15/10/2026
PAANYAYA SA BARANGAY ASSEMBLY
Ang lahat po ay inaanyayahang dumalo sa gaganaping Barangay Assembly sa Oktubre 17, 2026, ganap na alas-2:00 ng hapon sa Paco Elementary School covered court.
Tatalakayin sa nasabing assembly ang mga programa at proyekto ng barangay, mga nagawa at mga planong gawain, ulat sa pananalapi, gayundin ang mga mahahalagang usapin na may kaugnayan sa kapakanan at kaunlaran ng ating komunidad.
Hinihikayat ang lahat na dumalo, makiisa at makibahagi sa talakayan upang maipahayag ang mga saloobin, mungkahi at katanungan para sa ikabubuti ng ating barangay.
Ang inyong pagdalo at pakikiisa ay mahalaga. Maraming salamat po!