24/10/2026
๐ TAOS-PUSONG PASASALAMAT, MGA KABARANGAY! ๐
Ang Pamahalaang Barangay ng Carayacan, San Quintin, Pangasinan ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga dumalo at nakiisa sa ating Barangay Assembly Day โ 2nd Semester, CY 2026.
Maraming salamat po sa inyong oras, suporta, at aktibong pakikilahok sa ating makabuluhang pagtitipon. Ang inyong presensya ay patunay ng inyong malasakit at hangaring makibahagi sa mga programa, proyekto, at patuloy na pag-unlad ng ating barangay.
Sa pangunguna ni Punong Barangay Cresente Untalan at ng Sangguniang Barangay, patuloy po kaming magsisikap na maghatid ng tapat na serbisyo para sa kapakanan ng bawat mamamayan.
Sa pagkakaisa, bukas na talakayan, at sama-samang pagkilos, mas maunlad na Barangay Carayacan ang ating makakamit! ๐ค๐
Muli, maraming salamat po sa inyong pakikiisa!