Art Mercado

Art Mercado

Share

This is my only page. Ingat sa ibang mga fake accounts. This is my only page.

You may follow my official social media accounts:

facebook.com/ArtJFMercado
twitter.com/ArtJFMercado
instagram.com/ArtJFMercado
tiktok.com/@artjfmercado


For transparency purposes, you may send us an email for inquiries, feedbacks, and opinions at [email protected]

Photos from Art Mercado's post 03/06/2026

Nakikiisa tayo ngayon sa Brigada Eskwela 2026 Regional Kick-Off na may temang โ€œBayanihan sa Paaralan, Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalamanโ€ na ginanap sa Pacita Complex 1 Integrated School.

Isang karangalan na makasama ang ating mga katuwang sa pagsusulong ng dekalidad na edukasyon, ang Department of Education, mga g**o, school officials, mga mag-aaral, mga magulang, at mga lingkod-bayan na patuloy na nagkakaisa upang ihanda ang ating mga paaralan para sa panibagong taong panuruan.

Lubos din ang aking pasasalamat kina DOLE Secretary Francis Tolentino, Governor Sol Aragones, Congresswoman Ann Matibag, NBI Director Melvin Matibag, Board Member Bernadeth Olivares, Board Member Raffy Campos, Konsehal Kent Lagasca, at Konsehala Kitten Campos sa kanilang presensya at patuloy na suporta sa mga programang pang-edukasyon para sa ating mga kababayan.

Sa Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, mananatili tayong katuwang ng ating mga paaralan sa paglikha ng mas ligtas, maayos, at mas makabuluhang kapaligiran para sa pagkatuto. Naniniwala tayo na ang edukasyon ang isa sa pinakamahalagang puhunan para sa kinabukasan ng ating lungsod at ng susunod na henerasyon.

Maraming salamat sa ating pambansa at panlalawigang pamahalaan sa patuloy na pakikipagtulungan at suporta upang higit pang mapabuti ang mga serbisyong pang-edukasyon para sa bawat batang San Pedrense.

Sa pamamagitan ng bayanihan, sama-sama nating binubuo ang mas maliwanag na kinabukasan para sa ating mga mag-aaral.

28/05/2026

๐ŸŒธ๐Ÿ”ฅ SAN PEDRO, THIS IS YOUR FINAL LINEUP DROP! ๐Ÿ”ฅ๐ŸŒŠ

The wait is OVER dahil officially kumpleto na ang lineup ng SAMYO NG AGOS NG MUSIKA CONCERT ng Sampaguita Festival 2026! ๐Ÿคฉ๐ŸŽถ

๐ŸŽค LOCAL TALENTS:
โ€ข Last Sonnet
โ€ข 7th Street
โ€ข ZRow
โ€ข Ellie Poliver
โ€ข Reign Carmel Sumabat
โ€ข Christian Gel Concepcion
โ€ข Afterfor
โ€ข Gabriel Edang Remoquillo
โ€ข Shortfilm Music
โ€ข Zairen Jhamez Benedicto

๐Ÿ‘น SPECIAL GUESTS FROM THE VIVA ONE SERIES โ€œHELL UNIVERSITYโ€:
โ€ข Audrey Caraan
โ€ข Lance Carr
โ€ข Jastine Lim
โ€ข Derick Ong
โ€ข Keagan de Jesus
โ€ข Jemima Rivera

๐Ÿ”ฅ MAIN ACTS:
โ€ข 6cyclemind
โ€ข AJ Colico
โ€ข Dylan Burton

LIKE??? HELLO??? ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ”ฅ
Isang gabi na naman tayo ng kantahan, sigawan, kilig, at โ€œayaw ko pa umuwiโ€ moments with the whole tropa ๐Ÿ’ฅ

And YES โ€” FREE ENTRY siya bestie ๐Ÿ™Œ
Kailangan niyo lang mag-secure ng wristband para makapasok sa concert area!

๐Ÿ“ Wristband Claiming:
Level 4, in front of Cinema Snack Bar, Robinsons Galleria South
๐Ÿ•’ 28 May 2026, 3:00 PM onwards until supplies last!

So ready niyo na mga concert fits niyo, i-tag na ang tropa GC, at maghanda sa pinaka-main character night ng Sampaguita Festival 2026 ๐ŸŒธโœจ




27/05/2026

Suportahan po natin ang mga local artist ng San Pedro, kasama ang 6Cyclemind!

Libre ang wristbands na maaaring i-claim sa Robinsons Galleria South Cinema Level 4 mamayang 5:00 - 8:00 pm!




๐ŸŒธ๐ŸŽธ SAN PEDRO, ARE YOU READY?! ๐Ÿ”ฅ

The Samyo ng Agos ng Musika Concert is coming to SERVE vocals, vibes, at solid performances this Sampaguita Festival 2026! ๐Ÿคฉ๐ŸŒŠ

Hindi ka pwede ma-FOMO dito dahil isang gabi ito ng kantahan, sigawan, at core memories kasama ang tropa ๐ŸŽคโœจ

๐ŸŽถ LIST OF PERFORMERS:
โ€ข Last Sonnet
โ€ข 7th Street
โ€ข ZRow
โ€ข Ellie Poliver
โ€ข Reign Carmel Sumabat
โ€ข Christian Gel Concepcion
โ€ข Afterfor
โ€ข Gabriel Edang Remoquillo
โ€ข Shortfilm Music
โ€ข Zairen Jhamez Benedicto
โ€ข 6cyclemind

And YES โ€” FREE ENTRY โ€˜to bestie ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ™Œ
Kumuha lang ng wristband para secured ang spot mo!

๐Ÿ“ Wristband Claiming:
Level 4, in front of Cinema Snack Bar, Robinsons Galleria South
๐Ÿ•” 5:00 PM โ€“ 8:00 PM

Soโ€ฆ sino kasama mo manood? ๐Ÿ‘€
Tag your concert buddy na agad at magkita-kita tayo sa pinaka-main character concert night ng festival! ๐ŸŒธโœจ




Photos from Art Mercado's post 26/05/2026

Kaninang umaga, naging bahagi tayo ng isang mahalagang hakbang para sa mas maayos at mas makataong kinabukasan ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng Groundbreaking Ceremony ng Sining Apartments Project โ€” isang public rental housing facility para sa mga San Pedrense.

Hindi man ito agarang solusyon sa lahat ng hamon sa pabahay, isa naman po itong malaking simula upang mabigyan ng ligtas, maayos, at abot-kayang matitirhan ang ating mga kababayan na tunay na nangangailangan.

Lubos po akong nagpapasalamat sa Department of Transportation (DOTr) sa kanilang suporta at pakikipagtulungan para maisulong ang proyektong ito. Taos-puso rin pong pasasalamat sa City Urban Development and Housing Office (CUDHO) sa pangunguna at matagumpay na pagsasagawa ng programa ngayong araw, kasama ang ating mga partner agencies at stakeholders na naging katuwang upang maisakatuparan ang proyektong ito.

Ang bawat pundasyong inilalatag natin ngayon ay pundasyon din ng pag-asa at mas magandang buhay para sa mga pamilyang San Pedrense. Patuloy po tayong kikilos at magtutulungan para sa isang lungsod na walang naiiwan. ๐Ÿ’š

Photos from Art Mercado's post 26/05/2026

Kahapon ay naging bahagi tayo ng Blessing, Ribbon Cutting, at Inauguration ng Government Services Express sa SM Center San Pedro โ€” isang collaborative project na malaking tulong para sa ating mga kababayan dahil mas magiging madali at mas malapit na ang pag-access sa ibaโ€™t ibang serbisyo ng ating Lungsod.

Maraming salamat sa SM Center San Pedro sa pangunguna sa inisyatibong ito at sa patuloy na pakikipagtulungan sa ating lokal na pamahalaan at mga ahensya upang makapaghatid ng mas maayos at mas maginhawang serbisyo para sa bawat San Pedrense.

Nakakatuwang makita na sa simpleng pagtutulungan, mas napapalapit natin ang serbisyo sa tao at mas napapagaan natin ang araw-araw na pangangailangan ng ating mga mamamayan. Maraming salamat po sa ating mga mall partners and public institutions sa pagseserbisyo sa ating mga mamamayan!

23/05/2026
Photos from City Government of San Pedro's post 23/05/2026

TINGNAN | Dumagsa ang mga mamamayan sa Lingap Sampaguita - Araw ng Mamamayan Serbisyo Caravan sa SM Center San Pedro kung saan inilalapit ng mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro ang mga libreng serbisyo sa mga residente.

Habol na! Iba't ibang serbisyo ang maa-avail.




Photos from City Government of San Pedro's post 23/05/2026

๐—ก๐—ข๐—ช ๐—›๐—”๐—ฃ๐—ฃ๐—˜๐—ก๐—œ๐—ก๐—š | Tara na sa ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ถ๐˜๐—ฎ ๐—ž๐—ฎ๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—น๐—ผ dito sa San Pedro City Plaza! ๐ŸŒธ๐Ÿ›’

Mamili ng sariwa at dekalidad na produkto mula sa ating mga lokal na magsasaka, MSMEs, at mga negosyante โ€” siguradong sulit at abot-kaya dahil mura lang ang mga paninda! ๐Ÿ’š

Mula gulay, prutas, pagkain, at iba pang produkto, swak ito para sa bawat pamilyang San Pedronian. Suportahan natin ang lokal at samahan ang ating mga kababayan sa mas masayang pamimili ngayong araw!

Kita-kits sa City Plaza! ๐Ÿ›๏ธโœจ

Want your business to be the top-listed Government Service in San Pedro?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


San Pedro
4023