04/10/2026
THE YOUTH OF BARANGAY RIVERSIDE DESERVE BETTER SANGGUNIANG KABATAAN LEADERSHIP
Sa naging pulong kahapon, kasama sa mga tinalakay at pinagtibay ay ang ating resolusyong nananawagan SA LAHAT NG MGA NON-FUNCTIONING AND NON-PERFOMING SANGGUNIANG KABATAAN OFFICIALS MULA SA PAGKA-SK CHAIRPERSON, SK KAGAWAD, AT MGA APPOINTED SK OFFICERS NA MAGBITIW NA SA TUNGKULIN.
Three years since mabigyan ng mandato ng bawat kabataan ang ating mga SK. At sa loob ng tatlong taon na iyan, bansot na serbisyo ng Sangguniang Kabataan ang nakita natin.
Kaya naman ngayon na mapapalawig pa ang termino ng Sangguniang Kabataan officials, ang ating panawagan ay better leadership na deserve ng kabataan—mula sa Chairperson hanggang sa bawat elected and appointed position. Husto na ang tatlong taon nang pagtitiis. Panahon na para linisin ang hanay ng Sangguniang Kabataan!
Ang resolusyong inihain natin ay hindi atakeng personal at hindi tungkol sa indibidwal na mga opisyal kundi sa kolektibong kapakanan ng mga kabataan. Sa ngayon, may commitment na natanggap ang ating Pamunuan mula sa ilang opisyal na delicadeza at hiya ang paiiralin nila imbes na kumapit sa posisyong hindi na nila nagagampanan.
Ito rin naman ang panawagan natin sa iba pang opisyal ng SK: suriin at mag-reflect nawa sila sa kanilang performance at mga nagawa kung deserve pa ba nila ang katungkulan o ibigay na lang ito sa iba na willing at deserve maglingkod sa ating kabataan.
Basahin ang kopya ng ating resolusyon sa link na ito: https://drive.google.com/file/d/15Ca2oqU0TrFIM0J2F-ymWpMQDCD7vDfX/view?usp=sharing