02/06/2026
Isang mahalagang hakbang tungo sa mas inklusibo at mas maayos na serbisyong pangkalusugan ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng San Pedro Medical Center at Unihealth Southwoods Hospital and Medical Center para sa pagpapatupad ng Hospital Financial Assistance Program.
Bilang unang pakikipagkasunduan ng lungsod sa isang pribadong ospital sa labas ng San Pedro, layunin ng programang ito na mapalawak ang access ng mga San Pedrense sa tulong medikal at dekalidad na serbisyong pang-ospital. Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, mas maraming mamamayan ang mabibigyan ng pagkakataong makatanggap ng agarang, episyente, at makataong pangangalagang pangkalusugan.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod sa pagsusulong ng mga programang inuuna ang kalusugan at kapakanan ng bawat San Pedrense.
02/06/2026
Ipagdiwang ang isang makulay at masayang PRIDE ngayong buwan ng hunyo! Mabuhay ka. Mahalaga ka. Kamahal-mahal ka! π³οΈβπ
28/05/2026
Makalipas ang halos dalawang dekada muling naisagawa ang Lakbay Lawa Festival ni Lolo Uweng na tinawag na "Lusungan" sa pangnguna ng Lolo Uweng Shrine bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan nito ngayong araw at bahagi rin ng San Pedro Sampaguita Festival 2026.
Ang noo'y Lakbay Lawa Festival ay isa sa mga makukulay na pagdiriwang ng pananampalataya sa San Pedro na naglalayong palakasin ang turismo sa bayan at naglalayong pangalagaan ang lawa ng laguna. Ito ay nagsisimula sa isang fluvial procession sa pampang ng Barangay landayan at iikot sa lawa ng Laguna na magtatapos sa Barangay ng Cuyab upang simulan naman ang prusisyon pabalik sa dambana nito.
27/05/2026
Pinasinayaan ni Mayor Art Mercado ang pagbubukas ng Government Services Express sa SM Center San Pedro. Ito ay isang collaborative project na na makakatulong sa mga mamamaya na masmapabilis ang serbisyo sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno.
Hangarin ng pamahalaang lungsod na masmarami pang government services outlet ang magbukas sa lungsod upang masmaraming tao ang maabot nito.
25/05/2026
Isa sa mga pangunahing programa ng San Pedro Sampaguita Festival 2026 ay ang Tertulya Heritage Forum na may temang "Pamanang Lokal, Susi sa Kaunlaran" kung saan tampok dito ang talakayan patungkol sa mayamang kasaysayan ng ating bayan ng San Pedro.
Ilan sa mga mahahalagang tinalakay ay ang industriya ng Sampaguita sa San Pedro, Ang mga kultura at tradisyon partikular na sa barangay San Roque at ang malalim na pananampalatayang ekleyastikal sa bayan ng San Pedro. Binigyan lalim itong lahat ng beteranong mananaliksik ng kasaysayan na si Prof. Xiao Chua sa kanyang panayam na "Pamanang Lokal, Susi sa kaunlaran"
Ito rin ay bahagi ng pagdiriwang ng National Heritage Month.
22/05/2026
Pagbati ng isang maligaya at mapagpalang kaarawan sa ating butihing Ama ng Lungsod ng San Pedro, MAyor Art Mercado! ππ
18/05/2026
Rehistrado ka na ba? kung hindi pa, huwag kalimutang magparehistro ngayong huling araw ng Voter Registration for 2026.
13/05/2026
Let' support πΎπ
Breed: Half German Shepherd (Mixed)
Color: Brown
Collar: Siri's name tag (Violet/Blue)
Last seen: Near Harmony Mall, San Pedro City, Laguna
Contact info:
0992-5791592
0992-621 8499
0933-5045511
0992-5791606
Messenger:
Reneelyn Romana Karunungan
Resty Karunungan Jr
08/05/2026
Inanunsyo na ng San Pedro Sampaguita Festival at San Pedro City Tourism, Culture and Arts Office ang official dates ng Sampaguita Festival 2026! Ito ay ipagdiriwang sa Lungsod ng San Pedro sa Mayo 22-30, 2026.
Manatiling nakatutok sa San Pedro Sampaguita Festival para sa mga pahayag at anunsyo patungkol sa pagdiriwang.