NFA Laguna

Directions Website

NFA Laguna Welcome to the official page of NFA Laguna Branch Office

Ang tanggapan ng National Food Authority ay patuloy na bumibili ng palay mula sa ating mga lokal na magsasaka. Bukas ang...
08/09/2026

Ang tanggapan ng National Food Authority ay patuloy na bumibili ng palay mula sa ating mga lokal na magsasaka.
Bukas ang aming tanggapan mula ๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐ž๐ฌ..
Epektibo ngayong linggo, ang presyo ng tuyo at malinis na palay ay โ‚ฑ ๐Ÿ๐Ÿ“.๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ค๐š๐๐š ๐ค๐ข๐ฅ๐จ.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa aming programa, maaari po kayong makipag-ugnayan o tumawag sa mga sumusunod na numero:
โ€ข 0954-421-0357
โ€ข (049) 562-3161
Maraming salamat po.

Dumalo ang kinatawan ng NFA Laguna Branch Office sa Municipal Agriculture and Fisheries Council Meeting ng LGU Polillo n...
02/09/2026

Dumalo ang kinatawan ng NFA Laguna Branch Office sa Municipal Agriculture and Fisheries Council Meeting ng LGU Polillo noong Agosto 27, 2026.

Tinalakay sa pagpupulong ang mahahalagang usapin at programa para sa sektor ng agrikultura, katuwang ang mga farmer leaders, stakeholders at mga lokal na pamahalaan.

Sa pamamagitan ng pagdalo sa mga ganitong pagpupulong, ipinapakita ng NFA ang patuloy nitong pakikiisa at pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan, magsasaka, at iba pang stakeholders upang mapalakas ang sektor ng agrikultura at maisulong ang kapakanan ng mga magsasaka sa komunidad.


27/08/2026

๐๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ง๐  ๐๐ข๐ ๐š๐ฌ, ๐Œ๐ž๐ซ๐จ๐ง ๐ง๐š! ๐’๐š ๐’๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐จ๐š๐ง.


๐๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ง๐  ๐๐ข๐ ๐š๐ฌ, ๐Œ๐ž๐ซ๐จ๐ง ๐ง๐š! ๐ฌ๐š ๐’๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐จ๐š๐งNgayong araw, matagumpay na inilunsad sa bayan ng Siniloan ang programang โ€œBenteng B...
26/08/2026

๐๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ง๐  ๐๐ข๐ ๐š๐ฌ, ๐Œ๐ž๐ซ๐จ๐ง ๐ง๐š! ๐ฌ๐š ๐’๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐จ๐š๐ง

Ngayong araw, matagumpay na inilunsad sa bayan ng Siniloan ang programang โ€œBenteng Bigas, Meron na!โ€ sa pakikipagtulungan ng Food Terminal Inc., Department of Agriculture, NFA Laguna, at Lokal na Pamahalaan ng Siniloan.

Dumalo sa nasabing aktibidad ang kinatawan ng NFA Laguna upang suportahan ang programa na naglalayong maghatid ng abot-kaya at de-kalidad na bigas sa mga mamamayan.

Marami ang nakiisa at nakinabang sa naturang programa, na patunay ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.


Pormal nang nanungkulan ang bagong talagang Assistant Branch Manager ng NFA Laguna Branch na si Jose M. Aguda, noong Ago...
26/08/2026

Pormal nang nanungkulan ang bagong talagang Assistant Branch Manager ng NFA Laguna Branch na si Jose M. Aguda, noong Agosto 25, 2026.

Sa kanyang pag-upo sa bagong tungkulin, kaakibat nito ang malaking responsibilidad na patuloy na mapanatili ang mahusay, maayos, tapat, at makabuluhang paglilingkod sa publiko. Inaasahang magiging inspirasyon ang kanyang dedikasyon, kakayahan, at pamumuno sa pagtupad sa mga tungkulin at responsibilidad na nakaatang sa kanyang posisyon.

Buong puso namang ipinakita ng mga empleyado ng NFA Laguna ang kanilang mainit na pagtanggap at buong suporta sa bagong talagang Assistant Branch Manager na si Jose M. Aguda.


NFA REGION IV, NAGSAGAWA NG TURNOVER CEREMONY NG SUSI NA SIMBOLO NG KATUNGKULAN NG MGA OPISYAL.Ginanap kahapon, Agosto 2...
26/08/2026

NFA REGION IV, NAGSAGAWA NG TURNOVER CEREMONY NG SUSI NA SIMBOLO NG KATUNGKULAN NG MGA OPISYAL.

Ginanap kahapon, Agosto 24, 2026, ang opisyal na Turnover Ceremony ng Symbolic Key of Responsibility para sa NFA Region IV. Inilipat ni outgoing Assistant Regional Manager (ARM) Charles G. Alingod ang pamumuno kay ARM Herrielle V. Jumagbas, ang bagong itinalagang ARM ng rehiyon. Ang nasabing susi ay simbolo ng katungkulan, pananagutan, at patuloy na kahusayan sa pamamahala bilang Assistant Regional Manager sa buong rehiyon at mga sangay nito.

Dumating ngayong Linggo,  ganap na 9:51 ng umaga, si Assistant Regional Manager Herrielle  "Yeng" V. Jumagbas sa NFA Reg...
24/08/2026

Dumating ngayong Linggo, ganap na 9:51 ng umaga, si Assistant Regional Manager Herrielle "Yeng" V. Jumagbas sa NFA Regional Office IV bilang paghahanda sa opisyal na pag-assume sa tungkulin bukas, August 24, 2026. Kasama nya si dating Regional Director Bobot Alojado, Jr. at ang kanyang maybahay na lubos na ikinatuwa ng buong tanggapan.
Masayang sinalubong ang kanyang pagdating ni Regional Manager Beverly M. Navarro kasama ang ilang kawani ng Regional Office at Batangas Branch.
Isang mainit na pagbati at maligayang pagdating kay ARM Yeng sa Rehiyon ng Timog Katagalugan!

Address

Barangay San Ignacio
San Pablo City
4000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when NFA Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share