09/05/2026
πππππππ ππ πππππππ | Sa lahat ng manlalaro at basketball enthusiasts ng Barangay GSIS, nais po naming linawin na ang kumakalat na balita na magsisimula na bukas, Mayo 10, ang 2026 Barangay GSIS Basketball League ay HINDI TOTOO.
Humihingi po kami ng paumanhin sa anumang kalituhan o abalang naidulot nito. Sa kasalukuyan, pansamantala pong naaantala ang liga habang inaasikaso ang proseso ng Fidelity Bond, isang mahalagang requirement upang matiyak na ang lahat ng pondo at programa ay dumadaan sa wastong legal na proseso at transparency.
Nagkaroon din po ng ilang revisions na kailangang ipaayos sa dokumento kaya bumalik po ito sa proseso ng pila. Kasalukuyan na rin pong ginagawa ang mga kinakailangang follow-up upang mapabilis ang pagproseso ng requirements.
Makakaasa po kayo na patuloy na ginagawa ng inyong SK Council ang lahat upang masiguro na magiging maayos, organisado, ligtas, at lehitimo ang ating paliga ngayong taon.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta. Para sa mga opisyal at lehitimong anunsyo at updates, manatiling aktibo at naka-follow sa Sangguniang Kabataan - Barangay GSIS page.
27/04/2026
ππππππππ | PUROK KALUSUGAN 2026!π©Ίπ©·
Inaanyayahan ang lahat sa HIV Awareness, Nutrition Lecture at Early Teenage Pregnancy Lecture, ngayong araw ng Martes April 28, 2026 sa ganap na ika-8 ng Umaga sa GSIS Independence Court. Isang jampack na mga mahalagang talakayan para sa kalusugan, kaalaman, at kinabukasan ng bawat Batang GSIS
PUROKALUSUGAN 2026 π₯
Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa gaganaping Purok Kalusugan 2026 sa darating na April 28, 2026 (Tuesday) sa Independence Covered Court, mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.
β¨ Mga Libreng Serbisyo:
β
Free X-Ray
β
Free Doctorβs Consultation
β
Free RBS Testing (Blood Sugar)
β
Blood Pressure Monitoring
β
Free HIV & TB Screening
β
Immunization & Prenatal Check-up
β
Family Planning Services
β
Libreng Gamot, Vitamin A, Deworming, at Food Supplement para sa mga Bata
β
YAKAP Program Registration
β
Free Manicure & Pedicure Services
π¨ ITO PO AY LIBRENG SERBISYO PARA SA LAHAT. Sama-sama po tayong magtulungan tungo sa isang malusog, ligtas, at maunlad na komunidad. Kitakits, Barangay GSIS!
Batang GSIS Ako!π©·
!
22/04/2026
ππππ πππππππ | JOINT COMMITTEE HEARING
ANNUAL BUDGET OF THE SANGGUNIANG KABATAAN BARANGAY GSIS FOR THE FY 2026
πReview and ratification of the Annual Budget of Sangguniang Kabataan of Barangay GSIS for Fiscal Year 2026.
β
Alinsunod sa aming pangako sa mabuting pamamahala, tinitiyak namin na ang bawat piso ay inilalaan nang may transparency at accountability.
Batang GSIS Ako!π©·
!
14/04/2026
APPRECIATION POST: The City Youth and Sports Development Office extends its sincere appreciation to all Sangguniang Kabataan officials who have promptly submitted their Monitoring and Evaluation Reports as reflected in the SK Web Portal as of April 11.
Your timely compliance demonstrates your commitment to transparency, accountability, and effective youth governance. Thank you for your dedication to service and for setting a positive example in fulfilling your responsibilities.
We commend your efforts and look forward to your continued excellence in serving the youth in your communities.
19/03/2026
SANGGUNIANG KABATAAN UPDATE: We proudly recognize the barangays that have demonstrated commitment, diligence, and excellence in ensuring the timely submission and compliance of their 2025 SK Monitoring and Evaluation Reports.
Your dedication to transparency, accountability, and good governance sets a strong example in public service.
Let us continue to work together in strengthening systems, improving performance, and delivering quality service to our youth constituents.
09/02/2026
ππππππ ππππ πππππππππ ππ πππ ππππππππππππ!βοΈπ©Ή
NASA LARAWAN: Matagumpay nating naipamahagi ang mga Emergency Go Bags para sa mga Batang GSIS at kanilang pamilya. Hindi natin hawak ang panahon, pero hawak natin ang ating paghahanda.
Layunin ng inyong Sangguniang Kabataan - Barangay GSIS na siguraduhing bawat tahanan ay may sapat na kagamitan sakaling magkaroon ng sakuna o emergency.
Maraming salamat sa lahat ng mga Pribadong Sektor at mga tao sa likod upang maging posible ang inisyatibong ito.
Ingat po tayong lahat, Batang GSIS Ako!π©·
24/12/2025
MERRY CHRISTmas!π©·ππ
Sa pagdiriwang natin ng Kapaskuhan, ang aming puso ay puno ng kagalakanβhindi dahil sa mga materyal na bagay, kundi dahil sa tagumpay ng ating mga programa at proyekto na naglayong iangat ang kapakanan ng bawat Batang GSIS sa ating Barangay.
Ang aming tanging regalo namin para sa inyo ngayong taon ay ang ating serbisyong tapat, inklusibong mga aktibidad, at mga inisyatibong nagbigay ng boses at pagkakataon sa bawat Batang GSIS. Ang bawat proyektong naisakatuparan natin ay patunay na kapag ang Batang GSIS ay nagkakaisa, walang pangarap ang sadyang malayo.
Nawaβy magsilbing inspirasyon ang ating mga nakamit upang lalo pa nating pagbutihin ang paglilingkod sa susunod na taon. Ang inyong pakikilahok at tiwala ang tunay na diwa ng Pasko sa Batang GSIS!ππΌπ©·
Batang GSIS, Maligyang Pasko!ππ
!