12/04/2022
SERBISYONG PANGKALUSUGAN
Magkakaroon po tayo ng TATLONG ARAW (3) na HOUSE-TO-HOUSE COVID-19 VACCINATION para sa WALA PANG BAKUNA at nangangailangan ng BOOSTER SHOT para sa mga edad 18 pataas.
Narito po ang mga sumusunod na schedule:
APRIL 20 - Purok 5 & 6
APRIL 21 - Purok 1, 3 & 4
APRIL 22 - Purok 2 & Villages
Para sa mga katanungan, magtungo lamang po sa ating Barangay Health Center.
Maraming Salamat po.
12/04/2022
Magandang araw po.
Magkakaroon po muli tayo ng MOBILE REGISTRATION ng mga WALA PANG BIRTH CERTIFICATE, NO RECORD gayundin ang mga bagong ipinanganak. Ito ay sa tulong ng LOCAL CIVIL REGISTRY OFFICE ng City of San Pedro na tutulungan na din irehistro sa PSA ang mga Birth Certificate ng LIBRE.
๐ Ihanda po ang alinman sa requirements bilang katibayan sa LATE REGISTRATION/ NO RECORD
๐Magbibigay po tayo ng form (CERTIFICATE OF LIVE BIRTH) sa darating na April 12, 2022, 1:00pm sa Barangay Hall, 2nd Floor hanggang April 25, 2022.
๐April 27, 2022 (Miyerkules), ang Local Civil Registrar Office po ang maga-assess ng inyong mga papel. Ito po ay sa Purok 2 Covered Court, 8:00am.
Maraming Salamat po!
Para sa mga katanungan tumawag lang po sa City Registrar: 88082020 loc 108
12/04/2022
Magandang San Pedro po!
Ang City Agriculture Office po ay mayroon pang Walumpu't Apat (84) na Grower's Starter Kits na natitira ngayong araw.
Maaari pa pong kayong magsadya sa aming tanggapan upang makahingi ng Isang (1) Starter Kit kada tao.
Magdala lamang po ng mga sumusunod:
1. Valid ID
2. Ecobag
Maraming Salamat po at Magandang San Pedro po!
06/04/2022
BARANGAY COMPLIANCE
Naganap kanina, April 6, 2022 ang DILG Assessment ng mga Barangay Based Institution (BBI) Functionality Audit para sa taong 2021.
๐ Barangay Development Council (BDC)
๐ Barangay Peace and Order Council (BPOC)
๐ Barangay Anti-Drugs Abuse Council (BADAC)
๐ Barangay Council for the Protection of Children (BCPC)
๐ Violence Againts Women and Children (VAWC)
๐ Katarungan Pambarangay (KP)
Isinasagawa ang Functionality Audit para masukat ang kakayahan ng bawat barangay sa pagbibigay ng epektibong serbisyo at upang mapabuti pa lalo ang mga programa at proyekto sa ating komunidad.
Ang BBI Assessment ay pinamunuan ng ating Punong Barangay Vioquelin B. Pascual Jr., Sanggunian Barangay, Lupong Tagapamayapa at mga kawani ng Barangay.
Maraming Salamat po sa ating DILG ng City of San Pedro Maโam Lenie Baustista, Ms. Jnysz Montejo at mga kawani ng DILG.
06/04/2022
PABATID PUBLIKO!!!
Malugod pong ipinapaalam ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamamagitan ng City Health Office na ang PUP San Pedro Campus Vaccination Site ay hanggang Abril 13, 2022 na lamang.
Ito ay ililipat sa RHU 2 sa Brgy. Langgam.
Ang vaccination site na ito ay bukas lamang sa araw ng Lunes at Byernes na uumpisahan sa Abril 18, 2022.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa!
PABATID PUBLIKO!!!
Malugod pong ipinapaalam ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamamagitan ng City Health Office na ang PUP San Pedro Campus Vaccination Site ay hanggang Abril 13, 2022 na lamang.
Ito ay ililipat sa RHU 2 sa Brgy. Langgam.
Ang vaccination site na ito ay bukas lamang sa araw ng Lunes at Byernes na uumpisahan sa Abril 18, 2022.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa!
06/04/2022
Magandang San Pedro po!
Simula sa Lunes, Abril 11, 2022, ang City Agriculture Office ay magkakaloob ng Grower's Starter Kits sa mga mamamayan ng ating lungsod.
Maaari lamang po na magsadya sa aming tanggapan sa Basement Level ng ating City Hall at magdala lamang po ng inyong ID at Eco-bag.
PAALALA: Hanggang Isandaan at Tatlumpung-limang (135) indibidwal lamang ang maaring mabigyan ng Grower's Starter Kits.
Maraming Salamat po!
06/04/2022
ANUNSYO MULA SA SAN PEDRO WATER DISTRICT:
Magkakaroon po LEAK DETECTION ang Prime Water, April 6, 2022 mamayang 7:00 pm - 12:00am sa Barangay Magsaysay.
31/03/2022
TINGNAN | Narito ang latest alert level classifications sa rehiyong Calabarzon simula bukas Abril 1 hanggang 15, 2022 batay sa napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force (IATF), ayon kay PCOO Secretary and Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar.