14/04/2023
[A] HOLIDAY ADVISORY!!!
Idineklara ng Pangulo ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Proclamation No. 201 (Series of 2023), na REGULAR HOLIDAY ang Biyernes, ika-21 ng Abril 2023 bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr o pagtatapos ng Banal na Buwan ng Ramadan.
12/04/2023
Dahil sa banta ng Tropical Depression , narito po ang mga emergency hotlines ng ating Lungsod:
OFFICE OF THE CITY MAYOR
(02) 8808-2020 local 401
CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT OFFICE
(02) 8403-2648
0998 594 1743
SAN PEDRO CITY POLICE STATION
(02) 8567-3381 or 8641-1548
0998 598 5639 or 0998 953 0352
CITY OF SAN PEDRO LAGUNA-BUREAU OF FIRE PROTECTION
(02) 8808-0617
0936 470 2158
CITY FIRE AUXILIARY UNIT
(02) 8868-6464
JOSE L. AMANTE EMERGENCY HOSPITAL
(02) 8868-5284
GAVINO ALVAREZ LYING-IN CLINIC
(02) 8519-0249 or 8478-6270
MERALCO
16211
ONE HOSPITAL COMMAND CENTER (OHCC)
09561440211
09987088721
Mananatiling nakaantabay ang mga kawani ng ating Pamahalaang Lungsod kaugnay ng disaster at emergency response.
Pinapaalalahanan ang lahat na maging alerto at mag-ingat sa lahat ng oras. Lungsod ng San Pedro, !
12/04/2023
Advisory mula kay Gov. Ramil L. Hernandez.
| Batay sa latest forecast ng DOST-PAGASA nakataas pa rin ang TCWS No. 1 sa ilang bahagi ng Laguna.
Dahil sa inaasahang sama ng panahon dala ng tropical depression, SUSPENDIDO ANG KLASE (in person at online) sa LAHAT NG ANTAS sa HUWEBES, APRIL 13, 2023, sa PAMPUBLIKO at PRIBADONG PAARALAN sa BUONG LALAWIGAN NG LAGUNA.
Manatili tayong alerto at patuloy na mag-ingat!
10/04/2023
[A] Ang Pamahalaang Barangay ng Riverside ay nakikiisa sa buong bayan sa paggunita ng Araw ng Kagitingan.
Ang paggunita ng Araw ng Kagitingan ngayong taon ay may temang "Kagitingan ng mga Beterano, Pundasyon ng Nagkakaisang Pilipino."
08/04/2023
"Alam nating si Cristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan."
-Mga Taga-Roma 6:9
Maligayang Pasko ng Muling Pagkabuhay sa lahat!
08/04/2023
“I remain confident of this: I will see the goodness of the Lord in the land of the living. Wait for the Lord; be strong and take heart and wait for the Lord.”
-Psalm 27:13-14
Have a solemn and meaningful Black Saturday!
07/04/2023
"Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa."
-Mga Taga-Roma 5:8
Have a meaningful observance of Good Friday!
06/04/2023
“Isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo."
-Juan 13:34
Have a meaningful observance of Maundy Thursday!
05/04/2023
[A] Kasalukuyang isinasagawa ang Pabasa ng Pasyong Mahal bilang pakikiisa ng Pamahalaang Barangay sa paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
Sa mga nais makibahagi at makilahok ay magtungo lamang sa ating Barangay Hall.
04/04/2023
Update: Ang Pabasa ng Pasyong Mahal sa ating Barangay Hall ay magsisimula bukas ng ika-3:00 ng hapon. Maraming salamat po.
[A] Bilang pakikiisa ng ating Pamahalaang Barangay sa paggunita ng Semana Santa ay magkakaroon tayo ng Pabasa ng Pasyong Mahal. Ito ay gaganapin sa Miyerkules Santo sa ating Barangay Hall at magsisimula ng ika-3:00 ng hapon.
Ang lahat ay inaanyayahang makibahagi at makilahok.
03/04/2023
[A] Bilang pakikiisa ng ating Pamahalaang Barangay sa paggunita ng Semana Santa ay magkakaroon tayo ng Pabasa ng Pasyong Mahal. Ito ay gaganapin sa Miyerkules Santo sa ating Barangay Hall at magsisimula ng ika-3:00 ng hapon.
Ang lahat ay inaanyayahang makibahagi at makilahok.