01/05/2022
TEAM1SANRAFEL GRAND CAUCUS
Malugod po naming kayong inaanyayahan, Makisaya, Makinig at Makilala ang buong TEAM1SANRAFAEL
May 02, 2022 - Metro Poblacion,
May 03, 2002 - Brgy. San Roque
May 04, 2022 - Brgy. Caingin
ika-6:00 ng gabi.
12/02/2022
Zumbarangay Maguinao (February 13)
Magkakaroon po tayo ng Free Zumbarangay Session bukas, February 13, araw ng Linggo, sa Maguinao Covered Court! Lahat po ng nais sumali at makisaya kasama ang Team1SanRafael, magkita-kita po tayo bukas, sa ganap na 5 ng hapon!
08/02/2022
Mamaya po ulit ika-6 ng gabi, mga mahal naming San Rafaeleño! Sa Tambubong Covered Court naman po tayo magkita-kita!
05/02/2022
See you there, mga Ka-Zumbarangay!
Zumbarangay, Handog ng Team1SanRafael
Ang inyong mga lingkod ay maghahandog ng libreng Zumba Dance Session na magsisimula sa Lunes, February 7. Kami po ay bababa sa mga barangay sa mga nasabing petsa at oras ayon sa batch o schedule na nakasaad sa baba:
*Monday, February 7, 6PM - Barangay Caingin
Caingin Tennis Court
*Tuesday, February 8, 6PM - Barangay Tambubong
Tambubong Covered Court
*Friday, February 11, 6PM - Tambubong Covered Court
Sinuman pong nagnanais na sumali sa mga nasabing Zumba Sessions ay magtungo lamang po sa mga schedule at lugar na nabanggit.
ANG MGA SUSUNOD NA BARANGAY NA AMING BIBISITAHIN AY AMIN PONG IAANUNSYO SA SUSUNOD NA SABADO.
Magkita-kita po tayo next week, mga ka-Zumbarangay ng Caingin at Tambubong!
22/01/2022
ᴛᴇᴀᴍ1ꜱᴀɴʀᴀꜰᴀᴇʟ:
Healthy 'Pinas Mobile Clinic
January 22, 2022
Maraming salamat sa pakikipagkaisa nina Tita Lorna Silverio, Bokal RC Castro, Bokal Emily Viceo, at Tanggapan ni Senator Risa Hontiveros!
20/01/2022
ᴛᴇᴀᴍ1ꜱᴀɴʀᴀꜰᴀᴇʟ: Handog po ng Tanggapan ni Senador Risa Hontiveros at ng Team1SanRafael! Sa Enero 22, 2022 na po ito, mula 7 ng umaga hanggang 5 ng hapon, sa Maronquillo Covered Court. Dalhin lamang po ang inyong Vaccination Cards upang kayo po ay aming matulungan. Magsuot ng facemask at panatilihin ang social distancing. Magkita-kita po tayo sa Sabado!
Healthy Pinas Mobile Clinic
Sa pinagsamang pagsisikap nina Tita Lorna Silverio, Bokal Emily Viceo, Bokal RC Castro, Kuya Mark Cholo Violago, Ate Lyn Veneracion at ng buong Team1SanRafael, ay mabibigyang tulay ang proyektong "Healthy Buhay at Hanapbuhay", isang medical caravan na handog ng tanggapan ni Sen. Risa Hontiveros, na makarating sa ating mahal na Bayan ng San Rafael.
Ang Healthy Pinas Mobile Clinic ay magtutungo rito sa atin sa Enero 22, 2022 na magsisimula sa ganap na ika-7 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon. Magkakaroon ng libreng Diagnostic Tests tulad ng ECG, Ultrasound, X-Ray at mga Tests sa Dugo.
Ang sinumang San Rafaeleño na nais mabigyan ng atensyong medikal, ay magtungo lamang po sa Maronquillo Covered Court dala ang inyong mga Vaccination Cards sa nasabing araw at oras. Manatili po tayong sumusunod sa mga pangunahing alituntuning pangkalusugan tulad ng pagsusuot ng facemasks, paggamit ng alcohol at pag-iwas na magkadikit-dikit saan mang pampublikong lugar.
10/12/2021
PABATID PO! PATUNGKOL SA LAST DAY NG REGISTRATION NG PAGSALI SA ZUMBA CONTEST NA HANDOG NG TEAM1SANRAFAEL!
10/12/2021
BIO Farm and Training Center Graduation
December 10, 2021
San Roque, San Rafael, Bulacan
09/12/2021
PABATID: Patungkol sa Zumba Christmas Contest na gaganapin sa December 14
Ang mga papremyo ay ang mga sumusunod:
GRAND PRIZE/FIRST PLACE: Php 50,000.00
SECOND PLACE: Php 30,000.00
THIRD PLACE: Php 20,000.00
Consolation Prize: Php 5,000.00 bawat barangay.
PAALALA:
Ang gagamiting uniporme ng bawat kalahok ay ang Zumba shirt na ibibigay sa bawat kalahok. WALA PONG COSTUME at hindi po kami nagpapahintulot ng pagsosolicit para sa costume. Ang tanging kasuotan lamang po na nirerequire ang lahat ay ang Zumba shirt na matatanggap, maaari nyo lamang po itong dagdagan o pagandahin.
Ang pagpaparehistro o pagsusumite ng inyong patunay ng paglahok o entry sa patimpalak na ito ay hanggang DECEMBER 10 lamang po. Ang sinumang hindi makapagsumite hanggang sa araw na nabanggit, ay hindi na tatanggapin. NO WALK-INs po tayo.