BRIGADA ESKWELA 2026 ✨
Sa pamamagitan ng bayanihan, pagtutulungan, at malasakit, naging handa at mas ligtas ang ating paaralan para sa pagbubukas ng klase. Maraming salamat sa lahat ng mga g**o, magulang, mag-aaral, volunteers, at stakeholders na naglaan ng oras at lakas para sa tagumpay ng Brigada Eskwela 2026. Kapalit ng pagod at biyayang inyong ipinagkaloob ay ang masaya at hindi malilimutang karanasan, bagong usbong ng pagkakaibigan.
Sa bawat mag-aaral ng San Antonio ES, kami po ay handa na sa inyong pagdating.
💙 Sama-sama para sa mas maayos at mas maliwanag na kinabukasan ng ating mga mag-aaral!
DepEd Tayo San Antonio ES - Laguna
It is Public schools that serves the public so please respect our fb page.
03/06/2026
SUMMER ARAL PROGRAM Closing and Culminating Activity✨
June 2, 2026
03/06/2026
Sa pagtatapos ng Summer Aral Program, taos-puso ang aming pasasalamat sa mga sponsors na nagbigay ng ngiti at dagdag motibasyon sa mga mag-aaral na pumasok araw-araw. Sa huling linggo ng summer aral program, nagpapasalamat po kami sa masarap na pagkaing hatid para sa ating mga mag-aaral mula kay Kagawad Don Don Mercado at sa kanyang butihing asawa.
Ang inyong kabutihang-loob at walang sawang suporta ay naging malaking bahagi ng tagumpay ng Summer ARAL Program. Dahil sa inyong mga handog, naging mas masaya, makabuluhan, at inspiradong matuto ang aming mga mag-aaral sa bawat araw ng kanilang paglahok.
Hindi lamang ninyo natugunan ang kanilang mga pangangailangan, kundi naipadama rin ninyo ang malasakit, pagmamahal, at pagkakaisa ng komunidad para sa edukasyon ng mga bata.
God bless and nawa’y patuloy tayong magtulungan para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral!
31/05/2026
Lubos ang aming pagpapasalamat sa ating mga sponsors para sa ikaapat na linggo ng Summer ARAL Program — kina Hon. Lon Lon Ambayec at sa kanyang butihing asawa, Gng. Maida Minette Ambayec at Gento Friends — sa inyong walang sawang suporta, kabutihang-loob, at pagmamalasakit sa ating mga mag-aaral.
Ang inyong tulong ay naging malaking bahagi upang maging mas masaya, makabuluhan, at matagumpay ang ating programa. Tunay na napakalaking biyaya ng inyong pagbabahagi para sa ating mga kabataan.❤️
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa mga batang mag-aaral ng ating paaralan na kalahok sa Summer Aral Program.📚📖
31/05/2026
In support to the Department of Education’s (DepEd) effort to improve literacy outcomes of young learners, San Antonio Elementary School conducted a three-day activity entitled -School-Level Capacity Building on Integrated Literacy Education (ILE) for Kindergarten and Key Stage (KS1) Teachers dated on May 26-28, 2026. The training brought together teachers from Kindergarten and Grades 1 to 3 to deepen their understanding and application of the Integrated Learning Experience (ILE) framework.
The first day of the activity dated on May 26, 2026, highlights the foundational concepts, principles, and frameworks that support the implementation of the Integrated Learning Experience (ILE) to the KS1 level.
On the second day, May 27, 2026, the activity focus on enhancing teachers’ understanding of 21st-century competencies, effective pedagogical approaches, and the practical implementation of the Integrated Literacy Education Framework.
Meanwhile, the last day of the activity dated May 28, 2026, accents on the Integrated Learning Experience (ILE) package materials. Various components of the ILE package, which included lesson exemplars, learning resources, activity sheets, assessment tools and teacher support materials that support integrated literacy instruction are presented to the teacher participants.
The activity provided teachers with valuable opportunities to gain knowledge, insights, and practical experiences that will support the effective implementation of the Integrated Learning Experience (ILE) Framework in addressing the diverse learning needs of young learners. It concluded with the awarding of certificates to all teacher-participants in recognition of their active participation, dedication, and commitment throughout the three-day activity and recognition to the resource speakers who shared insights and expertise all throughout the three-day activity.
RESOURCE SPEAKERS:
Nadine M. Tolentino
Merian G. Gomez
Kimberly Joy D. Bidar
Almera P. Condes
Marisol O. Maniscan
Maribeth M. Coladilla
29/05/2026
📢 LIBRENG GUPIT, MANICURE AT PEDICURE! 💇♂️💅
Inaanyayahan po ang lahat sa libreng serbisyo ng:
✂️ Gupit
💅 Manicure
🦶 Pedicure
📅 June 1, 2026 (Lunes)
⏰ 8:00 AM – 12:00 NN
🎉 Sponsored by San Pedro City Polytechnic College (SPCPC)
At sa araw ng Huwebes ay mayroong libreng serbisyo ng
✂️ Gupit lamang
📅 June 4, 2026 (Huwebes)
⏰ 8:00 AM – 1:00 PM
✂️ Haircut only
🎉 Sponsored by Aguilar Cares
📍 San Antonio Elementary School
⚡ First Come, First Serve!
Tara na at magpaganda at magpagupit nang libre! Kita-kits po tayo! 😊
28/05/2026
📢✨ Sama-sama para sa mas maayos at mas ligtas na paaralan! ✨📢
Ang Department of Education – San Antonio Elementary School ay buong pusong nakikiisa sa Brigada Eskwela 2026 na may temang:
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman”
📅 June 1–5, 2026
Inaanyayahan namin ang mga magulang, alumni, stakeholders, volunteers, at buong komunidad na makibahagi sa paglilinis, pagkukumpuni, at paghahanda ng ating paaralan para sa ligtas at maayos na pagbubukas ng klase.
Sa pagtutulungan at bayanihan, mas mapagtitibay natin ang magandang kinabukasan ng bawat batang mag-aaral. 💙💛
📍 San Antonio Elementary School
Zamora St., San Antonio, San Pedro, Laguna
23/05/2026
Sa pagpapatuloy ng ikatlong linggo ng Summer ARAL Program, lubos ang aming pasasalamat sa kabutihang-loob at buong pusong suporta nina Hon. Jerome Ambayec, Hon. Albert Fojas at Gng. Jerusha Danielle Lazada.
Maraming salamat sa pag-abot ng tulong sa pamamagitan ng masasarap na mga pagkain para sa mga batang kasali sa Summer ARAL Program. Nawa’y patuloy po kayong pagpalain sa inyong kabutihan at malasakit😇📚🩷
23/05/2026
Taos-puso pagpapasalamat kina Gng. Edelweiss Aguilar-Pajaro, sa Kids Strong Foundation, at sa Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay San Antonio sa kanilang walang sawang suporta at kabutihang-loob para sa ikalawang linggo ng ating Summer ARAL Program. Dahil sa inyong mga donasyon, tulong, at malasakit, naging mas masaya, makabuluhan, at puno ng pagkatuto ang karanasan ng ating mga mag-aaral. Naisagawa din ang home visitation sa ating mga mag-aaral at ito ay dahil sa suportang ibinigay ng ating barangay kasama ang mga masisipag na Sangguniang Kabataan ng San Antonio.
Maraming salamat sa pagiging kabahagi sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan ng bawat batang kalahok sa Summer ARAL Program.📚🩷
22/05/2026
Taos-pusong pasasalamat sa bumubuo ng Kids Strong Foundation lalong-lalo na kina Olivia at Christiane Harsh sa tulong at kabutihang loob sa pagbibigay ng school supplies at pagkain para sa mga mag-aaral na kabilang sa Summer ARAL Program ng San Antonio Elementary School.
Ito ay tunay na nagbigay ng saya at ngiti sa mga bata at mga magulang sapagkat ito ay malaking tulong sa kanilang pag-aaral ngayong darating na pasukan.
Ang inyong suporta ay hindi lamang nakapagbigay ng saya sa mga bata kundi naging inspirasyon din upang lalo silang magsikap sa pag-aaral.
Muli, mula sa SAES family, maraming salamat sa inyong malasakit at walang sawang pagsuporta sa edukasyon ng kabataan! ❤️
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Website
Address
San Pedro
4023
