20/10/2026
🌾💚 SAN PABLO’S AGRICULTURE TEAM |
DRY SEASON!
OCTOBER 20, 2026 💚🌾
Serbisyong MIRO, patuloy ang suporta sa ating mga magsasaka! 🌱🤝
Sa pangunguna ng Municipal Agriculture Office, sa pamumuno nina Engr. Nestor Guiquing at Maricris Tuliao, matagumpay na isinagawa ang pamamahagi ng hybrid seeds at fertilizers mula sa DA Regional Field Office No. 02 upang makatulong sa ating mga magsasaka sa paghahanda para sa darating na wet cropping season.
Dinaluhan din ang aktibidad ni Area Monitor Jomari Duria ng DA-CVRC, na nagpapatibay sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya para sa kapakanan ng ating agricultural sector. 🌾
Sa ilalim ng pamumuno nina Mayor Anjo Miro, Vice Mayor Jojo Miro, at Municipal Administrator Joko Miro, patuloy ang pagsisikap ng LGU San Pablo na suportahan ang ating mga magsasaka, palakasin ang produksyon ng agrikultura, at isulong ang food security sa ating bayan.
Dahil ang bawat binhing naitatanim ay pag-asa para sa masaganang ani, mas matatag na kabuhayan, at mas maunlad na San Pablo! 💚🌱
Mabuhay ang ating mga magsasaka! Mabuhay ang Serbisyong MIRO! ☝️🫶
Serbisyong NuMIRO Uno! ☝️💚