12/10/2026
Octobre 8, 2026 ang ating health facility ay nakapagtala ng isang kaso ng G6PD SCREENED POSITIVE na sanggol.
MGA KARANIWANG TANONG TUNGKOL SA G6PD DEFICIENCY:
Q: Nakakahawa ba ang G6PD Deficiency?
👉 HINDI. Ito ay isang genetic condition na namamana sa magulang. Hindi ito nakakahawa sa paghatsing, paghawak, o paggamit ng gamit ng iba.
Q: May gamot ba para gumaling ang G6PD?
👉 WALANG GAMOT, Tanging PAG-IWAS LANG. Dahil ito ay nasa lebel ng DNA, walang permanenteng gamot para rito. Subalit, kapag naiwasan ang mga bawal na pagkain, gamot, at kemikal, perpektong malusog at normal ang buhay ng isang tao na may G6PD.
Q: Paano malalaman kung may G6PD ang aking baby?
👉 Sa pamamagitan ng Expanded Newborn Screening (ENBS) na ginagawa sa mga pampubliko at pampribadong ospital o lying-in clinic 24-48 oras pagkapanganak ng baby.
Q: Ano ang gagawin kapag nalaman na may G6PD ang anak?
👉 Humingi ng opisyal na G6PD Trigger List sa inyong RHU o pediatrician. Palaging magtabi ng kopya nito sa inyong bag o wallet para maipakita sa tuwing bibili ng gamot o magpapatingin sa ospital.
Q: Kailangan ba ng Confirmatory Test?
👉Yes. Ang ating RHU ang siyang mag-rerefer sa pinakamalapit na ospital confirmatory testing.