31/05/2026
TINGNAN I SCHOLAR APPLICANTS
Ngayong araw ng linggo (May 31,2026) nag sagawa ng orientation,examination at interview ang mga nag apply para sa Bagong Pilipinas Scholar. Ito at personal na pinasinayaan ni Kap Tracy Legaspi Bedico . Meron tayong 11 na estudayante na nag apply para sa nasabing scholarship program. Ang scholarship na ito ay galing sa pondo ng Presidential Assistance to Barangays under socio-civic projects funds (SCPF).
31/05/2026
TINGNAN l LITTLE SAMPAGUITA AMBASSADOR
Sa nakaraang LITTLE SAMPAGUITA AMBASSADOR noong May 27,2026 na ginanap sa SM Center San Pedro nasungkit ni Miss Nica Denize G. Roja ang 1st Runner UP.
Ang buong Barangay Poblacion at ang pamunuan na ito sa pangunguna ni Kap Tracy Bedico ay kinikilala at pinagmamalaki ang iyong angking galing at ganda,Congratulations Nica!
💚☝
30/05/2026
ULAT l WEEKLY CLEAN UP DRIVE
Ang ating barangay weekly clean up drive ngayong araw, kasama ang mga kawani ng barangay ay isinagawa sa kahabaan ng Bangkusay, Olivarez St. at Luna Extension. Ito ay tuwing sabado ng umaga at isinasagawa din sa ibang parte ng ating barangay.
Muli, ang pamunuan na ito ay hinihikayat ang ating mga residente na makipagtulungan sa ating barangay ,sa pamamagitan ng "Tapat mo, Linis mo!' upang mapanatiling malinis ang ating barangay.
28/05/2026
TINGNAN l STREET LIGHTS
Kasalukuyan inaayos na ang mga sirang street lights sa kahabaan ng Luna St., Ramirez St. At Luna. Extension. Ang pagpapaayos ng street lights ay napakahalaga bilang bahagi ng peace and order.
Ang pamunuan na ito sa pangunguna ni Kap Tracy Legaspi Bedico ay nagpalasalamat sa sa San Pedro City Engineering Office sa agaran pagtugon sa pag sasaayos ng Street Lights.
27/05/2026
Barangay Poblacion Hawak natin ang Beat! Pa share and like. Wag po heart.
1.Buksan ang page ni Cong Ann Matibag
2.iLike ang picture ng Brgy. Poblacion Zumba Group
27/05/2026
ANUNSYO I Bagong Pilipinas Barangay Scholar
(Update May 29,2026)
Tatanggapin po ang 3rd Year College (2nd Sem) certificate of enrollment.
Ang Pamunuan na ito ay naghahanap ng INCOMING 4TH YEAR COLLEGE STUDENTS para mabigyan ng scholarship. Ang pondo ay galing sa Presidential Assistance to Barangays Under the Socio-Civic Project Fund (SCPF). Ang mga qualified students ay maaring mag submit ng mga requirements sa ating barangay sa May 28-29,2026 mula 8AM to 5PM.
Frequently Asked Questions (FAQ)
1.Ano ang mga requirements?
-Registration Form (4th Year College)Certified True Copy
-Xerox of Grades
-Xerox of Barangay ID (Parent/s)
-Xerox of School Id (Student)
2.Bakit 4th year College lang?
Ang guidelines sa pagpili ng studyante ay alinsunod sa binigay ng guidelines ng SCPF. Kapag walang sapat na bilang na nag submit tsaka po pwedeng kumuha sa ibang grade level.
3.Saan ipapasa ang requirements?
-Maaring dalhin sa OFFICE OF THE BARANGAY SECRETARY sa Brgy. Poblacion Hall.
4.Kailan makukuha ang Scholarship?
kapag tapos na ang pasahan.Sasailalim sa examination at interview ang qualified students.
25/05/2026
SURVEY l FREE INTERNET
"Tanong lang po sa mga estudyante ng Barangay Poblacion, Pabor ba kayo kung lalagyan namin ng libreng internet ang Barangay Hall?Ito ay pwede nyo gamitin sa pag aaral at research lalo na parating na ang pasukan"
-Kap Tracy Bedico at Sangguniang Barangay
Click lang
❤-Pabor
👍-Ibang proyekto na lang
😡-Tambay is life
25/05/2026
ANUNSYO I OPERATION MANHOOD
Ang libreng tuli ay gaganapin sa May 26-27,2026 sa Brgy. Poblacion Hall.
PAALALA!
-Ito ay para sa mga nakapagpalista at dumaan sa physical examination ng ating(BHW) Barangay Health Worker.
-Intayin ang tawag at text ng ating BHW bago pumunta sa barangay.
-Siguraduhin na may kasamang magulang/guardian ang bata sa araw ng tuli.
-Ang bata ay dapat bagong ligo sa araw ng kanyang schedule.
-Hindi po tatanggpin ang WALK IN.
-Siguraduhin na nakakain ang bata.
24/05/2026
Noong May 9,2026 ,tayo ay naimbitahan sa isang mahalagang yugto sa buhay ni Miguela "Lola Elang" De Borja Medina. Sya ay nag diwang ng 100th birthday. Kasama si Mayor Art Mercado at Kap Tracy Legaspi Bedico ay binigyan natin ng pagkilala ang natatanging kontribusyon ni Lola Elang sa ating komunidad at lalo na sa kanyang pinakitang pagmamahal sa kanyang pamilya.
Ang pamunuan na ito ay nagpapasalamat sa. Pamilya ni Lola Elang sa pagimbita sa pamunuan na ito upang saksihan ang mahalagang selebrasyon ng inyong pamilya.
19/05/2026
ANNOUNCEMENT:
No vaccination for tomorrow due to BHW and Midwife will undergo training/seminar.
Vaccination will resume on May 27,2026 at 8:00 AM