30/10/2026
"Kaya lagi ko ding sinasabi na hindi ako mao-offend kung sabihan nyo akong kuripot. Mas mao-offend ako kung sabihan nyo akong wala akong ginagawang mga ordinansa at resolusyon."💯
Uy galing ito sa opisina namin. 😅
Una sa lahat, hindi ko ito ipo-post para mamahiya ng kahit sino lalo na ang nag post. Ina-acknowledge ko ang nararamdaman nya and ang effort na takpan ang pangalan ng office ko sa post nya.
Posting this lang, kasi alam nyo naman na very vocal ako sa usapin ng solicitation.
🔹Una sa lahat, hindi trabaho ng konsehal ang magbigay sa solicit, hindi dahil sa ayaw naming magbigay, pero dahil pinapalala nito ang kultura ng patronage politics.
Nagiging utang na loob sa politiko ang ibinibigay, o kaya naman ay nagiging basihan ng pagboto ang ibinibigay.
Ending, ang mga may pera lang ang patuloy na namamayagpag sa politika. At pera na at ang mga naibibigay ng politiko ang nagiging basihan sa pagboto at hindi ang paggampan sa pangunahin nilang tungkulin— sa case naming mga konsehal, ito ay ang paggawa ng batas.
Kaya lagi ko ding sinasabi na hindi ako mao-offend kung sabihan nyo akong kuripot. Mas mao-offend ako kung sabihan nyo akong wala akong ginagawang mga ordinansa at resolusyon. 😅
🔸Pangalawa, solicitations from politicians may encourage corruption. Naju-justify ang korapsyon kasi “itutulong naman sa tao”.
Kasi sa totoo lang, hindi sapat ang sweldo namin sa dami ng humihingi ng tulong. Itong halloween packs na ito, 100-120 pesos ang isa. Higit isang daan ang may request ng halloween events— 10k-12k na agad ito.
Bukod pa ito sa ibang community events, student researches, medical and burial assistance na araw-araw din naming natatanggap sa opisina.
➡️ Ang sana’y i-demand natin, mai-institutionalize ang tulong para hindi na ito kailangang ipagmakaawa sa mga politiko.
Dito papasok ang mga polisiya.
🔆 Halimbawa, dagsa ang mga studyanteng nagrerequest ng financial assistance para sa kanilang thesis/ research. Nagsusulat kami ngayon ng ordinansa sa opisina upang makapag establish tayo ng Student Research and Journalism Fund— pondo mula sa pamahalaang bayan na maaaring ma-access ng ating mga researchers and campus journalists.
🔆May laang pondo din ang ating MSWD para sa burial at medical assistance. Alam naming maaaring hindi ito sapat, kaya’t gumagawa din kami ng paraan na maikonekta ang ating mga kababayan sa ibang institusyon na nagbibigay ng tulong (PCSO, GL ng DOH, etc). May ordinansa na din tayong naipasa para malibre sa Emergency Hospital natin ang mga Seniors, PWDs, Solo Parents, and indigent residents.
———
Muli, pasensya na po sa kung anong aming nakayanan. Sa susunod, pwede naman po kayong humirit ng dagdag kung talagang kailangan para sa inyong proyekto. Magagawan naman po sig**o namin ng paraan. ☺️
Pero sabi nga ng isang staff ko: “Mas magulat sila kung marami tayong pamigay.” 😅
——-
We acknowledge the efforts of organizations doing community projects. Again, we try our best to help in whatever way we can, pero unawain din po natin ang sitwasyon, lalo na po ang mga nabanggit kong dahilan, bakit hindi ako fan ng solicitation. 😅
Peace po! ✌🏻