๐ž๐ง๐ข๐ญ๐ž๐ง๐ญ๐ž โ€œ๐๐ž๐ญ๐žโ€ ๐€๐ฉ๐จ๐ฅ๐ข๐ง๐š๐ซ, sa iyong makasaysayang tagumpay bil...
26/09/2026

Si ๐๐„๐“๐„, Champion ulit! ๐Ÿคฉ๐Ÿ’ช๐ŸฅŠ

Buong puso ka naming binabati, ๐๐ž๐ง๐ข๐ญ๐ž๐ง๐ญ๐ž โ€œ๐๐ž๐ญ๐žโ€ ๐€๐ฉ๐จ๐ฅ๐ข๐ง๐š๐ซ, sa iyong makasaysayang tagumpay bilang ๐–๐๐Ž ๐€๐ฌ๐ข๐š ๐’๐ฎ๐ฉ๐ž๐ซ ๐…๐ž๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ฐ๐ž๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐‚๐ก๐š๐ฆ๐ฉ๐ข๐จ๐ง! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸฅŠ

Talagang ipinagmamalaki ka ng buong Sta. Maria sa iyong natatanging husay at galing sa larangan ng boxing! Nawaโ€™y patuloy kang maging inspirasyon sa bawat kabataan ng Sta. Maria na mangarap, magsikap, at abutin ang kanilang mga pangarap! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโค๏ธ


23/09/2026
Maligayang kaarawan, Konsehala Emie  ๐ŸŽ‰๐ŸฅณSa araw na ito, nais naming iparating ang aming taos-pusong pagbati at pasasalama...
06/09/2026

Maligayang kaarawan, Konsehala Emie ๐ŸŽ‰๐Ÿฅณ

Sa araw na ito, nais naming iparating ang aming taos-pusong pagbati at pasasalamat sa inyong patuloy na paglilingkod. Kayo ay isang tunay na halimbawa ng mabuting taoโ€”mapagkumbaba, maaasahan, at laging may malasakit sa ating mga ka- barangay

Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng magandang kalusugan, lakas ng loob, at mas marami pang pagkakataon upang makapaglingkod. Maraming salamat sa inyong kabutihan at inspirasyon sa amin.

Muli, maligayang kaarawan po sa aming Primera Konsehala Emie Gonzales! ๐ŸŽ‚โค๏ธ

Address

Brgy. Sta. Maria
San Pablo City
4000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BIO STA. MARIA, SPC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to BIO STA. MARIA, SPC:

Shortcuts

Share