๐ฃ๐ฅ๐๐ฉ๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ฃ๐๐๐๐ | Laban sa Fake News at Pekeng Social Media Accounts
Noong Hunyo 1, 2026, nagpahayag si Vioquelin B. Pascual Jr., LNB President, ng isang Privileged Speech na naglalayong tugunan ang lumalalang suliranin ng fake news, maling impormasyon, at mga mapanirang pekeng Facebook accounts na ginagamit upang manira ng kapwa at magdulot ng pagkakawatak-watak sa komunidad.
Sa kanyang pahayag, nanawagan siya sa mga kinauukulang ahensya at mga mambabatas na pag-aralan ang pagbuo ng isang ordinansa na makatutulong upang mapigilan ang pagkalat ng maling impormasyon at mapanagot ang mga indibidwal na gumagamit ng pekeng social media accounts para sa paninira at panlilinlang.
Binigyang-diin niya na mahalaga ang responsableng paggamit ng social media at ang masusing pagberipika ng impormasyon bago ito ibahagi upang mapanatili ang kaayusan, pagkakaisa, at tiwala ng publiko sa komunidad.
"Maging responsable tayo sa paggamit ng social media. Tiyakin nating ang ating ibinabahaging impormasyon ay totoo, makatarungan, at nakatutulong sa kapakanan ng nakararami." โ Hon. Vioquelin B. Pascual Jr.
SPC - Liga ng mga Barangay
Pinangungunahan ni Hon. Vioquelin Pascual Jr. - naglilingkod nang tapat para sa kaunlaran at kapakanan ng mga mamamayan ng Lungsod ng San Pedro, Laguna.
02/06/2026
๐๐๐ป๐ฒ ๐ญ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐ฐ๐ฐ๐๐ต ๐ฅ๐ฒ๐ด๐๐น๐ฎ๐ฟ ๐ฆ๐ฒ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐ฎ๐ฌ๐๐ต ๐๐ฒ๐ด๐ถ๐๐น๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น
Isinagawa ng Sangguniang Panlungsod ng Lungsod ng San Pedro ang ika-44 na Regular na Sesyon kung saan tinalakay at inaprubahan ang mahahalagang ordinansa at resolusyon na naglalayong higit pang mapaunlad ang serbisyo at kapakanan ng mga mamamayan.
โ
Mga Inaprubahang Ordinansa at Resolusyon:
1๏ธโฃ Resolusyon na nag-aapruba at nagpapatibay sa Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) Plan ng Lungsod ng San Pedro para sa taong 2026-2028.
2๏ธโฃ Resolusyon na nagbibigay-kapangyarihan sa Local Chief Executive na lumagda sa Memorandum of Understanding kasama ang Commission on Filipino Overseas para sa pagpapatupad ng programang โBalikbayan Projectโ sa Lungsod ng San Pedro.
3๏ธโฃ Ordinansa na nagpapahintulot sa pansamantalang pagsasara ng bahagi ng Mabini Street sa Barangay San Antonio sa darating na Hunyo 12, 2026 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon para sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Antonio de Padua at Barangay San Antonio Fiesta 2026.
Patuloy ang SPC - Liga ng mga Barangay sa Sangguniang Panlungsod para sa pagsasabatas ng mga programang magbibigay ng mas maayos, ligtas, at progresibong serbisyo para sa bawat mamamayan ng San Pedro.
01/06/2026
๐ Magandang umaga sa unang Lunes at unang araw ng Hunyo, mga kapwa ko kababayan dito sa San Pedro!
Nawa'y maging mabunga, mapayapa, at ligtas ang pagsisimula natin ng panibagong buwan. Sama-sama nating harapin ang mga hamon at pagkakataon na hatid ng Hunyo nang may pagkakaisa, sipag, at malasakit sa ating komunidad.
Patuloy nating panatilihin ang kalinisan, kaayusan, at pagtutulungan para sa ikauunlad ng ating barangay at ng buong Lungsod ng San Pedro.
30/05/2026
"Happy Birthday, Kapitan.Romeo Bonoan of Barangay Brgy. San Lorenzo Ruiz, San Pedro City !
May you be blessed with abundant health, guidance, and courage as you continue to serve your community.
Thank you for your dedication and care for SPC - Liga ng mga Barangay.
Long live, and celebrate this special day with your family and loved ones!"
26/05/2026
๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฑ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐ธ๐ฎ-๐ญ๐ฑ ๐๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น ๐๐๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐น๐
๐ป๐ด ๐๐ถ๐ด๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ โ ๐ฆ๐ฎ๐ป ๐ฃ๐ฒ๐ฑ๐ฟ๐ผ ๐๐ต๐ฎ๐ฝ๐๐ฒ๐ฟ
Pinangunahan ni LNB President Hon. Vioquelin B. Pascual Jr. ang ika-15 General Assembly ng Liga ng mga Barangay San Pedro Chapter na dinaluhan ng mga Punong Barangay at opisyal mula sa ibaโt ibang barangay sa lungsod.
Tinalakay sa nasabing pagpupulong ang mga mahahalagang usapin, programa, at inisyatibo na naglalayong mapalakas ang pagkakaisa, maayos na pamamahala, at patuloy na pagbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko para sa mamamayan ng San Pedro.
Patuloy ang samahan at kooperasyon ng bawat barangay tungo sa mas maunlad at mas maayos na komunidad.
25/05/2026
๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | Pormal nang binuksan para sa publiko ang NBI Services at iba pang serbisyong pang-gobyerno sa SM Center San Pedro.
Dumalo si LNB President Hon. Vioquelin B. Pascual Jr. kasama ang ilang Punong Barangay upang saksihan ang makasaysayan at kapaki-pakinabang na pagbubukas ng NBI Clearance Office na layuning magbigay ng mas mabilis, maayos, at maginhawang serbisyo para sa mga mamamayan ng Lungsod ng San Pedro.
Pinangunahan ang programa ni NBI Director Atty. Melvin Matibag kasama ang kanyang asawa na si Congresswoman Ann Matibag. Nakiisa rin sa nasabing aktibidad si Vice Mayor Niรฑa Almoro at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod bilang suporta sa pagpapalawak ng serbisyong pampubliko sa lungsod.
Ang pagbubukas ng naturang tanggapan ay inaasahang makatutulong nang malaki sa mga residente na nangangailangan ng NBI Clearance at iba pang kaugnay na serbisyo ng pamahalaan.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐.
๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐ผ๐ป๐๐๐น๐๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด
โIsang Barangay, Isang Direksyon; Pagtitiyak ng Legal at Organisadong HOAโ
Matagumpay na isinagawa ang consultative meeting para sa mas epektibo, maayos, at organisadong samahan ng mga Homeowners Association (HOA) na ginanap sa Barangay Magsaysay Covered Court.
Pinangunahan ito ni LNB President Hon. Vioquelin B. Pascual Jr. kasama ang naging speaker mula sa DHSUD na si Mr. Domer Leo Nuรฑez na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon at gabay ukol sa legalidad, tamang proseso, at wastong pamamahala ng mga HOA.
Layunin ng nasabing pagpupulong na mapalakas ang koordinasyon, pagkakaisa, at maayos na pamamalakad ng bawat samahan upang higit na mapaunlad ang komunidad at mapanatili ang kaayusan sa ating barangay.
Patuloy ang pagsisikap ng SPC - Liga ng mga Barangay sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay kaalaman at suporta sa mamamayan para sa mas maayos at progresibong pamayanan.
๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | Bukas na para sa publiko ang NBI Clearance at iba pang serbisyong pang-gobyerno sa SM Center San Pedro.
Dumalo si LNB President Hon. Vioquelin B. Pascual Jr. kasama ang ilang Punong Barangay upang saksihan ang makasaysayan at kapaki-pakinabang na pagbubukas ng NBI Clearance Office na magbibigay ng mas mabilis at mas maginhawang serbisyo para sa mamamayan ng Lungsod ng San Pedro.
Pinangunahan ang programa ni NBI Director Atty. Melvin Matibag kasama ang kanyang asawa na si Congresswoman Ann Matibag. Nakiisa rin si Vice Mayor Niรฑa Almoro at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
22/05/2026
๐ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ฎ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ | ๐๐ผ๐ป๐๐๐น๐๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ ๐ฒ๐ฒ๐๐ถ๐ป๐ด
โIsang Barangay, Isang Direksyon; Pagtitiyak ng Legal at Organisadong HOAโ
Isinagawa ang isang consultative meeting para sa mas epektibo, maayos, at organisadong samahan ng mga Homeowners Association (HOA) na ginanap sa Barangay Magsaysay Covered Court.
Pinangunahan ito ni LNB President Hon. Vioquelin B. Pascual Jr. kasama ang naging speaker mula sa DHSUD na si Mr. Domer Leo Nunรฑez upang magbahagi ng mahahalagang kaalaman at gabay ukol sa legalidad at wastong pamamahala ng HOA.
Patuloy ang layunin ng pamahalaang barangay na mapalakas ang pagkakaisa, kaayusan, at maayos na koordinasyon sa bawat samahan para sa ikauunlad ng komunidad.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
San Pedro
