26/04/2026
๐๐๐ฃ๐ฃ๐ฌ ๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฌ ๐๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐๐ฌ!๐๐โจ
Ngayong ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ฑ๐ด ๐ฎ๐ป๐ป๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐บ, ating balikan ang kasaysayan na humubog sa ating pagkakakilanlan, isang kasaysayang isinilang hindi sa kaginhawaan, kundi sa pakikibaka, pag-asa, at sama-samang pagpili na mag-ugat sa isang bagong tahanan.
Noong dekada 1960, kapansin-pansin ang pagdami ng mga informal settlements sa mga suburban na lugar sa Pilipinas dahil sa kakulangan ng bakanteng lupa sa Metro Manila, isang sitwasyong hindi bunga ng maayos at planadong pamahalaan, kundi ng kakulangan sa centralized land use, zoning, at land administration (Dimalanta & Cunanan, 2025, citing Hutchison, 2007).
Kasabay nito, naging laganap ang mga demolition at relocation, partikular sa mga komunidad malapit sa Intramuros noong 1963 at sa Tondo at North Harbor noong 1964, bilang tugon sa tumataas na pangangailangan sa lupa dulot ng industrial at commercial expansion (Dimalanta & Cunanan, 2025, citing Hutchison, 2007).
Dahil dito, maraming pamilya ang sapilitang inilipat sa malalayong lugar gaya ng Sapang Palay sa Bulacan, Carmona sa Cavite, at ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฒ๐ฑ๐ฟ๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ด๐๐ป๐ฎ, mga lugar na naging bagong simula ng kanilang buhay (Dimalanta & Cunanan, 2025, citing Karaos, 1993).
Sa gitna ng ganitong kalagayan, noong 1962, itinatag ni G. Francisco G. Benito, Sr. ang ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐บ, ๐๐ป๐ฐ., na binubuo ng mahigit 20,000 pamilya mula sa ibaโt ibang bahagi ng Metro Manila, na may iisang adhikain, ang magkaroon ng lupang matatawag na sarili; ito ay pormal na nairehistro sa Securities and Exchange Commission noong Hunyo 21, 1965 sa ilalim ng Registration No. 27397 (History Book of Barangay Langgam, Ruby Anniversary Edition).
Bilang tugon ng pamahalaan, ipinasa ang Republic Act No. 6026 noong Agosto 4, 1969, na naglalayong itaguyod ang panlipunan at pang-ekonomiyang kapakanan ng mga relocated na pamilya, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng ibaโt ibang ahensya ng gobyerno upang magbigay ng kinakailangang serbisyo at suporta (Republic Act No. 6026, 1969).
Ayon naman sa tala ng ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฒ๐ฑ๐ฟ๐ผ ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐๐๐น๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ ๐๐ผ๐ผ๐ฝ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ (๐ฆ๐ฃ๐ฅ๐๐), isang direktiba ng Pangulo noong Marso 4, 1968 ang nagpasimula ng relocation ng mga pamilya mula Metro Manila patungo sa mga itinakdang lugar kabilang ang San Pedro, Laguna, at nagsimula ang aktwal na paglilipat noong Abril 1, 1968; kalaunan, naitatag ang SPRAC upang magbigay ng mahahalagang serbisyo gaya ng malinis na tubig at iba pang pangangailangan ng komunidad (Cooperative Development Authority, SPRAC Success Story).
At ayon sa ๐๐ถ๐๐๐ผ๐ฟ๐ ๐๐ผ๐ผ๐ธ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐บ, batay sa salaysay ng mga unang nanirahan at pioneer families, ang ika-apat na Linggo ng Abril ang kinikilalang araw ng pagkakatatag ng ating barangay, ang araw na unang naitatag ang isang komunidad na binuo ng pagkakaisa at pag-asa (History Book of Barangay Langgam, Ruby Anniversary Edition).
Sa paglipas ng panahon, ang dating komunidad ng mga nagsisimula pa lamang ay lumago at yumabong, mula sa iilang pamilyang unang nanirahan dito, ang Barangay Langgam ngayon ay may mahigit 30,000 na population, patunay ng patuloy na pag-unlad at paglago ng ating pamayanan.
Sa totoo lang, kung babalikan natin ang ating pinagmulan, iisa ang malinaw: lahat tayo ay naging dayuhan sa lugar na ito, ngunit pinili nating manatili, magtayo ng tahanan, at maging bahagi ng isang komunidad. Sa pagpiling iyon nagsimula ang ating pagkakaisa, at sa pagkakaisang iyon tayo patuloy na umuunlad.
Bilang SK Chairman/Ex-Officio Barangay Kagawad at isang law student na may pagmamahal sa kasaysayan, aking ipinagmamalaki na maipasa sa third and final reading ang mga ordinansang ๐ป๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฒ๐ฑ๐ฒ๐ธ๐น๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐ฟ๐๐ต (๐ฐ๐๐ต) ๐ฆ๐๐ป๐ฑ๐ฎ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฝ๐ฟ๐ถ๐น ๐๐ป๐ป๐๐ฎ๐น๐น๐, ๐ฎ๐ "๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐บ ๐๐ฎ๐" at ang ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐๐น๐๐๐ฟ๐ฒ, ๐๐ถ๐๐๐ผ๐ฟ๐, ๐๐ฟ๐๐, ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ง๐ผ๐๐ฟ๐ถ๐๐บ ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ (๐๐๐๐๐ง๐ข), mga hakbang upang patuloy nating mapangalagaan at maipamana ang ating mayamang kasaysayan sa susunod na henerasyon.
Habang tayoโy tumitingin sa hinaharap, isang mahalagang tanong ang ating dapat pagnilayan: ๐ธ๐๐บ๐๐๐๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ด ๐๐ฎ๐ผ๐ป ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐บ? ๐ก๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ ๐ฝ๐ฎ ๐ฟ๐ถ๐ป ๐ฏ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ต๐ผ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐๐๐น๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ถ๐ ๐๐ฎ ๐ถ๐๐ฎโ๐ ๐ถ๐๐ฎ, ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐๐บ๐ถ๐น๐ผ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ถ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐๐๐ป๐ถ๐ป?
๐ ๐ฎ๐น๐ถ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ธ๐ฎ-๐ฑ๐ด ๐ฎ๐ป๐ถ๐ฏ๐ฒ๐ฟ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ, ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐บ! Ang ating kasaysayan ay hindi lamang alaala, ito ay buhay na patuloy nating isinusulat. ๐ฑ๐