BIO Santiago 1 SPC

Directions

BIO Santiago 1 SPC Barangay Information Office of Santiago 1, San Pablo City

NOTICE to Public‼️Brgy. Santiago 1Petsa at Oras: Setyembre 20, 2026, 7 am to 12 pmLugar: Batobalani Road (Harap ng Churc...
18/09/2026

NOTICE to Public‼️

Brgy. Santiago 1

Petsa at Oras: Setyembre 20, 2026, 7 am to 12 pm
Lugar: Batobalani Road (Harap ng Church of Christ)
Para sa: Anibersaryo ng Church of Christ

Ipinagbibigay-alam po sa lahat ng mga residente at sa pangkalahatang publiko na magkakaroon ng pansamantalang pagsasara ng kalsada ng Batobalani Road, partikular sa tapat ng Church of Christ upang bigyan daan ang anibersaryo ng Church of Christ sa ika-20 ng Setyembre, 2026, ganap na ika-7 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali.

Pinapayuhan ang lahat na dumaan sa alternatibong ruta sa Batobalani Subdivision.

Maraming Salamat po.

BARANGAY HEALTH CARAVAN Inaanyayahan po ang lahat ng ating kabarangay na dumalo sa isasagawang BARANGAY HEALTH CARAVAN s...
16/09/2026

BARANGAY HEALTH CARAVAN

Inaanyayahan po ang lahat ng ating kabarangay na dumalo sa isasagawang BARANGAY HEALTH CARAVAN sa September 27, 2026, 9:00 AM sa Pamana Hall, Brgy. 5-A, San Pablo City, Laguna handog ng atinf butihing Acting Vice-Mayor Barbie Diaz.

Narito ang mga serbisyong pangjalusugan:
🔸 Medical Mission: Free General Check-Up, Free Vitamins & Medicines, Free Blood Sugar Testing
🔸 Eye Mission: Free Eye Check-Up, Free Cataract Screening, Free Eyedrops & Glasses
🔸 Assessment on Hernia, Hydrocele, Undescended Te**is, Lipoma, Cyst, Sebaceous Cyst, Cleft Lip & Palate, Clib Foot
🔸 Assessment on Endoscopy & Colonoscopy

Brgy. Santiago 1Setyembre 16, 2026Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Setyembre 16, 2026, ang Initial Inventory of Bar...
16/09/2026

Brgy. Santiago 1
Setyembre 16, 2026

Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Setyembre 16, 2026, ang Initial Inventory of Barangay Properties, Financial Records and Documents ng Barangay Santiago 1, na pinangunahan ng DILG, sa pamamagitan ni MLGOO Maria Alma Barrientos, kasama ang kanyang mga kawani at ang mga kinatawan ng City Accounting Office.

Kasama rin sa isinagawang inventory ang Sangguniang Kabataan ng Santiago 1.

Lubos ang pasasalamat ng Sangguniang Barangay, sa pangunguna ni Punong Barangay Arlene D. Reyes sa lahat ng mga opisyal at kawani na naglaan ng kanilang oras at panahon upang matiyak na maayos ang mga records at domumento ng barangay.

PABATID SA LAHAT!Para po sa ating mga kabarangay. Ilabas lamang po ang mga basura tuwing araw ng koleksyon upang hindi p...
10/09/2026

PABATID SA LAHAT!

Para po sa ating mga kabarangay.
Ilabas lamang po ang mga basura tuwing araw ng koleksyon upang hindi po ikalat ng mga aso.
Ipopost po dito sa page ang schedule kung kailan po may hakot ng basura.
Maraming Salamat po

SANTIAGO 1OPLAN SITAAugust 27, 2026Patuloy ang regular na pagsasagawa ng Oplan Sita at pagronda sa buong barangay upang ...
28/08/2026

SANTIAGO 1
OPLAN SITA
August 27, 2026

Patuloy ang regular na pagsasagawa ng Oplan Sita at pagronda sa buong barangay upang matiyak ang katahimikan at kaayusan sa ating barangay.

Hinihikayat ang mga magulang na gabayan ang mga bata at sumunod sa curfew hours.

Gayundin, pinapaalalahanan na ang lahat ay maging mapat-matyag at alerto sa anumang kahina-hinalang kaganapan sa paligid

Isang paalala mula sa Sangguniang Barangay na mag-ingat at sama-sama nating itaguyod ang kaayusan sa ating pamayanan.

📢 PABATID PARA SA MGA RESIDENTE NG BRGY. SANTIAGO 1Agosto 28, 2026 (Biyernes) Para sa mga katanungan at iba pang concern...
27/08/2026

📢 PABATID PARA SA MGA RESIDENTE NG BRGY. SANTIAGO 1

Agosto 28, 2026 (Biyernes)
Para sa mga katanungan at iba pang concerns, maaari po kayong makipag-ugnayan sa SPCWD:
📞 (049) 562-9955
📘 Facebook: San Pablo City Water District
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikipagtulungan!

Brgy. Santiago 1August 26, 2026Republic Act No. 9165Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002"SAY NO TO DRUGS"Say no to ...
26/08/2026

Brgy. Santiago 1
August 26, 2026

Republic Act No. 9165
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

"SAY NO TO DRUGS"
Say no to drugs and yes to a healthier brighter future.
Drugs ruin your life.

Barangay Intensified Campaign against Illegal Drugs.

Patuloy na paghingi ng tulong sa mga kabarangay sa pagsugpo sa paggamit at pagbebenta ng pinagbabawal na gamot.

For more information, contact:
Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC)
Page: BIO Santiago 1 SPC
Account: Bio Santiago Uno SPC
Tel. No.: (049) 539-4776

BarKaDa (Barangay Kalinisan Day)Weekly Clean Up Drive August 23, 2026Nagsagawa ng Weekly Clean Up Drive ang buong Sanggu...
24/08/2026

BarKaDa (Barangay Kalinisan Day)
Weekly Clean Up Drive
August 23, 2026

Nagsagawa ng Weekly Clean Up Drive ang buong Sanggunian Barangay ng Santiago 1, sa pangunguna ng ating Punong Barangay Arlene D. Reyes, katuwang ang Kagawad, Sk Officials, mga BPSO at mga Volunteers sa Purok 5 Area upang mapanatili ang kalinisan ng Barangay. Pinagtuunan ng pansin ang pagtatabas ng damo sa gilid ng kalsada at pagtatanggal ng mga nakaharang sa kuryente at poste.

Lubos ang pasasalamat ng Sangguniang Barangay sa mga nakiisa at sa mga volunteers na tumulong sa paglilinis ng ating kapaligiran.

Patuloy po nating hinihiling ang pakikiisa ng ating mga ka-barangay sa ating Weekly Clean Up Drive.

Gayundin, patuloy ang ating panawagan na panatilihin ang kalinisan sa ating barangay lalo na sa ating mga tapat.

Welcome po ang volunteers!

21/08/2026
‼️LOST & FOUND‼️Ito po ay pagmamay-ari ng isa po nating kabarangay. Nawala po ang kanyang mountain bike kanina lang pong...
21/08/2026

‼️LOST & FOUND‼️

Ito po ay pagmamay-ari ng isa po nating kabarangay. Nawala po ang kanyang mountain bike kanina lang pong umaga. Kulay itim po na may p**a sa body ng bike.

Kung sakali po na may nakakita sa mountain bike na ito ay mangyari lang po na makipag ugnayan sa tanggapan ng Santiago 1 o mag message po dito sa ating page.

Salamat po.

Address

Santiago 1
San Pablo City
4000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BIO Santiago 1 SPC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share