09/02/2026
☝🏻💚
Kahapon, nakatanggap kami ng memo mula sa DILG, Memorandum Circular No. 2026-006, mas kilala bilang Anti-Epal. Napa-joke tuloy ako sa ating CLGOO Ms. Fatima: “Safe tayo dito.” 😅
Simula pa lang nang maupo kami sa pwesto, malinaw na ang prinsipyo natin: walang mukha, walang pangalan ko sa mga proyekto ng gobyerno. Hindi dahil bawal, kundi dahil ayaw talaga namin.
Aminado ako, may mga supporters at community leaders na kusang naglalagay ng pangalan o mukha ko sa kanilang activities at tarpaulins, meron ding pangalan sa basketball boards. Pero as of this posting, meron na tayong instruction para burahin o alisin ang mga iyon. Tungkol naman sa mga nakikita ninyong tarpaulins na meron akong mukha o pangalan, ito rin ay aking ipapatanggal.
Mula noon, gusto nating baguhin ang nakasanayang pulitika. Gusto nating tapusin ang epal-politics. Kaya kung mapapansin ninyo, iisa lang ang makikita ninyo, ang logo at ang slogan na “Una sa Laguna.”
Hindi lang ito simpleng logo. Isa itong paalala at gabay sa amin na magsikap pa, gumawa ng mas maayos, at maglingkod nang tapat. We recognize na may mga pagkukulang at hiccups pa rin, pero patuloy kaming matututo at magbabago para mas ayusin pa.
Ang “Una sa Laguna” ay hindi para makipagkumpitensya sa ibang lungsod o bayan. Isa itong hamon sa amin mismo na mas maging mabuti para sa ating mga kababayan, at sana balang araw, maging modelo rin para sa buong probinsya.
Habang nandito kami, tuloy-tuloy kaming magsusumikap. No family names. No pictures of me.
Sa ating mga kasama sa public service, sana magkaisa tayo at gamitin natin ang iisang simbolo at adhikain habang sabay-sabay nating pinagsusumikapan ang isang mas maayos at maunlad na San Pedro.
Lungsod ng San Pedro, Una sa Laguna. 💚

14/11/2025
07/11/2025
30/10/2025
20/10/2025
19/10/2025
18/10/2025
13/10/2025