Barangay GSIS Public Information

Barangay GSIS Public Information

Share

Ito ay para sa mga impormasyon / anunsyo na para sa publiko at mamamayan ng Barangay GSIS.

Photos from Barangay GSIS Public Information's post 02/06/2026

Masarap pagmasdan ang bunga ng ating sama-samang pagsusumikap β€” ang mailaan ng pondo mula sa ating Barangay para sa pagpapagawa ng bubong ng Independence Covered Court.

Patuloy po nating pinapaganda at pinapanatili ang maayos na kondisyon ng ating mga pasilidad upang mas maging ligtas, komportable, at kapaki-pakinabang ito para sa ating mga manlalaro at mamamayan.

Para sa mas maayos na serbisyo at mas ! πŸ†

Photos from Barangay GSIS Public Information's post 27/05/2026

LigtasTigdas | Protektahan ang ating mga anak laban sa tigdas at rubella sa pamamagitan ng Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MRSIA) at Vitamin A Administration ngayong Hunyo 1–30, 2026.

Ang bakuna ay ligtas, epektibo, at libre para sa mga batang may edad 6–59 buwan.

Inaanyayahan ang mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak sa itinakdang schedule at vaccination site sa ating barangay.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang sa ating Barangay Health Center.

26/05/2026

ANUNSYO | Inaanyayahan ang lahat ng kabataan edad 12 hanggang 16 taong gulang na makiisa sa gaganaping BCPC Orientation, Environmental Awareness Campaign, at Barangay GSIS Children Association Election.

Ito ay gaganapin sa May 28, 2026, mula 9:00 AM hanggang 11:00 AM, sa Parkview Subdivision, Barangay GSIS.

Inaasahan ang inyong pagdalo at aktibong pakikilahok para sa mas makabuluhang programa para sa kabataan at komunidad.



26/05/2026

ATTENTION INCOMING 4TH YEAR COLLEGE STUDENTS!

Inaanyayahan ang lahat ng incoming 4th year college students ng Barangay GSIS na mag-apply para sa scholarship under the Presidential Assistance to Barangay under Socio Civic Fund.

Submission of requirements:
May 27 – May 29, 2026

Mga kinakailangang requirements:

βœ… Registration Form
βœ… School ID
βœ… Certificate of Indigency
βœ… Voter’s Certificate / Voter’s Stub
βœ… Copy of Grades

Huwag palampasin ang pagkakataong ito. Magpasa na at maging bahagi ng mga iskolar ng ating barangay! πŸŽ“

11/05/2026

PAANYAYA SA PUBLIKO: Ang lahat po ay iniimbitahang dumalo sa ating Environmental Awareness Campaign na may temang: β€œDisiplina at Responsibilidad Tungo sa Malinis, Ligtas, at Maayos na Pamayanan.”

πŸ“… May 15, 2026 (Friday)
πŸ•˜ 9:00 AM onwards
πŸ“ Independence Covered Court

Bukas po ito para sa ating mga residente, kabataan, magulang, barangay officials, at community leaders.

Halina’t makiisa sa pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran, pagsunod sa lokal na ordinansa, at pagpapanatili ng malinis, ligtas, at maayos na pamayanan.

Kitakits po tayo! πŸ’š

Photos from Barangay GSIS Public Information's post 03/05/2026

Kaugnay ng patuloy na joint patrol ng Barangay, PNP, POSO, at BPSO, muli po naming ipinapaalala ang mga sumusunod.

❌ Inuman sa kalsada
❌ Topless sa kalye
❌ Pagvi-videoke na lagpas 10PM
❌ Paglabag sa curfew hours

Nagpaskil na rin po tayo ng mga paalala at impormasyon sa iba’t ibang bahagi ng barangay upang mas mapaalalahanan ang lahat.

Ang sinumang lalabag ay maaaring mahuli at mapatawan ng kaukulang parusa alinsunod sa batas at ordinansa.

Makikiisa po sana ang bawat isa para sa mas ligtas at disiplinadong .

Photos from Barangay GSIS Public Information's post 30/04/2026

PUROKALUSUGAN UPDATE 🩺

Sa matagumpay na isinagawang Purokalusugan noong April 28, 2026, patuloy nating naihatid ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan sa ating mga residente:

βœ”οΈ Mobile X-ray – 83 patients
βœ”οΈ Manicure/Pedicure – 55 patients
βœ”οΈ Pharmacy – 37 patients
βœ”οΈ Nutrition – 25 patients
βœ”οΈ PhilPen – 21 patients
βœ”οΈ RBS Monitoring – 16 patients
βœ”οΈ HIV Screening – 13 patients
βœ”οΈ Immunization – 4 patients
βœ”οΈ Family Planning – 4 patients
βœ”οΈ Prenatal Consultation – 4 patients

Taos-pusong pasasalamat sa ating Sangguniang Barangay, Health Team (sa pangunguna ni Kag. Kristin Fajardo), Barangay Staff, BPSO, at mga Volunteers na naging katuwang sa matagumpay na programang ito.

Hinihikayat ang lahat na makiisa at makilahok sa mga susunod na aktibidad β€” lahat ng serbisyong ito ay LIBRE!

Photos from Barangay GSIS Public Information's post 26/04/2026

LECTURE ON VAWC & JUVENILE DELINQUENCY AWARENESS

Noong ika-22 ng Abril 2026, matagumpay na naisagawa ang isang mahalagang lecture hinggil sa tamang paghawak ng mga kaso ng VAWC (R.A. 9262) at Juvenile Delinquency/CICL (R.A. 9344).

Pinangunahan ito nina PCMS Jill U. Capistrano (WCPD PNCO) at PSSg Rhodilyn C. Pillatong (WCPD Investigator), sa ilalim ng superbisyon ni PLTCOL Reynaldo N. Vitto, OIC ng San Pedro CCPS.

Lubos pong pinahahalagahan ang ganitong mga pagsasanay upang mas mapalakas ang kaalaman at kakayahan ng ating barangay sa pagprotekta sa kababaihan, kabataan, at buong komunidad.

Patuloy po tayong magtulungan para sa isang ligtas, maayos, at makataong !

22/04/2026

PUROKALUSUGAN 2026 πŸ₯

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa gaganaping Purok Kalusugan 2026 sa darating na April 28, 2026 (Tuesday) sa Independence Covered Court, mula 8:00 AM hanggang 12:00 NN.

✨ Mga Libreng Serbisyo:
βœ… Free X-Ray
βœ… Free Doctor’s Consultation
βœ… Free RBS Testing (Blood Sugar)
βœ… Blood Pressure Monitoring
βœ… Free HIV & TB Screening
βœ… Immunization & Prenatal Check-up
βœ… Family Planning Services
βœ… Libreng Gamot, Vitamin A, Deworming, at Food Supplement para sa mga Bata
βœ… YAKAP Program Registration
βœ… Free Manicure & Pedicure Services

πŸ“š Mayroon ding mga talakayan tungkol sa:
βœ… Teenage Pregnancy
βœ… HIV Awareness
βœ… Nutrition

🚨 ITO PO AY LIBRENG SERBISYO PARA SA LAHAT. Sama-sama po tayong magtulungan tungo sa isang malusog, ligtas, at maunlad na komunidad. Kitakits, Barangay GSIS!

Photos from Barangay GSIS Public Information's post 19/04/2026

βœ… DISASTER RISK MAPPING

Kamakailan ay isinagawa po ang Disaster Risk Mapping sa pangunguna nina Kag. Geraldine, Kag. Voltaire, at Kag. Elvie, katuwang ang ating mga Barangay Staff, upang mas mapalakas ang kahandaan at kaligtasan ng ating barangay.

Pagsaludo po sa inyong kasipagan!

Want your business to be the top-listed Government Service in San Pedro?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


San Pedro
4023